Chapter 92: Chloe

2111 Words

Wala sa sarili nang mapatitig ako sa mukha ni Melvin, hinahanap ko roon kung tama bang nagbibiro lang ito ngunit nang makita ang nag-aasam niyang mga mata ay natanto kong seryoso siyang naghihintay ng sagot ko. Napakurap-kurap ako, kasabay nang pagsapo ko sa dibdib ko upang damhin ang puso kong animo'y kakawala na sa katawan ko. Walang pasisidlan ang pagtibok nito na para bang sinasabing ito na iyon. Ito na iyong araw na hinihintay ko, na sa wakas ay masasabi kong pwede na akong sumaya. Sa mga nagdaang naranasan ay hindi maiwasan na mapaluha ako, pero sa pagkakataong ito ay tears of joy na iyong maituturing. Alam ko na wala pa itong pinagdaanan ko sa ibang tao na mas malala at malalim ang mga naranasan sa buhay, wala pa ito kumpara sa iba at maaaring sabihin na napakababaw ng pagluha ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD