"Ano sa tingin mo ang nagbago?" Dinig kong tanong ni Marvin nang maabutan ako nito sa office ko mula sa Dela Vega Publishing House. Dalawa lang kaming magkapatid, mas matanda siya ng limang taon ngunit hindi ko naman ito matawag na kuya. Sa mga naranasan ko sa buhay, mas naging matured akong mag-isip at gumalaw kaysa sa kaniya. O baka nasa utak ko lang iyon dahil masyado akong seryoso sa buhay? Sa edad kong twenty eight, pakiramdam ko ay doble pa roon ang edad ko na para bang pasan ko ang mundo. Marahil din ay ganito ang nangyayari kapag masyadong pinagdadamutan sa buhay, iyong tipong mailap ang kasiyahan— mabilis mag-mature. Karamihan pa nga sa mga nakakakita sa amin ay ako ang napagkakamalang panganay. Marvin is a bit childish in a way na gusto niyang magpasaya, but not me, not at all

