"Daddy Melvs, halika rito." Dinig kong pahayag ni Leo na siya ngayong namumula na ang mga mata dala ng kaniyang kalasingan. Dinaig pa nito ang nakasinghot ng rugby. Inungasan ko ito, kapagkuwan ay ibinaling ang atensyon sa boteng hawak ko. Ito pa rin iyong alak ko kanina na hindi ko mabawas-bawasan dahil na rin sa kapalpakan ko kanina. Paano ba kasing nangyari na si Drew pala ang natawagan ko? Mariin kong hinilot ang noo, saka ko isinandal ang likod sa kinauupuan kong sofa. Isa-isa ko ring nilingon ang mga kasama ko na kaniya-kaniya ng kabaliwang ginagawa. Sina Trevor at Travis ay animo'y mga bata na naglalaro ng jack en poy, ang matalo ay makakatikim nang malakas na sampal. Sina Gab at Warren naman ay may malalim na pinag-uusapan na hindi na umabot sa tainga ko. Si Marvin naman ay nas

