Chapter 8

1186 Words
Pinatulog niya ako sa sarili niyang kuwarto habang nanatili naman siya sa sala kagabi. Medyo hindi ako sanay dahil amoy lalaki ang kama at hindi masyadong malambot na kinagisnan ko sa mansiyon. Kahit na gano'n ay nakatulog pa rin ako nang mahimbing. In fact, paggising ko ay tirik na ang araw. Sabi ni Japen ay alas-siyete ng umaga na ako nagising kaya ilang segundo akong nakatayo roon at hindi makagalaw sa gulat. Alas-siyete rin ang klase ko sa umagang 'yon at kapag babiyahe pa kami ay tiyak kong tapos na ang second subject sa araw na 'yon. Ayos lang sana kaso dalawang subject lang ang papasukan ko sa umaga, at isa sa hapon. I would definitely waste our time running after the afternoon class kung isang oras lang naman ang time-alloted sa subject na 'yon. Kaya nagdesisyon akong hindi na pumasok. Tumawag din si Dad kanina at sinabi na hindi niya muna ako papauwiin sa mansiyon. Manatili raw muna ako sa bahay ni Mang Selyo at may tiwala raw siya kay Japen. Napaismid ako sa huli niyang sinabi. I mean, Japen did not take advantage last night and he should not. Or else makakatikim sa akin ang lalaking 'to! "Ayaw mong kumain?" tanong niya. Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang pahabang mesa. Magkaharap. Kanina pa siya subo nang subo pero nanatili akong nakatitig sa pagkaing nakahain sa harap. Kahit na gusto kong kumain, para bang nasusuka ako na ewan. I did not like the smell of the food in front of me. At para yatang natauhan si Japen. Binaba niya bigla ang mangkok sa harap at seryoso akong tinitigan. "Wag ka nang maarte. 'Yan lang mapapakain ko sa 'yo." Napakurap ako. At hindi ko namalayang lumipad na ang kamao ko sa mukha niya. Ramdam ko pa ang hapdi sa likod ng kamay ko matapos ko siyang masapak. Napahawak siya sa nguso at pinandilatan ako. Pinaningkitan ko naman siya ng mata. "Seriously? You only got those filthy foods?" Umismid ako. "Kawawa naman ng babaeng papakasalan mo in the future." "Aba!" Tinuro niya ako pero nang pinandilatan ko na naman siya ng mata ay binaba niya ang sariling daliri. "Kung ayaw mong kumain, edi ---" Pinutol ko ang sasabihin niya. "What?" hamon ko kay Japen. "Anak ng tinapa! Bibilhan na nga kita ng matinong pagkain!" inis niyang sambit. Tumayo siya at mabilis na kinuha ang jacket na nakasampay sa gilid ng pinto. Sinuot niya 'yon bago walang lingong lumabas ng bahay. Napabuga ako ng hangin at tiningnan ang ulam sa mesa. To be honest, pamilyar sa akin ang maliit at medyo may kaitimang isda sa mesa. Daing yata ang tawag do'n. Wala naman kaso sa akin kung 'yan 'yong ihahain ni Japen, pero hindi ko kaya ang amoy niyon. Para akong masusuka na ewan! Ngumuso ako at tumayo. Hindi ko gustong makita ang maitim na isdang 'yon, kaya nagdesisyon akong lumabas na muna ng bahay. Hindi ko pa nalilibot ang lugar dahil gabi na nang makarating kami rito kahapon. Gusto kong tingnan kung anong klaseng lugar naninirahan si Japen. Dala ang isang payong na kinuha ko sa gilid ng pinto, lumabas ako ng bahay at naglakad-lakad sa labas. Dahil mataas na ang sikat ng araw at medyo masakit sa balat ang sinag, kaya binuksan ko ang payong. Kaya lang ay hindi ko naman akalaing sira pa lang ang payong nakuha ko. Wala akong nagawa kung hindi bumalik sa bahay. Siguro mamaya na lang ako mamasyal. May nakita pa akong swing sa isang children's park. Napangiti ako. Pupunta ako ro'n mamayang hapon para maglaro. Humakbang ako pabalik sa pinanggalingan. May ilang tao pa akong nakakasalubong at bawat isa sa kanila ay taka akong tingnan. May ilang lalaki pang malawak ang ngisi habang sinusundan ako ng tingin. Sumipol pa 'yong isa sa kasamahan niya. Binilisan ko ang hakbang. I heard that most of those kind of animals were really living in this kind of places. Mga lugar na malayo sa highway at magkakalapit ang mga bahay. Mabuti na lang at nasa isang private property ang mansiyon ni Dad kaya hindi ko nae-encounter ang mga gano'ng animals. Well, I was not fond of travelling outside our mansion anyway. Hindi pa ako nakakalapit nang husto sa bakod nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Japen. "Azora! Azora!" Sumimangot ako. Lumabi. The one I hated the most was people shouting my names like it was their last breath. Hello? Hindi ako bingi. Inis kong binuksan ang bakod at humakbang papalapit sa pinto ng bahay na ilang hakbang pa ang layo. I was in my middle of steps when Japen appeared at the door. He was panting and bewildered. Nang makita niya ako ay gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata niya. Tapos malalaki ang hakbang na lumapit sa akin. "Azora!" ulit niyang sigaw sa pangalan ko. Pinagkrus ko ang mga braso at matalim siyang tinitigan. "Stop shouting, will you?" saway ko sa kaniya. Huminto siya sa harap ko at pinasadahan ng kamay ang sariling buhok. "Wag kang lumabas ng bahay na hindi nagpapaalam sa akin!" aniya. My forehead creased even more. "I said stop ---" "Hindi ako sumisigaw," putol niya sa sinasabi ko. I rolled my eyes. Nakakainis. "Well then, back off!" sabi ko at hinawi siya. Nauna na akong pumasok sa loob ng bahay niya at nalanghap ko na naman ang nakakasukang amoy ng maitim na isda. Napatakip ako ng ilong. "Can you throw that thing outside?" Tinuro ko ang daing na tahimik lang sa mesa. Walang imik si Japen kaya lumingon ako sa kaniya. Nakakunot ang noo niya at nakahalukipkip. He seemed angry. I rolled my eyes again. "Hey! Did you hear me?" pukaw ko sa kaniya. Doon lang niya ako binalingan ng tingin. Nakakunot pa rin ang noo niya kaya mas lalo lang akong nainis. "Stop creasing your forehead!" "Ikaw lang ba ang may karapatang magalit?" I blinked twice at what he said. Tapos, pagak akong tumawa. I could not believe that he have the courage to speak that to me! Lumapit ako sa kaniya at hinampas ang braso niya. Hindi naman siya natinag. Hinampas ko na naman ang kabilang braso niya pero wala pa rin siyang kibo. Mas lalong nandilim ang paningin ko. He was such a pain in my eyes! Akmang hahampasin ko nang paulit-ulit ang dibdib niya, pero mabilis niyang hinuli ang dalawa kong palapulsuhan at itinaas ang mga iyon sa uluhan. Ngumisi siya. "Hindi na ako ang dating Japen na palagi mong minamaltrato, Azora." Natahimik ako sa sinabi niya. I was a little disappointed of myself because I let him pulled both my hands up in the air. Tuloy, mukha akong kawawang batang pinagsasabihan ng Dad niya. Well, Japen was taller than me so I need to literally looked up to him. "You're still the old Japen," I said and looked away. I pulled my hands down but he would not let me. In fact, his grip on my wrists became tighter and I slightly grimaced, not because of pain but because of the fact that he was holding me... and strangely, my heart went wild knowing that he stared at me longer than usual.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD