Chapter 4

1061 Words
I don't know what to do. Hindi ako makagalaw sa ilalim ng titig ng ama ni Anthony. It was our first meeting and I would be happy to meet the father of my lover, if only we're not in a horrible situation. I always teased Anthony to bring me to his father, but my boyfriend did always dismiss that idea. Ngayon ay alam ko na kung bakit ayaw niyang pag-usapan namin ang tungkol sa ama niya. Mister Clasiso was domineering and not easy to bond with. Palaging iisa ang linya ng mga labi, at simula pa kanina ay hindi ko pa siya nakitang ngumiti kahit isang segundo man lang. Maybe he was like that, or maybe that was because of the situation we were facing. "You are Anthony's girlfriend?" madilim na tanong ng lalaking nakatayo sa harapan ko. "Since when did he disobey my rule?" Napalunok ako. Hindi ko gusto na mahuli niya akong nandito sa crime scene, at mas lalong hindi ko gustong malaman niyang may relasyon kami ng namatay niyang anak. I could not bear the risk and pressure! Umiling ako at umiwas ng tingin. "I-I mean, I was Anthony's girl best friend..." Nanatili ang titig ko sa ibaba, doon sa maiitim at makikintab niyang mga sapatos. Hindi ko na gustong iangat ang tingin dahil alam kong nakatitig sa akin ang mga mata niyang nagpapakaba sa akin. I know my father was rude, but at least he did not mistreat me. The respected man in front of me was another story. I did not know him personally, so it will be easy for him to mistreat me. I did not want to be humiliated in front of others. I did not want to bear the shame. "Girl best friend..." nanunuyang saad niya. Mas lalong nanuyo ang lalamunan ko. I did not want to stand there, feeling helpless. Pero hindi ako pwedeng maging bastos na hahakbang na lang palayo. Baka pag-isipan pa ako ng masama ng ama ni Anthony. "So, you are his girl best friend." Natahimik siya nang ilang minuto. Then, the man chuckled. "Tell me, who is the mother of Anthony?" Napakurap ako. Hindi ko inasahan ang tanong niya. Mother of Anthony? Napalunok na naman ako habang inaalala ang pangalan ng ina ng nobyo ko. Wala naman kasi siyang sinabi sa akin, hindi siya palakuwento kaya wala akong masyadong alam sa pagkatao ni Anthony. I just know his name and his grade. No less, no more. "I don't know, Sir. I'm sorry," bulong ko nang hindi pa rin nag-aangat ng tingin sa kaniya. Wala na itong sinabi. Nilampasan lang niya ako at narinig ko na lang ang mga yabag niya papalayo. Doon lang ako nakahinga talaga nang maluwag. Mabilis akong humakbang paalis ng lugar na 'yon. School had ended. Pwede na akong umuwi, pero may isa namang poblema sa bahay. Ayokong makita si Papa dahil naalala ko lang ang ginawa niya kay Anthony. Plano ko na sanang mag-book na naman ng hotel, nang makatanggap ako ng mensahe mula sa numero ni Papa. Binabalaan ako nito. Kung hindi raw ako uuwi sa bahay mamayang gabi ay ipapa-freeze niya ang lahat ng credit cards na hawak ko para hindi raw ako maka-book ng hotel room. Napapadyak na naman ako sa inis. Ayoko. Ayoko talagang makita siya! Marahas kong sinabunutan ang sariling buhok. Kinagat ko ang labi. Napaungol sa inis. Hindi ako makatakas. Gustong-gusto kong tumakas kay Papa pero para bang may isang malaking pader na nakatayo sa labasan. Hiniharang ako nito para hindi ako makaalis sa mga kamay ni Papa. Ang hindi niya alam ay sawang-sawa na ako. Sawang-sawa na akong sumunod sa lahat ng nais niya. Pilit ko siyang iniintindi, pilit ko siyang pinagbibigyan, pero nang makita mismo ng dalawang mga mata ko ang ginawa niya kay Anthony, hindi ko na alam kung kaya ko pa bang magtiis sa poder niya. Ayoko na. Sawa na ako pero wala akong magagawa kung hindi sumunod! Bagsak ang balikat na humakbang ako papunta sa school gate. I looked up to the sky, and I thought for a moment. It was past four in the afternoon? I was not sure. Kulay kahel na ang sinag ng araw na tumama sa malawak na bermuda grass field ng University. The soft glow of the sun touched my face and I stopped for a moment. The heat it brought to my face helped me calm down for a bit. I breathe deeply. Tumingin ako sa harap at nakita ko ang ilan sa mga estudyante na sinusundo ng bodyguards. May ilan na nag-commute. Well, in my case, I have a driver who waited for me since lunch. Alam ko 'yon dahil nag-text si Papa na inutusan daw niya ang family driver namin na sunduin ako rito sa University. He said that the driver was there outside the gate since lunch, dahil ayaw raw ni Papa na takasan ko ang magsusundo sa akin. At alam niya sigurong hindi ko matitiis ang family driver namin. Bumuntong-hinga ako. Since last year, hindi na ako sinusundo ng family driver, since I pledged to my father that I will take care of myself. Pero dahil hindi ako umuwi kagabi, na-trigger siguro siya kaya pinasundo niya ako. He knew that I will never ditch our family driver. After all, Mang Selyo was my second godfather. Except that the one who waited for me was not him. It was Mang Selyo's son, Japen. I blinked and looked away. Anong inisiip ni Papa at si Japen ang nandito? "Azora." I could clearly hear his warm greetings. My forehead creased. Ayoko sa lalaking Japen na 'to. "Where's your father?" tanong ko na hindi tumitingin sa kaniya. Narinig ko siyang tumawa. I rolled my eyes. "Nasa Bohol siya." Mabilis akong napatingin kay Japen. Nakatingin lang siya sa akin habang may nakapaskil na ngiti sa mga labi. Napairap na naman ako. Hindi talaga siya nagsawa sa kakangiti niya sa akin. "Whatever," bulong ko. Ako na mismo ang nagbukas ng pinto ng kotse. Pipigilan niya sana ako kaso nakaupo na ako sa loob ng kotse bago pa man siya makaimik. I smirked. I won this time. Nakita ko siyang napahilamos ng mukha, saka pumasok at umupo sa driver's seat. Nakita ko sa rearview mirror ang paminsan-minsan niyang tingin sa gawi ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Umikhim naman siya at pinaandar ang kotse. Huh. Japen's still scared of me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD