"Magpagaling ka, Melvin," panimula ko, bago ito binalingan. "Magpaopera ka, hindi lang dahil iyon ang kailangan mo— kung 'di dahil kailangan kita. Ayokong mawala ka, tama na iyong isang beses na nagkahiwalay tayo. Ngayon pa lang ay masakit na para sa akin na isiping mawawala ka, kaya please, Melvin, para sa akin— para sa ating dalawa, para sa bubuuin nating pamilya— gusto ko na lumaban ka. Gusto kong makita na ipinaglalaban mo rin ang sarili mo, gusto kitang makita na matatag at malakas— gusto pa kitang makita..." Nangilid ang luha ko, kaya mahina akong natawa. Ayokong umiyak sa harapan niya, baka lalo itong mapanghinaan ng loob. Kung gaano ko ito pinapalakas, kailangan ay maging malakas din ako para sa kaniya. "Hindi na ganoon karami ang oras ko ngayon, Chloe. Baka kapag nagpaopera ako,

