Chapter 23: Chloe

2117 Words

Anak ng— Kamuntikan na akong mapasubsob sa passenger's seat nang mabuksan ko ang pinto doon at iyon kaagad ang bumungad sa akin. Nagawa pang hawakan ni Melvin ang braso ko upang alalayan ako dahil literal na nanlambot ang mga tuhod ko. Kalaunan nang makaupo ako nang maayos ay doon ko napipilang binalingan si Melvin, kapagkuwan ay ikinunot ko pa ang noo dahil sa kaninang narinig. Good morning? Ano na naman ba ito? "Alam kong hindi maganda ang umaga mo dahil sa request ko, kaya binati na lang kita," maagap na pahayag ni Melvin nang makita ang itsura kong akala mo ay bumubuo ng isang puzzle quiz. "Good morning ulit." Talagang inulit pa. Teka, nasaan ba ang pamalo ko? Well, totoong hindi maganda ang umaga ko, pahinga ko dapat ngayong araw, pero ngayon na binati niya ako ay mas lalo lang na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD