Kumawala rin ako sa paghalik niya at isinubsob na lamang ang mukha sa unan. Sa huling beses na inikot nito ang katawan ko ay doon ko naramdaman ang pagsabog ko na hindi ko na nagawang hintayin si Melvin. "Tama na, please lang!" "Suko ka na kaagad? Wala pa nga tayong isang oras," tila pang-uudyo ni Melvin habang tanaw ko ang malademonyo niyang pagkakangiti. Napipilan ko siyang tinitigan, kapagkuwan ay mahinang itinulak ang kaniyang noo gamit ang hintuturo ko. Siya namang malakas nitong paghagikhik na para bang tuwang-tuwa sa itsura ko ngayon. "Wow, Mr. Dela Vega— aanhin ko 'yang sinasabi mong wala pang isang oras, kung hindi mo naman ako pinagpapahinga?" giit ko rito sa mababang boses, nag-iingat pa rin na huwag may makarinig sa amin. "Sorry, na-miss lang kita. Higit isang buwan din k

