The news spread like wildfire.
Kinabukasan ay laman ng nationwide news ang nangyari kay Anthony. Sinisi ng mga tao ang University dahil naging pabaya raw ito. But I knew better.
"Miss Azora!"
Huminto ang mga paa ko sa pag-abante at lumingon sa tumawag. Nakita ko ang Professor ko sa programming.
"Sir?" Humakbang ako palapit sa kaniya. "Bakit po?"
"Please pass it to your class mayor. Magkakaroon kami ng emergency meeting kaya hindi ako makaka-attend sa klase ngayon."
"Okay." Tinanggap ko ang inabot niya.
"Kaibigan mo ba si Mister Anthony, Miss Azora?"
I froze for a second before I retrieved my calm. Mabilis akong umiling. "No, Sir."
Tumango siya at ngumiti. "I'll go, Miss Azora." Pumihit siya at humakbang palayo pero agad ding huminto at muling tumingin sa akin. "By the way, please see me at the admin office later. May gustong itanong ang mga police sa 'yo."
I was dumbfounded. "Police?"
"Sinasabi ni Miss Jenica na kaibigan ka ni Mister Anthony. Gustong makuha ng police ang statement mo sa nangyari." Tumitig siya sa akin. "Gusto mo bang tawagan ang parents mo, Miss Azora?"
Si Papa?
Mabilis pa sa alas-kuwatro akong umiling sa sinabi niya. "No. Tanong lang naman po. So, I'm okay with it."
"Good. I'll go now, Miss Azora."
"Okay, Sir."
Tinanaw ko lang ang likuran niya habang humahakbang siya palayo. Kumurap ako at huminga nang malalim. Magtatanong lang ang police, right? I should not feel scared.
PAGPASOK KO sa loob ay nakita kong nagkumpul-kumpulan ang mga kaklase ko. Pinag-uusapan nila ang nangyari kay Anthony kagabi.
"Si Jenica ang nakakita sa bangkay," sabi ng isang babae.
Tumango ang kausap niya. "Baka siya 'yong pumatay."
Napantig ang tainga ko sa narinig. It was amusing to listen to gossips but it's another thing when it is about ourself. Kaya minabuti kong hindi na makinig at diretso nang ibigay sa class mayor ang folder na pinabibigay ng Prof.
Tumingin ang class mayor sa akin mula ulo hanggan paa. Umikhim siya. "Kaibigan mo ba si Anthony, Azora?" tanong niya.
Napatitig ako pabalik sa class mayor. Natahimik din ang paligid at naramdaman ko ang pagdapo ng tingin nila sa mukha ko. I smiled wryly.
Bakit ako ang pinaghihinalaan nila? Wala akong ginawa. Wala akong ginawang masama!
"Azora," pukaw niya. Bigla siyang natawa. "Anong mukha 'yan? Tinatanong ko lang kung kaibigan mo si Anthony."
"No..." I shook my head.
Nangunot ang noo niya. "Pero palagi ko kayong nakikitang sabay na kumakain sa canteen." Ngumisi siya. "Wag mo nang i-deny."
"Hindi ko siya kaibigan..." I said. It was the truth. Anthony was not my friend but my boyfriend.
Hindi lang siguro nila ma-associate si Anthony sa pagiging boyfriend ko because for them, Anthony was like a star, so close yet so far to touch.
Umiling ang class mayor at humalukipkip. "Tingnan mo ang mukha mo, Azora. Bakit parang nakakita ka ng multo?" Nilibot niya ang tingin sa loob ng classroom. "Tinatanong ko lang kung kaibigan mo siya. Mahirap bang sagutin ang tanong ko?"
"Sinagot na kita." Umikhim ako at pinatatag ang boses.
Tumingin siya ulit sa akin. May ngiting nakapaskil sa mukha niya. "Okay. No hard feelings, Zor. Magtatanong lang sana ako kung may naging kaaway ba si Anthony?"
Umiwas ako ng tingin. "Hindi ko alam," bulong ko. And I was telling the truth because Anthony was keeping things to himself and ddin't share a thing with me.
Sa isang buwan na pagiging nobya niya, wala akong nakilalang naging kaaway niya. Hindi siya basagulero. Hindi rin siya black sheep. In fact, sobrang well-known niya sa campus dahil kabilang siya sa SSG at isa rin siyang campus journalist. But I didn't know what's happening behind the curtains, if he had enemiws or none. At least now, I have an idea that Dad and Anthony's father had a history that even I, Dad's daughter didn't know.
"Sige na," biglang sambit ng class mayor. "Upo ka na sa upuan mo. Baka tapos nang kumain si Prof."
Bumalik ang ingay sa loob ng classroom. Lumingon naman ako sa professor desk. Walang tao sa likod no'n. "Kanina pa kayo rito?" tanong ko.
"Hindi. Kakapasok lang namin nang pumasok ka sa pinto."
"Okay."
Tahimik kong tinungo upuan ko pero napahinto ako nang may maalala. Tinawag ko ulit ang class mayor. "Wala si Prof. May emergency meeting daw sila sa faculty ngayon."
Natahimik ulit ang classroom.
Napamura ang class mayor. "Ba't hindi mo sinabi agad?" Nagbaba siya ng tingin sa folder at binuklat 'yon. Nagmura na naman siya. "May activity tayo, guys. Tary, isulat mo nga 'to sa white board," utos niya sa secretary namin.
Bumuntong-hinga ako at umupo sa upuang nakalaan sa akin. Inilabas ko agad ang laptop at binuksan ang compiler program.
Nagtipa ako ng code base sa binigay na problema ni Professor. Pero kahit nagtitipa ako sa keyboard ay hindi mawala-wala sa isip ko ang tungkol kay Anthony.
Malinaw pa rin sa ala-ala ko ang eksena kagabi. Dahil sa takot, hindi na muna ako umuwi sa bahay. Nag-book ako sa isang hotel na nasa malapit lang. Bente na ako kaya hindi na mahirap sa akin ang mag-book ng reservation lalo't may valid ID na ako. Saka wala akong planong bumalik sa bahay.
Kagabi nga ay galit na galit si Papa dahil hindi raw ako umuwi sa bahay.
Pero masisisi niya ba ako? Hindi ko maatim na umuwi sa bahay ng isang mamamatay-tao. Ayokong matulog sa isang bahay kasama ang lalaking pumatay kay Anthony.
"Ay! Ano ba! Hindi naman, e! Ayaw niyang mag-run!"
Napakislot ako sa gulat at napatingin sa sumigaw. Kaklase kong babae na nakabusangot habang nakaharap sa laptop niya.
Tiningnan ko ang sariling code. Nakagat ko bigla ang ibabang labi at napabuntong-hinga. Mali ang syntax ng code ko. Bumusangot din ako at muling nag-open ng template para sa Java.
Pagtingin ko ulit sa mga kaklase, nagliligpit na sila ng mga gamit. Mukhang tapos na rin silang mag-code.
Mabilis kong niligpit ang gamit. Kailangan ko palang magpunta sa Admin office dahil may itatanong daw ang mga police sa akin. Hindi ko na tinawagan si Papa dahil baka kakaladkarin niya ako pabalik sa bahay.
"See you bukas!" paalam ng mga kaklase ko.
Kumaway lang ako sa kanila at tinahak ang daan papunta sa Admin Office. Tumayo ako sa labas ng pinto at humugot ng malalim na hininga bago kumatok.
Ilang minuto akong naghintay bago may nagbukas sa pinto. Ngumiti si Prof pagkakita sa akin. "Come in, Miss Azora."
Pumasok ako sa loob nang kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit nanlalamig ang kalamnan ko gayo'ng magtatanong lang naman ang Police. Siguro dahil alam ko ang nangyari?
Nakita ko ang dalawang Police sa harap ng mesa ng Campus Director. Kasama rin nila si Jenica na namamaga ang mata. Sumulyap ang huli sa akin bago umiwas ng tingin. Pinaupo ako si Professor sa upuang katapat ng dalawang Police.
"Miss Azora Sirai Briones?" tanong ng isa.
Lumunok ako. "Yes?"
"May ilang tanong lang kami, Miss Briones. Sinasabi ng unang nakakita sa bangkay na si Miss Jenica Helvez, kaibigan ka raw ni Mister Anthony Clasiso."
Kinuyom ako ang kamao nang magsimulang manginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung dahil 'yon sa aircon o sa kaba. "Minsan lang kaming nag-uusap ni Anthony."
"Minsan?" Nagusot ang mukha ni Jenica. "Halos araw-araw kayong sabay na kumakain sa canteen. Is that your minsan, huh?"
Masama kong tiningnan si Jenica. "I'm not a murderer! Hindi ako ang pumatay kay Anthony!"
"I don't accuse you of such things!" sigaw rin ni Jenica. May luhang naglandas sa pisngi niya na agad niyang pinahid. "I want to know how Anthony end up like that. So tell them the truth!"
"Hindi nga ako ang pumatay sa kaniya!" sigaw ko.
"Miss Briones, calm down please," singit ng Campus Director. "No one accuse you of murdering someone. Just tell them if you're Anthony's friend or not."
Napayakap ako sa sarili. Kahit pa i-deny kong hindi ko siya kaibigan, wala pa ring maniniwala dahil alam ng lahat na sabay kaming kumakain ni Anthony. Mas lalong lalaki ang gulo kung hindi ako makikipagtulungan sa kanila.
Pero sasabihin ko ba ang nalalaman ko? Sasabihin ko bang si Papa ang pumatay kay Anthony?
"Miss Azora," pukaw ng isang police sa akin.
Umupo ako ng tuwid at umikhim. "Kaibigan po ako ni A-Anthony."
"That's what I want to hear," bulong ni Jenica.
Tumango ang Police at may sinulat. "Magkasama kayong kumakain sa canteen?"
"Y-Yes."
"May nakuwento ba siya sa 'yong may nakaaway siya sa klase o sa kahit saan?"
Umiling ako. "No."
"May nakuwento ba siya sa 'yong problema? O may pinoproblema ba siya sa kasalukuyan?"
Napaisip ako sa tanong ng ikalawang Police. May problema ba si Anthony? Inalala ko ang usapan namin sa canteen noong isang araw. "He told me that he's tired from pressure both school and home. Maybe a family problem perhaps..."
Natahimik ang dalawang Police at mabilis na nagsulat sa hawak nilang isang maliit na notepad. Naiyak naman si Jenica. Nagtaka ako sa inasta niya pero hindi na ako nagtanong.
Ilang segundo lang ay nag-angat ng tingin ang ikalawang Police. "Salamat sa pakikipagtulungan, Miss Azora."
Kumurap ako at lumunok. "May suspect na po ba kayo? I mean, may lead na ba kayo kung sino ang pumatay?"
Nagkatinginan ang dalawang police. Umikhim ang unang nagsalita kanina. "Hindi na namin kailangan ng suspect, Miss Azora. Isa itong suicide case."
"S-Suicide case?"
Tumango ang police. "May nakitang suicide note sa tabi ng labi ni Mister Anthony. Isa 'yong malaking ebidensya na kinitil ng biktima ang sarili niyang buhay. Magiging sarado ang kaso lalo't sa testimonya mo, nakompirmang may problema nga ang biktima bago siya nagpakamatay."