Long drive in Cebu was fun. Lalo pa nang makalabas sa Cebu City ang kotse. We were heading south towards Naga at hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing hinahaplos ng hangin ang mukha ko. Kanina pa bukas ang bintana ng kotse. Gusto ko kasing makita nang husto ang labas, lalo na nang tinakbo ng kotse ang kahabaan ng coastal road sa may Seaside.
Nakita ko pa sa labas ang under constrution na Cordova-Cebu Bridge. That future bridge will connect mainland Cebu and Cordova, which was located in Mactan island. Surely, maraming motorista ang magiging masaya lalo pa at balita ko'y masyadong traffic ang dalawang pioneer bridges na Mactan bridge at San Francisco bridge. With the new bridge, those people living near Cordova can cross sea without the need to drive through the two prior bridges. I hope it will lessen the traffic too.
"Simula ngayon, Azora... ako na maghahatid-sundo sa 'yo."
Napatingin ako sa harap nang marinig ko ang sinabi ni Japen. When I looked in the rearview mirror, I saw that he was looking ahead. "Why? Do you think papayag ako?"
Inikot niya ang manibela. Dumaan ang kotse sa isang may kahabaang tunel. The loud noise kept him from talking. Nang makalabas ang kotse sa tunel ay doon na siya nagsalita.
"Hindi ka ba masaya?" ang tanong niya.
Nangunot ang noo ko. "No."
Bigla na lang siyang ngumisi kaya naningkit na naman ang mga mata ko. To be honest, hindi ko gusto na siya ang maghahatid-sundo sa akin. They said that Japen had changed over the years, since the last time I saw him. And the evident was the change in his physique.
He had these bulging muscles, pero hindi 'yon tulad sa mga underground fighters na makikita sa TV. Katamtaman lang na masasabing may laman. I like to think that he acquired them because of hardwork in fields. His hair was in their natural mess and it was like the kind of mess na ginulo ng hangin. His pouty lips were pinkish and his complexion was medium which showed his charisma and masculinity.
"Done checking out?"
Napakurap ako sa tanong ni Japen. Bumalik ako sa realidad at doon ko napagtantong nakatitig na pala ako sa repleksyon niya sa rearview mirrow. Nakaupo kasi ako sa gitna ng backseat kaya kada tingin ko sa rearview ay nakikita ko ang kabuuan ng mukha niya.
Nag-iwas ako ng tingin. "Nevermind. Kaya kong mag-commute. You don't have to do that."
"Mmm... narinig ko ang balita tungkol sa estudyanteng nagpakamatay sa Unibersidad mo, Azora. Kilala mo ba?"
Pinigilan ko ang sariling bumaling sa gawi niya. Hindi. Hindi ako titingin sa kaniya. But my body worked in different ways. Nakita ko na lang ang sarili kong nakatitig na naman sa repleksyon niya sa rearview mirror. Hindi siya nakatingin sa akin kaya malaya ko siyang natitigan. Of course, nagda-drive siya at hindi magandang palagi siyang tingin nang tingin sa rearview.
"None of your business," bulong ko.
Now that he opened up that topic, hindi ko maiwasang malungkot para kay Anthony. He was a good boyfriend and a good student despite being too perfectionist. Hindi niya deserve ang mamatay nang gano'n sa mga kamay ni Papa.
Tinakpan ko ang mukha gamit ang dalawang kamay at pinikit nang mariin ang mga mata. I did not want to remember that scene again, but my mind always hit that replay button. Para akong dinala ulit sa eksenang 'yon. My heart beat fast.
"Azora," tinig ng isang malayong boses. Paulit-ulit na sinasabi ng boses ang pangalan ko at habang patagal nang patagal ay lumalakas ang boses na 'yon. "Azora!" the last call that shot me straight in my back.
Mabilis akong nag-angat ng tingin sa harap. Nakita ko ang nag-alalang mukha ni Anthony. Napakurap ako. Wait... what happened?
"A-Athony?" paos kong sambit.
Nangunot ang noo niya. "Sinong Anthony?"
Kumurap pa ako nang paulit-ulit at kinusot ang mga mata. Binalik ko ang tingin sa taong nakaluhod sa harap ko. Napalitan ng mukha ni Japen ang mukha ni Anthony. Mas lalong kumunot ang noo ni Japen. "Sinong Anthony, Azora?" seryoso niyang tanong.
His tone changed as his muscles tensed. Nilibot ko ang tingin at napansin kong nasa loob pa rin kami ng kotse. Nakabukas na ang kaliwang pinto ng backseat at sa tingin ko ay doon pumasok si Anthony. I was sitting in the rightmost part of the backseat, dishelved, and a bit shocked. While Japen was literally bending his knees on of the chairs in the back to reach me and wake me up.
And yes, I was confused and a bit embarassed. "What are you doing?" tanong ko sa kaniya.
Natauhan yata siya kaya mabilis siyang umupo nang maayo sa upuan at bumaling sa akin. "Bigla-bigla ka na lang nagsisigaw riyan. Pinark ko ang kotse sa gilid at ginising kita. Para kang binabangungot nang gising."
My breathing hitched as what he said. Nightmare while I was wide awake? I bit my lower lip and looked away. I did not know what's happening, or what was the problem in me.
Hindi ko talaga alam.
Umikhim si Japen. "Gusto mo bang magpahinga muna? Mamasyal bago umuwi?"
"Where are we?"
"Talisay City."
Tumango ako saka huminga nang malalim. Maybe I need fresh air. Binuksan ko ang isang pinto at umibis mula sa sasakyan.
Tumingin ako sa itaas, puro mga bituin ang nakikita ko. Hindi ko halos makita ang buwan. Maybe it was full moon, or maybe the city lights were too bright. But I could see clearly the stars above so I thought that that night was new moon.
Ilang minuto akong tumayo roon, not minding the noise that came from cars that were to and fro. Napansin kong nakatigil ang sasakyan sa harap ng isang malawak na bakanteng lote. Siguro ay isang private property na hindi pa napapatayuan ng establishimento.
"May upuan doon," biglang singit ni Japen sa inisiip ko.
Nagkibit-balikat ako at hindi na nakipag-away sa kaniya. Nakakapagod lang kasi, isa pa, wala rin namang patutunguhan kung makikipag-away ako sa kaniya. I always won pur fight. Naisip ko nga na pinagbibigyan lang ako ng isang 'to. Nonetheless, I was tired to start a fight.
Nauna siyang naupo sa bench. The bench was facing the whole bunch of empty lot, so it was easy for me to look up onto the sky and gaze the stars. Nevermind the noise in the back.
"Kumusta ka na, Azora?" tanong bigla ni Japen.
Ayoko sanang sumagot pero napaisip din akong wala namang masama kung sumagot ako sa tanong niya. Isa pa, it was generic question. "I'm doing good..."
Not until yesterday's night.