Sa kinatagalan nang paghahalikan namin ni Melvin ay halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may kumatok sa pinto. Doon lang din yata ako natauhan at para akong binuhusan nang malamig na tubig. Ura-urada akong lumayo kay Melvin at nanlalaki ang mga matang tiningala ko ito, samantala ay nakaawang lang ang labi nito na animo'y nabitin. Kalaunan nang makagat niya ang pang-ibabang labi, bago nilingon ang pinto. Bago pa man din tuluyang bumukas iyon ay madalian akong bumaba sa pagkakaupo ko sa lamesa, kapagkuwan ay tinakbo ang distansya ng pinto. Hindi ko iyon binuksan, bagkus ay nagtago lang ako sa likuran nito. Dumampi ang likod ko sa malamig na pader ng kwarto, ganoon pa man ay hindi pa rin nababawasan sa kung paano mag-init ang katawan ko ngayon. Ramdam ko pa rin sa balat ko ang init na

