"He's fine," pag-uulit ni Doc. Gabriel na siyang hindi matapos-tapos sa kaniyang pagtangis— a tears of joy indeed. Katulad ko ay para akong nakahinga nang maluwang, umiiyak ako dahil din sa labis na kasiyahang nararamdaman. Tila ba para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na lahat ng pangamba ko kanina ay biglang naglaho sa isang iglap. Iyong takot ko na mag-isa ko na lang tutuparin ang pangarap namin ni Melvin ay muling nagkaroon ng pag-asa. Sa katotohanang nangyari ay mas lumakas ang pag-iyak ko na walang pasisidlan ang paggalaw ng balikat ko. "T—thank you, Doc. Thank you," umiiyak kong banggit habang paulit-ulit na hinahangaan ang angking galing ni Doc. Gabriel. "He did it and he's fine." Tumango ito sa kawalan na para bang maging siya ay hindi makapaniwalang napagtagumpayan niya ang

