Chapter 5

1134 Words
Tahimik lang ang biyahe patungo sa bahay. Paminsan-minsan ay nahuhuli ko si Japen na tumitingin sa rearview mirror. Sa oras na 'yon ay magtatama ang tingin naming dalawa. I always creased my forehead everytime our eyes meet. Siya na mismo ang umiiwas ng tingin. Bumaling ako sa labas ng bintana. Malayo-layong biyahe pa ang tatakbuhin ng sasakyan. Nasa Cebu City ang Unibersidad, habang nasa Naga naman ang mansiyon ni Papa. Kaya minsan ay naiisip kong matulog na lang sa hotel dahil nakakapagod mag-commute sa gano'n kahabang biyahe. Pero ginusto kong mag-commute kaya pinanindigan ko na lang. For one year, wala namang naging problema, except when the rain is pouring hard. During those times, dumudoble ang hirap sa pag-commute. Nakita ko sa labas ng bintana ang ilang batang naglalaro sa gilid ng kalsada. Lihim akong napangiti. I remembered the time when we were still young and innocent toddlers. Kasama ko noon si Japen, at palagi kaming naglalaro ng pingpong sa labas ng bakuran ng mansiyon. Pikon siya at ako 'yong palaging tumatawa. Anak si Japen ng family driver namin na si Mang Selyo. He was my childhood friend and crush. Pero nawala na 'yong crush ko sa kaniya simula nang tumuntong ako ng first year highschool. There were a lot of handsome faces in my former school so my feelings for him faded as time passed by. Balita ko rin na may girlfriend siya nang tumuntong ako ng second year high school. Partida. Mas inunahan ako ni Japen. But even though lahat ng kaklase ko ay pumasok sa romantic relationship, hindi ako nagpapaapekto sa kanila. I held my integrity because I did not want to fail dad. May usapan kasi kami na dapat ko munang tapusin ang college bago pumasok sa romantic relationship. So I was contented having crushes in my high school days. I had a lot of crushes but I was not loud. Hindi alam ng circle of friends ko ang tungkol sa mga crush ko. I always wore my facade and that was a tough smart girl who did not like to hang out with boys. Kaya siguro akala nila na walang akong crush, but actually I had a long list of the names of charismatic boys back then. Gumawa pa nga ako ng dummy account sa sss para lang ma-follow at ma-stalk ko silang lahat. And remembering those days, it always make my cheeks burn red. At least, no one knew what I did during those days. Iyon din ang advantage ng pagiging masikreto. Well, I was not barkadista so my secrets were safe with me. "Gusto mo bang mag-drive thru?" tanong ni Japen. Napatingin na naman ako sa rearview mirror sa unahan. Hindi siya nakatingin sa gawi ko kaya malaya kong natitigan ang mukha niya habang abala siya sa pagmamaneho. Nakita ko pa kung paano mag-flex ang muscle niya sa bisig nang inikot niya ang manibela. Napalunok ako. Si Japen 'yong tipong uhugin nang mga bata pa kami. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagka-crush sa kababata kong 'to, e ako naman 'yong tipong nandidiri sa mga uhugin. Pero hindi naman siya inuuhog araw-araw, tuwing nilalagnat lang saka umiiyak. Hindi ko pa nalimutan nang magpaalam ako sa kaniyang luluwas ng Cebu City dahil magpapasukan na sa Hunyo. Umiiyak siya no'n at sinipon. Binigyan ko nga ng panyo at pinagsabihan na maging malinis. Hindi ko lang akalaing mas malinis na nga siyang tingnan ngayon kaysa sa iniexpect ko sa kaniya. Still, unexpected pa rin na makikita ko siya rito sa Cebu City. Pagkatapos ko kasing lumuwas sa lungsod ay hindi na kami nagkita mula noon. Naging abala ako sa pag-aaral ko rito sa Cebu City, habang siya ay pinatapon ni Mang Selyo sa San Fernando. Ang sabi sa akin ng matanda, hindi nakayanan ng mag-anak ang mga bayarin sa isang pribadong eskwelahan. May bagsak kasing grado si Japen at umaasa lang ang mag-anak sa scholarship na galing sa isang malaking kompanya rito sa Cebu. Nawalan ng bisa ang scholarship matapos mabagsak sa isang asignatura si Japen kaya binayaran ni Mang Selyo ang matrikula sa paaralang 'yon. Nang malaman ni Papa ang nangyari, sinalo niya ang bayad sa matrikula ni Japen. Gusto niya rin sanang sagutin ang matrikula ni Japen sa susunod na pasukan, pero hindi na pumayag si Mang Selyo. Inilipat siya sa isang pampublikong paaralan sa San Fernando. Mula noon ay hindi na ako nakatanggap pa ng balita ukol sa kaniya, liban sa nagkaroon siya nang girlfriend nang sabay kaming tumuntong sa pangalawang baitang ng sekundarya. "Azora," tawag niya. Napakurap ako. Napatingin ulit ako sa rearview at nakita ko siyang nakatitig sa akin. Naningkit ang mga mata niya nang magtama ang tingin naming dalawa. Nangunot ang noo ko. "Did you say something?" "Tinatanong kita kung magda-drive thru tayo." Tumingin na naman ako sa labas ng bintana. Nakatigil na ang kotse sa gilid ng bakanteng lote. Ilang hakbang sa unahan ay nakatayo ang isang fast food store. Tumango ako. Hindi na siya umimik. Pinaandar niya ang kotse at pinasok sa driveway ng fast food. Siya na ang nagbigay ng order sa tumao at hindi man lang tinanong kung anong gusto kong kainin. Pero nakakamanghang ang inorder niya ay 'yong lagi kong ino-order kapag nagpupunta ako sa fast food. Hmm, I did not expect him to know it. "Pa'no mo nalaman?" tanong ko sa kaniya nang umikot ang sasakyan sa buong gusali. Sinulyapan niya ako sa rearview mirror, saka muling binalik ang tingin sa kalsada. Naningkit na naman ang mga mata ko sa ginawa niya. "Tinanong ko na kay Tata ang gusto mo." Napatango ako. I crossed my arms and looked again outside the window. He always call Mang Selyo as Tata and no one corrected him for that. For few years na si Mang Selyo ang naghahatid-sundo sa akin, hindi na nakapagtataka na nalaman na niya kung anong gusto kong kainin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kaming kumain ng pagkain sa fast food, and maybe he had observed my diet. Hmm, palagi ko rin kasing nililibre si Mang Selyo. Hindi nagtagal ay nakuha na ni Japen ang in-order niya. Inabot niya sa akin ang hati ko sa order, na agad ko namang tinanggap. Nagutom kasi ako bigla nang maamoy ang pagkain at hindi ko naman gustong magpakipot pa sa pag-abot lalo pa't may nakasunod pa sa likuran. "Wala ka bang gustong bilhin o pasyalan?" tanong ni Japen. Nangungot ang noo ko sa tanong niya. He seemed confident and comfortable talking to me as if wala siyang ginawa noon. I rolled my eyes. "None," sagot ko at kumagat sa burger. Napansin ko pa ang paminsan-minsan niyang sulyap sa akin gamit ang rearview mirror. Huh. Buying me food does not mean na-abswelto na ang ginawa niya noon. "Stop looking, will you?" sita ko sa kaniya. "Okay, okay." At natahimik siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD