Chapter 4: Chloe

2191 Words
Alam kong hindi naman para sa akin ang mga katagang iyon ngunit tila bangungot iyon sa akin na hanggang ngayon ay kilabot pa rin ang dala nito sa kaibuturan ko, parang sumpa yata sa kung sino man ang makarinig no'n ay habambuhay nang mamalasin sa buhay. Makailang ulit akong nailing-iling, sa kawalan ng huwisyo ay mabilis lang na lumipas ang oras. Nang mag-closing ceremony ay magkakasabay na nagpalakpakan ang lahat dahilan para magulantang ang mundo ko, kaya nabalik ako sa reyalidad. "I now pronounce you husband and wife— you may now kiss your bride," anang pari na hindi rin maipag-aakila ang kasiyahan sa mukha niya. Isang relasyon na naman ang nabasbasan nito. Kalaunan nang makisabay din ako sa palakpakan, may ilan pang humihiyaw na mga kalalakihan sa kabilang bahagi ng simbahan na tiyak kong mga kaibigan nila. Hindi pa nagtagal nang matapos ang kasal, nauna nang lumabas sina Venice at Leo, kaya kaniya-kaniya nang paroon at parito ang mga taong imbitado. Nagulat pa ako nang mapansing palapit sa gawi ko si Melvin Dela Vega. Nanlaki ang mga mata ko, pero bago pa man mangyari iyon ay kumaripas na ako ng takbo palapit sa gawi ni Mirko. Talagang iniwasan ko ito at ang layo pa ng inikot ko, kaagad ko pang hinila si Mirko at parang batang takot na takot. "Mauna ka na sa labas," paunang bungad nito, rason para mahulas ang emosyon sa mukha ko. "Kakausapin ko lang si Ellena." "Sa—sandali lang naman," angil ko ngunit naging bingi ito na hindi niya ako narinig. Wala na akong nagawa nang kumawala ito, kapagkuwan ay tinapik lamang ako sa balikat, bago niya ako tinalikuran. Sandali akong natulala nang hinabol nito ang isang babae, saka ko natanto na si Ellena pala iyong nasa harapan ko kanina. Hinayaan ko na rin sila at ayoko namang humadlang sa dalawang taong nagmamahalan, hmp. Hindi nagtagal nang mapalingon ako sa lalaking paparating sa gawi ko, kung kaya ay muli na naman akong nalagutan ng hininga. Ang mga yabag nito ang namutawi sa pandinig ko, nagmistulang nag-slow motion ang paligid ko habang pinapanood ko ang bawat galaw nito. Kasabay nang malakas na pagririgodon ng puso ko na naging mitsa para magmukha akong rebulto na hindi gumagalaw sa kinatatayuan ko. Lalo lang din nanginig ang mga tuhod ko nang huminto siya sa mismong harapan ko. As in sa tapat ko mismo— ibig sabihin ay ako talaga ang kaninang tinitingnan niya. What the hell? Ano ba ang sadya nito sa akin? May utang ba ako sa kaniya? Wala akong matandaan na nagkita na kami, kasi ito ang unang beses na nakita ko siya sa personal. Napalunok ako nang may magbara sa lalamunan ko. Hindi ako makahinga, lalo pa nang bulgar niyang pasadahan ng tingin ang kabuuan ko. "You've grown up," aniya na mas lalong nagpakunot ng noo ko, saka pa ito mapaglarong ngumiti. "Don't you remember me, hmm?" Napakurap-kurap ako, para lang akong robot na hindi gumagalaw. Nang hindi ako magsalita ay mahina siyang natawa dahilan para masilayan ko ang mapuputi niyang mga ngipin, lumabas pa ang 'di ganoon kalalim nitong dimple. "I'm Melvin Dela Vega," pahayag niya at saka pa inilahad ang isang kamay sa harapan ko. Hindi ko iyon tinanggap dahil literal na napanawan ako ng kaluluwa. Bumagsak ang atensyon ko roon at napatitig lamang sa palad niyang nanghahalina ngunit hindi ako gumalaw. Ayokong gumalaw, o bigyan man lang ng interes ang paglapit niya sa akin. Ayokong isipin na ako talaga ang sinadya nito, pero kung ganitong harap-harapan na niya akong titigan ay baka ito na ang magiging huling sandali ko sa mundo. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung bakit siya ang naging bangungot ko sa nagdaang taon. Tandang-tanda ko pa ang ngisi nito noon, iyong mga mata niyang napupuno ng galit. Tila ba lintik lang ang walang ganti, simula rin noon ay nag-iba na ang tingin ko sa kaniya. Hindi na siya iyong prim and proper na nakikita ko sa mga magazine at ilang billboard. Ngayon ay dinig na dinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko, para na iyong kakawala sa dibdib ko. Pati ang paghinga ko ay limitado na ano mang oras ay baka mahimatay na lamang ako sa kakapusan ng hangin. "Right! You don't remember me, huh?" dagdag niya. Muli siyang natawa, isang nang-uuyam na pagtawa, kapagkuwan ay binawi ang kamay nito nang marahil ay mangawit siya. Napalunok ako, bago ito tiningala kung saan naglalaro sa labi niya ang isang nakalolokong ngiti. "So, what about this, M—M..." utal nitong sambit sa pangalan nito, rason para tuluyan nang gumuho ang mundo ko. Animo'y may bombang sumabog sa utak ko at dere-deretsong bumaha sa isipan ko ang huling kaganapan, bago ako ipinatapon sa Australia. Iyong eksaktong pangyayari kung saan kaharap ko si MM, iyong lalaking nerd na naka-jumper noon. Wala pa sa huwisyo nang matitigan ko ang kabuuan ni Melvin, pilit ko pang hinahanap sa kaniya ang resemblance ni MM kung totoo ngang iisang tao lang sila ngunit hindi ko talaga magawang mahanap. Para bang ibang tao na ngayon ang kaharap ko, hindi siya iyong MM na nakilala ko. Walang bakas ng pagkainosente ang mukha ni Melvin, maliban sa malamig niyang emosyon ay pakiramdam ko pang galit ito dahil sa palaging pagkakaigting ng kaniyang panga. Hindi ko makita sa kasuotan nito iyong pagkakahawig nila ni MM, isang pares ng black tuxedo ang suot ni Melvin na kung tutuusin ay hindi ko naisip na susuotin ni MM. Tumatak na sa utak ko ang suot niya noong jumper suit, kasama ng medyas nitong nakalabas sa kaniyang rubber shoes. Iyong Melvin na kaharap ko ngayon ay literal na walang pagkakakilanlan sa MM na nakilala ko. Walang libro, walang salamin sa mata, bagkus ay maganda ang paninindigan ngayon. Nagmukha lang siyang police militar na maayos at tuwid ang tindig. Hindi kaya ay nagparetoke siya? Mayaman siya 'di ba? O hindi kaya ay puberty hits him so hard, kaya talagang hindi ko siya makilala ngayon? Pero kahit ano pa man iyon, ayoko sa katotohanang magkalapit ang mundo namin. Hindi na rin ako magtataka kung ako man ang tinutukoy niya sa interview nito noon, kaya marahil ay nandito siya ngayon sa harapan ko. At kung ganoon nga, magpapatapon na lang ulit ako sa Australia at doon na talaga maninirahan habambuhay. Kalaunan nang maubo ako, ilang beses kong tinapik ang dibdib ko nang tuluyang bumara sa lalamunan ko ang sariling laway. Nang makakita pa ng tsansa ay mabilis pa sa kidlat na tumakbo ako palayo kay Melvin. Wala nang lingun-lingon na nilasayan ko ito, hindi rin naman ako nakarinig ng pagtutol dito kung kaya ay dere-deretso akong lumabas. Sa gilid pa nga ako ng simbahan lumabas dahil hindi ko na nagawang lumiko pa sa main exit. Mula roon ay bumungad sa paningin ko ang kumpulan ng mga tao sa labas. Doon sila nagtipun-tipon para sa picture taking. Ilang beses din akong nagpalinga-linga upang hanapin si Mirko sa paligid. Kalaunan nang mapadpad ako sa grupo ng mga kalalakihan. Iyong mga lalaki na kaninang katabi ni Mirko sa upuan ng simbahan, pero sa reyalisasyong baka kasama nito si Ellena ay kusang bumagsak ang balikat ko. "Ayun pala si Tori!" Dinig kong sigaw ng isang lalaki na naroon sa gilid ko. Nang lingunin ang itinuturo nito ay nakita kong si Mirko iyon, laking gulat ko pa nang masilayang buhat-buhat niya si Ellena sa paraang bridal style. Natanaw ko ang pagkadesido sa mukha ni Mirko. Kaya kaagad kong binalingan iyong dalawang lalaki na nag-uusap, siya ring pagkatulala ko nang maaninagang iisang mukha lang sila. Kambal marahil, nang makitang lalapitan nila sina Mirko ay wala sa sariling nahatak ko ang kwelyo ng kanilang tuxedo. Pare-pareho kaming nagulat at gaano man din ako nabigla sa ginawa ko ay hindi ko sila hinayaang makawala hangga't hindi nagagawa ni Mirko ang gusto niya. Nang makitang sumakay ang dalawa sa kotse nito ay doon ko lang sila binitawan. "Sorry, I got carried away," nahihiyang banggit ko at saka pa nag-peace sign. "Kambal kayo?" Kahit obvious naman na ang sagot ay naitanong ko pa rin iyon upang kunin ang atensyon nila, para rin mas magkaroon ng oras si Mirko na lisanin ang lugar. Nagpapalit-palit pa ang tingin ko sa dalawa habang nangungunot ang noo. "Hindi ba obvious?" masungit na turan ng isa, wala akong identification kung anong pinagkaiba nilang dalawa. "Ah, akala ko mag-ama kayo, e." Peke akong ngumiti, rason naman iyon upang bumakas ang pagkadisgusto sa mukha nila. "Sabi ko nga, kambal kayo. Sige, ah? Mauuna na ako..." Bago pa man sila makapagsalita ay dahan-dahan akong pumuslit palayo sa kanilang dalawa, baka kambal na upper cut din ang matanggap ko. Sa paglayo ko ay siya namang pagma-materialize ni Melvin sa paningin ko. Nakapamulsa itong naglalakad patungo sa gawi namin, kaya literal na nanlaki ulit ang mga mata ko. s**t! Bakit ko ba hinayaang makaalis si Mirko? Sana pala ay sumama na lang ako. Teka, nasaan ba si Tyra at Mikaela? Nilingon ko ang magkabilaang gilid ko, pero sa dami ng tao ay hindi ko magawang mahagilap si Tyra, maski man lang ang madinig ang boses ni Mikaela. Sa paglapit pa ni Melvin ay sinadya niyang hawakan ang kamay ko. Hinatak din ako nito pabalik sa kaninang kinalulugaran ko, kung saan naroon iyong kambal. Bumagsak ang panga ko, sandali pa akong nagbaba ng tingin sa kamay ni Melvin na mahigpit ang hawak sa braso ko. "Te—teka lang! Mahal ko pa ang bu—buhay ko!" utal kong banggit, sa lakas ng boses ko ay may ilang napalingon sa amin. "Mahal ko rin ang buhay ko," aniya sa malamig na boses, halos manuot pa iyon sa kalamnan ko. Kung gaano katirik ang araw sa langit ay siyang lamig naman ng pagkatao ni Melvin, maging ang palad nito sa balat ko ay kasing lamig ng yelo. Hindi ko mawari kung natural na ba iyon, o nanlalamig siya dahil sa ginagawa nito sa akin? Hindi pa nagtagal nang huminto kami sa tapat ng kambal, kung saan mariin akong tinitingnan. Animo'y mga predator na handang mangain ng buhay, samantala ay panay naman ang atras ko ngunit hindi ako hinayaang makatakas ni Melvin. Punyemas talaga. "Ito pala iyong pinsan ni Mirko, 'yung pulis na gustong humuli noon kay Venice at Leo," pahayag nito dahilan para lumuwa ang dalawang mata ko. "Ano sa tingin ninyo ang dapat nating gawin sa kaniya bilang kabayaran?" Hindi ko na alam kung anong itsura ko ngayon, hulas na hulas na ang make up ko for Christ's sake. Kung haharap ako sa kanilang ganito ay baka hindi nila ako mapatawad at isa pa— bakit ba ako ang kailangang magbayad? Kung ano man ang atraso ni Mirko, aba, labas na ako roon. Nang malingunan si Melvin ay kitang-kita ko ang pagngisi nito, nagmukha lang tuloy itong goons sa paningin ko. Iyong tipong nakakatakot, pero dapat ay gwapo pa rin. "Papakainin natin ng shanghai," anang isa sa kambal, rason para balingan ko ito. Kung may pagkakataon lang din siguro akong tumawa ay kanina ko pa ginawa, pero sa ganitong sitwasyon na seryoso si Melvin ay sinarili ko na lamang iyon. "Babasahan ng bible verse, teka lang..." pahayag ng isa pa, kapagkuwan ay may dinukot sa kaniyang bulsa. "Repent! Turn away from your offenses; then sin will not be your downfall." Matapos iyon ay itinatapat pa niya sa akin ang hawak na maliit na bible, tila ba nagpapalayas ng masamang espiritu sa katawan ko. Samantala ay nagkatinginan naman sina Melvin, pati iyong kambal ng lalaki. Teka, pastor ba 'to? Umasim ang mukha ko, hindi ko pa malaman kung tatawa ba ako, o yuyuko bilang pagpupugay. Kalaunan nang kusang bumagsak ang ulo ko, rason nang pagsinghap nilang tatlo. "Amen," wala sa huwisyong banggit ko. "Alam mo, wala talaga sa hulog 'yang ginagawa mo, Trevor. Lumayas-layas ka nga sa paningin ko!" sigaw ni Melvin, kaya halos matumba ako sa pagkakayuko ko. Mabuti at hawak pa nito ang braso ko at maagap niya akong hinila upang ipirmi sa tabi nito. Ilang saglit pa nang tumuwid ako ng tayo, gusto ko na lang sumigaw at hanapin si Basilio at Crispin sa kabaliwan ko sa tatlong 'to. "Anong wala? Nasa simbahan kaya tayo," anas ng lalaki na tinawag ni Melvin na Trevor. "Tch, diyan na nga kayo." Muli akong hinatak ni Melvin, patungo sa isang kotse na hindi nalalayo sa kaninang pwesto namin. Napipilan kong nilingon si Melvin, kapagkuwan ay huminto sa kalagitnaan ng paglalakad namin dahilan para mapahinto rin ito at balingan ako. Pinagtaasan pa niya ako ng kilay at mapagtanong na tinitigan ang mukha ko. "Saan tayo pupunta?" takang tanong ko. Katulad ng sinabi ko kanina, ayoko pang mamatay. Gusto ko pang malaman iyong mga bagay na hindi ko pa alam. Kagaya na lang kung bakit nabaliw si Tita Sylvia, kung ano na ang kahahantungan nina Mirko at Ellena. Pati iyong dapat na ikukwento sa akin ni Tyra. "Gusto mo bang maglakad papunta sa reception?" balik pagtatanong ni Melvin, kaya inungasan ko na lamang ito. Bakit ba kahit naka-poker face ito ay ang attractive pa rin niyang tingnan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD