Kinabukasan nang magising ako, sa dinaramdam ko ay naging putul-putol ang tulog ko. Sa ganap na alas singko ng umaga ay maagap akong umahon mula sa pagkakahiga ko, hindi ko na binalak pang matulog. Bagkus ay dahan-dahan akong tumayo upang maiwasan na magising sina Elsa at Jinky na nasa tabi ko. Sa pamamaga pa ng mata ko ay naging limitado ang paningin ko na nagmistulang lang akong intsik. Nang makapasok sa banyo ay madali akong naghilamos ng mukha, sandali ko pang tinitigan ang sariling reflection sa salaming nasa harapan ko. Hindi nga ako nagkamali na mukha ako ngayong kinagat ng ipis. Ang laki ng umbok sa parehong mata ko, kita ko rin ang nangingitim kong eyebags. Wala sa ayos ang buhok ko, para lang akong pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi maipag-aakila ang bakas ng sakit ng kaha

