Si Melvin naman ay panay ang lingon sa kaninang nilakaran ni Cheryl, hindi na ito nakaabot sa paningin namin kung kaya ay alam kong nakalayo na siya. Madilim din ang kalangitan, kaya naging limitado lang ang natatanaw namin. Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Melvin, kaya masuyo kong pinisil ang palad nito na nananatiling hawak ang kamay ko. Nilingon niya ako, awtomatiko pang sumilay ang isang maliit na ngiti sa kaniyang labi. "Gusto mo bang sundan natin?" bulong ko, pero sapat na para makaabot pa sa pandinig niya. Umiling ito. "No need. She can handle herself. Kung marunong siyang umalis, matuto rin siyang bumalik." Napanguso ako, saka naman mas sumilay ang mga ngipin niya sa paningin ko nang lumawak ang pagkakangiti ni Melvin. Nagawa pa niyang abutin ang batok ko upang mahalikan ako

