Bago pa man din kami makita ni Marvin ay madalian akong hinila ni Melvin sa kaninang pinanggalingan naming hallway. Ilang beses itong humakbang paatras hanggang sa tingin nito ay hindi na kami maaabot tanaw ni Marvin. Pero teka nga, anong ginagawa ni Marvin dito? Empleyado rin ba siya ni Melvin dito sa Dela Vega International Airport? Sa kalituhan ay mariin kong inapakaan ang paa ni Melvin dahilan nang pagkakatigil niya. Wala pa sa sarili nang mabitawan ako nito upang pagtuunan ng pansin ang paa niyang napuruhan ko. Halos mayupi ang mukha ni Melvin sa sobrang pagdaing nito, patalon-talon din siya gamit ang isang paa niya. "What the hell did you do?" singhal nito habang masama akong tinititigan. Hindi na ako sumagot at inirapan lang siya, kasabay nang pagtalikod ko rito at iniwan ito. B

