Chapter 3

1058 Words
Anong suicide ang pinagsasabi niya? "It's s-suicide?" I whispered, dumbfounded. "May nakitang papel sa tabi ng labi ni Mister Anthony, Miss Azora. Ayon sa nakasulat, pagod na si Mister Anthony at gusto na niyang wakasan ang buhay niya." Wakasan ang buhay niya? Nanlaki ang mga mata kong tiningnan ang police na nagsalita. "Hindi siya 'yong tipong nagpapakamatay!" "Shut up!" pigil ni Jenica sa sinasabi ko. "Don't make up stories, Azora! Anthony killed himself because of so much distress! He killed himself!" "Pero..." Nakagat ko ang labi. "Pero hindi siya suicidal ---" "I said shut up!" sigaw ni Jenica. Tuluyang bumuhos ang mga luha sa pisngi niya. "I've heard him yesterday. He was so frustrated by the fact na hindi siya binigyan ng mana ng kaniyang ama! Inaway pa niya ang kapatid niya over the phone!" Natahimik ako sa sinabi ni Jenica. Walang sinabi nang ganiyan si Anthony sa akin. He just told me that he was tired and want to rest for awhile. Pero hindi ko inasahang mabigat pala ang problema niya sa pamilya. "Wala siyang sinabi sa akin," bulong ko. Pinahid ni Jenica ang basang pisngi. "Of course! I've heard it all over a phone call so it is no surprise that he did not tell you." Nag-iwas ako ng tingin. Bigla akong nahiya sa harap ni Jenica dahil sa nalaman. I was his girlfriend. Pwede naman niyang sabihin sa akin ang tungkol sa problema niya. Pero bakit naman gano'n? Bakit sa ibang tao ko pa nalaman ang tungkol sa problema niya? Nagbaba ako ng tingin. Maya-maya pa'y narinig kong may kumatok sa pintuan ng opisina. Agad naman binuksan ni Professor ang pinto. Bahagya akong nagtaas ng tingin sa bagong dating. Hindi pamilyar ang mukha ng lalaking nasa mid-50s. Magkasalubong ang kilay niya at walang bakas ng ngiti sa mukha. Nakita ko sa gilid ng mata ang pagtayo ng Campus Director. "Mister Clasiso," bati niya sa lalaking kakapasok lang. Nahigit ko ang hininga. Mabilis akong nagbaba ng tingin at napakuyom ng kamao. Dumoble ang kabog ng dibdib ko sa kaalamang nandito ang ama ni Anthony. Hindi ko inasahang pupunta siya rito. Sana pala hindi na ako nagpunta para makipagtulungan sa mga police! "I don't believe that it was a suicide," mariing sambit ng ama ni Anthony. Napalunok ako. Anong gagawin niya? Ipapa-autopsy ba niya ang katawan ni Anthony? Pa'no kung malaman ang cause of death ng anak niya? "Mister C-Clasiso," hikbi ni Jenica. "My condolence, S-Sir." Nakita ko sa gilid ng mata ang pagsulyap niya kay Jenica. "Thank you, Miss." Lumunok ako. Gusto ko rin sanang magsabi ng condolence pero nawalan ako ng boses. Ni hindi ko mabuka ang bibig sa kaba. Natatakot akong kapag nagsalita ako sa harap niya ay malalaman niya ang sikreto ko. Hindi. Hindi niya dapat malaman ang totoo or else the consequences would be unimaginable. "Mister Clasiso," tawag ng Campus Director. "We're very sorry for what happened to your son, Anthony. I'm very sorry, Sir. It was the University's fault. We did not manage our students very well. My condolence, Mister Clasiso." Ilang segundong tahimik ang ama ni Anthony. Pasimple ko siyang tiningnan sa gilid ng mga mata. Hindi niya alam na ako ang girlfriend ni Anthony kaya hindi na ako nagtaka kung hindi niya ako makikilala. Mas mabuti ngang hindi niya ako makikilala. Baka magkagulo lang. "I want a thorough investigation," mariing sambit ng ama ni Mr. Clasiso sa mga police. "Do everything you can to investigate what happened. And bring me an autopsy report." Nanlamig ang kalamnan ko. Mas lalo lang akong natakot sa sinabi niya. Kung gayon, malalaman nila ang tunay na cause of death ng boyfriend ko. Natulala ako. Ilang minuto akong tulala sa sahig habang iniisip ang galit na mukha ni Papa. Pa'no kung makukulong siya? Pa'no kung malalaman ng lahat na ama ko ang pumatay kay Anthony? Pa'no na ako? Anong buhay ang maghihintay sa akin? Hindi ko na alam kung anong nangyari pagkatapos no'n. Basta nakita ko nalang ang sarili ko na tinatahak ang pinangyarihan ng krimen. Pagdating ko doon ay may nakita akong mga pulis. Tatlo sila. May yellow line pa sa paligid. At hindi kalayuan sa eksaktong pwesto ni Anthony kagabi, nakatayo ang isang news reporter. Nangunot ang noo ko. Mula sa isang nationwide news ang reporter. At mukhang nagla-live coverage siya ngayon. Pa'no nakapasok sa University ang isang news reporter? Tumingin ako sa mga police. Nag-i-inspect sila sa lugar. At habang nakatingin ako sa kanila, bigla ko nalang naalala ang regalo ko kay Anthony. Nahigit ko ang hininga. Sa'n ko pala naitago ang gift box? "Natagpuang patay ang anak ng kilalang personalidad na si Evan Clasiso sa isang Unibersidad dito sa Cebu City. Ayon sa mga pulis, nagpakamatay si Anthony Clasiso dahil sa problema na hindi na nito kayang lagpasan. Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang pinangyarihan ng krimen at lahat ng anggulo ay titingnan kung may dahilan pa ba ang biktima kung bakit nito kinitil ang sariling buhay. Justice Secretary Victoro Dumbag said that the IATF is alarmed by the rising suicidal incident in the country. He urged religious leaders to help address the phenomenon. This is Lala Fera, for One Day News." My chest tighten as my heart beat increased. Sa oras na matagpuan nila ang regalo ko kay Anthony ay tiyak na sa akin babaling ang mga mata ng police. No, I shouldn't let them find it! Nilibot ko ang paningin. Saan ba? Saan ko nilagay ang regalo ko? Humakbang ako paabante pero pinigilan ako ng isang police na nakakita sa akin. "Wag kang lumapit, Miss. Hindi pa tapos ang imbestigasyon." "I s-see..." Natuod ako sa kinatatayuan. "Miss, bumalik ka na doon." Umiwas ako ng tingin at pumihit. Saktong pagpihit ko ay may nakita akong pares ng maiitim na sapatos. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang mukha ni Anthony. Mabilis akong napaatras. "A-Anthony?" Nangunot ang noo niya. Mariin akong pumikit at muling dumilat. Napalitan ng mukha ni Mr. Clasiso ang mukha ni Anthony. I froze. "Did you just call my son's name?" tanong niya. Umawang ang mga labi ko. Bumilis ang pintig ng puso ko. "S-Sir..." Humakbang siya paabante. Umatras ako. Nagsalubong ang dalawa niyang kilay. "I heard you calling my son's name. Who are you?" "I..." Sumagap ako ng hangin. "I'm..." "Answer me!" maawtoridad niyang sigaw. "Anthony's girlfriend, S-Sir!" "Anthony's girlfriend?" Mas lalong nandilim ang mukha niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD