"Mabuhay ang bagong kasal!" sabay-sabay nilang sigaw nang makalabas kami ng simbahan. Hindi pa sila natuwa sa picture taking na naganap sa harap ng altar, maging sa hamba ng malaking pintuan ay panay ang flash at click ng camera nila na para bang hindi sila nagsasawa sa pagmumukha ng bawat isa. Samantala ay magkahawak-kamay naman kami ni Melvin habang ayaw pakawalan ang isa't-isa. Nang magkatinginan pa kami ay awtomatikong sumilay ang ngiti sa mga labi namin dala ng 'di mapapatawarang kasiyahan. Ang saya pala sa feeling na matali ka sa taong gusto mong pakasalan, sa taong alam mong mahal ka at higit sa lahat ay tanggap ka maging sino at ano ka man. Sobrang saya sa pakiramdam na alam mong may kasama kang tumanda. Iyong tipong hindi mo na kailangang isipin kung sino iyong mag-aalaga sa '

