Ilang beses ko yatang nahampas ang manibela ng sasakyan ko nang maramdaman ko ang paulit-ulit na pagkirot ng leeg ko, para lang akong sinasakal at literal na nahihirapan akong makahinga dahil sa pagsipa sa akin ni Chloe. Kamuntikan pa akong mabangga, kasi hindi ko magawang maigalaw ang leeg ko. Iyong tipong para lang akong nagkaroon ng stiff neck at hirap akong lumingon. Naging usad pagong na rin ang pagmamaneho ko dahil baka tuluyan akong kunin ni San Pedro. "f**k!" muli kong pagmumura nang muling manuot sa akin ang sakit. Bahagya ko pang hinilot ang batok ko at ganoon ko na lamang din iyong bitawan nang mas lalo kong maramdaman ang sakit, animo'y napaso ako at dali-dali kong inilayo ang kamay. Sa oras na iyon ay hindi ko malaman ang gagawin. Napuno ng galit ang puso ko, hiyang-hiya a

