Chapter 3: Chloe

2170 Words
Bilang tugon ay pagtango na lamang ang nagawa ko kay Mirko. Nang makaalis kami ni Calvin sa unit nito ay iyon ang naging laman ng utak ko buong biyahe namin patungo sa bahay, para lang akong bumubuo ng puzzle quiz kung bakit kailangan ko siyang samahan. Like, bakit naman ako pupunta sa isang kasal na hindi naman ako imbitado? Para ko lang iginisa ang sarili ko sa kahihiyan kapag nangyaring sumama ako, pero ano mang sabihin ng utak ko ay huli na dahil nauna na akong pumayag. "Venice at Leo? Sino ba ang mga iyon?" tanong ko kay Calvin dahil literal na wala talaga akong idea kung sino ang mga iyon. Sa sinabi ko pa ay kunot ang noo niyang nilingon ako mula sa passenger's seat ng kotse. Mayamaya pa nang mapansin kong nakapasok na pala kami sa Corazon Residence, kaya ilang minuto na lang ay nasa bahay na kami. "Saan mo naman nalaman iyan?" balik tanong nito kung kaya ay napasimangot ako. "Kay Mirko. Sabi niya ay samahan ko raw siya sa kasal ng dalawa." "Oh! Baka invited iyong sinasabi niyang Ellena," tumatango-tangong sagot nito habang nakaawang pa ang kaniyang bibig. "At sino naman iyon?" Hindi mawala-wala ang gitla sa noo ko at halos magdikit na ang dalawang kilay ko sa kalituhan. "Girlfriend ba ni Mirko? I mean, ex? Or something what?" "Hindi ko rin alam." Kibit ang balikat nito, saka pa malakas na tumawa. Bago pa man ako makapagsalita ay may kung sino na ang kumatok sa bintana mula sa gilid ko, kaya kaagad ko itong nilingon at halos manlaki ang mga mata ko nang masilayang nakadungaw si Mommy roon. Bumalatay ang saya sa puso ko, sa labis na pagkasabik ay mabilis pa sa kidlat na bumaba ako para salubungin ang nakaambang mga kamay ni Mommy. Kaagad na nanuot sa akin ang mainit nitong balat nang yapusin ko siya. "Mommy! I miss you!" sambit ko nang makawala ako sa pagkakayakap niya. "I miss you, too, hija. It's been a year, mas maganda ka pala talaga sa personal." Tumawa ito, katulad kung paano tumawa ang ilang kasambahay na naroon din pala upang makisalubong sa pagdating ko. Saka naman lumipat ang atensyon ko kay Daddy na nakaupo sa kaniyang wheelchair. Dala ng katandaan ay hirap na siyang makalakad, idamay pa na may kumplikasyon ito sa puso. Nag-retire na rin si Daddy bilang isang sundalo at sa edad niya ay pensyonado na ito. Isang malawak na ngiti ang pinakawalan ko, bago yumuko upang yakapin ito sa kaniyang kinauupuan. "I miss you din po, Daddy. Sana po ay huwag niyo na akong itakwil," paglalaro ko sa boses bata dahilan nang pagtawa niya. "Basta ay magtino ka, walang problema sa akin iyon." Tinapik pa nito ang likuran ko habang ramdam ko rin ang mabigat niyang paghinga sa balikat ko. "Promise, hindi na talaga!" Lumayo ako rito upang itaas ang kanang kamay sa ere, kaya mas lalo itong natawa, kitang-kita ko pa ang mga wrinkle sa magkabilaan niyang mga mata. "Siguraduhin mo lang. Kung 'di ay sa Marawi ka na mapupunta, kasama ni Calvin," aniya, bago nilingon si Calvin na nasa likuran ko lang pala at nakayakap kay Mommy— Mama's boy nga pala ang lalaking 'yan, tch. Napuno ng tawanan ang paligid, tunay namang nagbago na ako, rason para sa mga nagdaang araw ay nakakulong lang ako sa bahay. Kasa-kasama ko si Mikaela kung kaya ay panay lang ang laro naming dalawa sa kwarto. Tila rin ba sinasanay ko na ang sarili sa bago kong buhay dito sa Pilipinas. Kaya nang dumating ang araw ng kasal na sinasabi ni Mirko ay siyang araw pa lang na makalalabas ako. Ayoko man sana ay naroon na ito sa labas ng bahay upang sunduin ako. Wala na akong kawala, kaya nang matapos sa pag-aayos ng sarili ay inisang pasada kong tiningnan ang repleksyon ko mula sa whole-body mirror. Suot ko lang ang kulay puting dress na umabot hanggang baba ng tuhod ko. Sabi ay okay na ang casual attire, in-inform na rin ni Mirko ang pag-attend ko at baka magmukha lang akong gate crasher sa kasal. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, bago inabot ang pouch ko at mahigpit na hinawakan. "Okay ka na ba?" tanong ko kay Mikaela nang makita itong prente nang nakaupo sa dulo ng kama ko. Nilingon niya ako at ilang beses pang tumango bilang tugon. Napangiti naman ako at saka inabot ang kaniyang kamay at sabay na kaming lumabas ng kwarto. Isasama ko si Mikaela, hindi kasi pwedeng iwan ko ito rito. Lalo at may sariling alagain din si Mommy. Si Mommy ay nandito lang din naman sa bahay at inaalagaan si Daddy, paminsan-minsan ay binibisita niya ang flower shop namin na 'di rin naman kalayuan mula rito sa Corazon Residence. Hindi kami ganoon literal na sobrang yaman, iyong sakto lang para matawag ko silang mommy at daddy. Si Calvin naman ay bihira lang din dito sa bahay, ang training kasi nito sa Camp Crame ay required na roon sila mamalagi dahilan para once in a blue moon lang kung lumabas ito at makagala. Hindi ko lang alam kung nasaan na ang lalaking iyon ngayon. Kaya ay ayokong dagdagan ang maging problema ni Mommy at ang mga isipin nito, isasama ko na lang si Mikaela bilang companion ko na rin sa oras na iwan ako ni Mirko sa ere. "Alis na kami!" sigaw ko nang wala akong maabutang tao sa sala, malamang ay kaniya-kaniya na naman silang trabaho. Nang makalabas kami sa gate ay doon lang bumaba ang bintana sa kotse ni Mirko, kaya kaagad kaming nagkatinginan. Literal pang nalaglag ang panga nito nang masilayan si Mikaela at bago pa man siya may masabi ay ipinasok ko na ito sa back's seat. Umikot ako sa kabila upang makapasok sa passenger's seat at mabilis na ikinabit ang seatbelt. Napipilan niya akong tinitigan, rason para ubod ng tamis akong ngumiti. Dagli ko pang nilingon si Mikaela sa likod. "Put your seatbelt on," utos ko na maagap niyang sinunod, nang matapos ay binalingan nito ang kaniyang ama. "Hello, Daddy. Okay ka na po?" Mas lalo akong napangiti, kapagkuwan ay nahabag ang puso. Napakabuting bata talaga nito, wala akong masabi kung 'di ang paghanga sa kung gaano siya kagandang napalaki ni Mirko. Hindi lang maganda, napakatalino rin. "Okay naman, Miks. Ikaw? Alam kong na-miss mo ako, kaya siguro ay sumama ka," pahayag ni Mirko at saka pa natawa, kalaunan nang buksan nito ang engine ng sasakyan. "Hmm, medyo po, pero pinilit talaga ako ni Tita Chloe. Sabi niya kasi ay sasagap kami ng tsismis." Wala sa sariling naitikom ko ang bibig ko, siya namang pagbaling sa akin ni Mirko. "So, bago ang lahat. Pwede mo bang sabihin kung sinu-sino ang mga makasasalamuha ko sa kasal, para naman hindi ako magmukhang tanga roon mamaya?" palatak ko upang iwala ang usapan, kasabay nang pag-usad ng sasakyan. "Venice at Leo, malapit silang kaibigan ni Tyra at ng asawa niyang si Kris. Sila lang ang importante na kailangan mong makilala," sagot niya dahilan para mangunot ang noo ko. "Sino naman si Ellena?" Sa biglaan kong tanong ay sandaling natigilan si Mirko, saka pa niya ako binalingan nang may maliit na ngiti sa labi. Oh, my God! A freaking genuine smile! Don't tell me, nagkaayos na sila? Well, wala akong idea kung sino ba ang babaeng iyon, pero nag-conclude lang ako na baka nga girlfriend niya iyong Ellena. "Si Mommy Ellena? Bumalik na po ba siya?" takang tanong ni Mikaela, kaya sinipat ko ito ng tingin mula sa rear view mirror. "Nagkita na kayo?" Kusang tumaas ang isang kilay ko sa ere sa na-realize. "Opo, siya nga raw po ang— "My future wife," bukal sa pusong turan ni Mirko na para bang dinugtungan na lang ang sasabihin ni Mikaela. Kaya ay kaagad ko itong nilingon. Imbes din na pagtawanan siya ay sinuklian ko rin ito ng pagkatamis-tamis na ngiti. Inlove na nga ang isang 'to. Infairness, pati ako ay kinikilig din para sa kanila. "Uy! Hindi na talaga ako updated sa lovelife mo, ah! Hindi ko akalaing nakapag-move on ka na kay Tyra! Gosh! Ang saya naman," palatak ko na animo'y baliw. Sobrang saya ko lang talaga para sa pinsan kong 'to, all his life was dedicated to Tyra. Kaya ang laking achievement para sa akin na nakahanap siya ng babaeng magpapatibok ng puso niya. As in sa wakas, binuksan na nito ang puso niya para magmahal ng ibang babae. Buong biyahe namin ay nagkwentuhan lang kami ni Mirko, nabanggit niya sa akin ang mga happy moments nila ni Ellena. Maging iyong unang date nila sa Intramuros, pati kung gaano raw ito kaperpektong hinulma ng Diyos para ilaan sa kaniya. Sh*t, ang corny lang pakinggan, pero panay naman ang tawa ko. Hindi ko na nga namalayan ang pagdaan ng oras, huminto na lang iyong kotse ni Mirko sa tapat ng simbahan kung saan nagsisimula na pala ang seremonyas. Kung kaya ay mabilis din kaming bumaba ni Mirko, kasama si Mikaela. Hinintay niya ako para tabihan ito at maagap kong ikinawit ang kamay sa kaniyang braso. Sa bandang huli kami pumila upang makapasok sa simbahan. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ko si Tyra na papalapit sa gawi ko, maging si Mikaela rin ay sinalubong ito. Nang makalapit ay excited kaming nagpalitan ng yakap, sa sobrang tuwa ko ay parang ayaw ko na itong pakawalan pa. "Marami kang utang na kwento sa akin," angil ko nang mapansing magsisimula na ang seremonyas, hudyat na kailangan na nitong bumalik sa kaniyang pwesto. "Alam ko. Huwag kang mag-alala, marami akong baon na kwento." Ngumiti ito, samantala ay binalingan ko pa si Mirko na naroon lang sa gilid namin. Nagngitian ang dalawa at nagyakapan din, ngayon ko masasabing okay na nga sila. Hindi pa nagtagal nang magpaalam si Tyra at nagawa pa niyang nakawin sa akin si Mikaela, kaya pareho kaming tahimik ngayon ni Mirko. "Hi, Chloe!" tili ng isang babae sa kabilang banda, kaya maagap ko itong nilingon. "Hello, gorgeous! Ang taba mo na!" Halos humagalpak ako ng tawa nang makita si Vanessa Schafer, schoolmate ko noon at isa sa naging kasundo ko pagdating sa kalokohan. Parang kailan lang din pala at nakilala niya pa ako. Well, sa tunog ba naman kasi ng pangalan ko noon na araw-araw yata akong pinapatawag sa guidance office, hindi malabo na 'di ako makalimutan ng mga ka-batchmate ko. "f**k you," inis na turan ni Vanessa habang malakas pang tumatawa. Ang bunganga nito, pati ang pagiging busngisngis niya ang hindi ko nakalimutan. "Shh, nasa simbahan tayo," suway ko dahilan para sabay kaming matawa. Ilang minuto pa ang lumipas nang makapasok kami sa loob ng simbahan, nagkahiwalay din kami ni Mirko dahil magkahiwalay ang mga lalaki sa babae. Samantala ay nasa pinakaharapan naman si Vanessa, since isa pala ito sa bridesmaid. Mayamaya pa nang pumasok na ang bride na si Venice, sobrang ganda nito sa wedding gown niya. Simple lang, pero dahil sa kulay nitong pink ay nagmukha iyong elegante. Halos mapuno rin ng pagkamangha ang simbahan sa pagkanta ni Leo. Kalaunan nang pagtawanan ko ang sarili. Ganito na lang ba ang magiging role ko hanggang sa mamatay ako, huh? Ambag ko na lang yata sa mundo ay ang kiligin sa lovelife ng iba? Kailan kaya ako makararanas ng ganiyan? Gusto ko pang saktan ang sarili sa kalokohang naisip. Wala nga akong boyfriend, pero maghahangad ako ng ganito? Aasa pa ba ako? Pagak akong natawa, bago nailing-iling sa kawalan. Sakto naman ang paglingon ko sa gawi ni Mirko upang tanawin siya ngunit napako ang atensyon ko sa lalaking nakamasid sa akin. Hindi ko alam kung kanina pa ba ito nakatitig sa akin, pero sh*t, bigla akong kinabahan. Knowing na siya iyong lalaking nasa TV noon, isang taon na ang nakalilipas. What is his name again? M—Melvin? Melvin Dela Vega, right? That's it! f**k, bakit siya nakatingin sa akin? Teka, sa akin ba talaga siya nakatingin? Sa katotohanang iyon ay napalingon ako sa magkabilaan kong gilid, pilit kong hinahanap kung sino ang maaari niyang tanawin mula rito dahil imposible namang ako. Hindi naman kami personal na magkakilala. Nang walang makita ay iyong babae naman sa harapan ko ang pinagtuunan ko ng pansin at panay din ang tingin sa kabila, kaya siya marahil ang tinitingnan ng lalaking iyon. Doon ay nakahinga ako nang maluwang, masyado lang akong kabado. Ewan ko ba, ang laki ng naging impact niya sa akin simula nang mapanood ko ito. Kaya rin simula noon ay hindi na ako nagsayang ng panahon para maging curious kung sino ang babaeng tinutukoy niya, pinilit ko itong tinanggal sa nakaraan ko. Nang lingunin ko ulit ito ay nasa altar na ang kaniyang atensyon. Rason iyon upang sapuin ko ang dibdib na malakas ang pagkabog ng puso ko, hanggang ngayon kasi ay sariwa pa sa utak ko iyong huling binitawan nitong salita, para iyong sirang plaka na paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD