Huminga ako nang malalim, kasunod nang pagtingala ko sa mataas na building ng Dela Vega Publishing House. Sa tuwing nakikita ko ito, literal nang sumasagi sa utak ko kung ano ang mga pinagdaanan ko sa loob niyan. Diyan kasi na-develop ang feelings ko kay Melvin, diyan din nangyari ang kauna-unahang beses na may nangyari sa aming dalawa— never forget. Isa 'yan sa mga most unforgettable moment ko sa buhay. "Ano ba kasing ginagawa natin dito?" palatak ko, bago binalingan sina Elsa at Jinky na naroon sa gilid ko. "Hindi ko naman sinabing sundan natin si Melvin." "Huwag kang ano riyan, Chloe. Hindi ito para kay Melvin at hindi patungkol sa 'yo. Hindi mo na ba tanda? Dakila kaming mga Marites," pahayag ni Elsa habang tinatakpan ang kaniyang ulo ng malaking dahon na pinitas pa nito kanina sa i

