Chapter Nine

3112 Words
CHAPTER NINE “A-ate, patay na po si papa?” Kasabay ng pagkaunawa ng sistema ko sa sinabi ni Dalton ay mabilis akong napalingon sa direksyon niya. Ang mga mata niyang bakas ang magkahalong gulat at takot ay unti-unting napalitan ng lungkot, hanggang sa sumabog ang kaniyang emosyon. “D-dalton, uh— m-magpapaliwanag si ate.” Hindi ko maisip ang dapat kong sabihin. Tinakasan ako ng mga salita. “Ate?” Sa bawat panginginig ng boses niya ay unti-unti akong nilalamon ng konsensiya at pagsisisi. Mabilis akong lumapit kay Dalton at hinawakan ang mga kamay niya. Nang sandaling pumatak ang luha niya ay kasabay na nagpumiglas siya at inalis ang pagkakakapit ko. “Akala k-ko ba… S-sabi mo may trabaho siya, ‘di ba?” Lumakas ang pag-iyak ng kapatid ko at nanlumo ako. “Ate, b-bakit ka nag-secret sa akin? Sabi mo—sabi mo masama ‘yon!” “Dalton, uh, p-pakinggan mo muna si ate, o-okay lang ba?” Pinahid ko ang luha niya at hinaplos ang mukha. “Ate naman e… S-sabi mo—akala k-ko, kakampi kita?” Bakas sa mukha ni Dalton ang kawalan ng muwang at nararamdaman kong nahihirapan siyang unawain ang nalaman niya. “D-dalton… s-sorry ha, nagsinungaling s-si ate.” Sandali kong ikinalma ang sarili ko. “P-pero para sa’yo n-naman iyon e. Kaya sana… sana maintindihan mo si at—” “Ate, hin—hindi ko po maintindihan. Bakit po? B-bakit para sa akin? Paano kung… hindi ko nalaman e-e’di habang buhay ako maghihintay s-sa pag-uwi ni papa,” hagulhol ni Dalton. Doon ay tuluyan na akong nanghina nang sampalin ako ng katotohanan. “Dalton, sorry… kasalanan ‘to ni ate. Sorry, n-natakot lang si ate na baka kapag—baka kapag nalaman mo, hindi mo kayanin kasi—kasi bata ka pa. I-iniisip lang kita.” “Hindi ko p-po alam, ate… sorry po.” Matapos sabihin iyon ay umiiyak na tumakbo papaalis si Dalton. Naiwan akong nakasalampak sa sahig at hindi alam ang gagawin. Wala akong maisip kun’di ang umiyak. Napakatanga ko, tila hindi ko naisip na kahit bata ang kapatid ko, may nararamdaman din siya. Paano nga kaya kung hindi niya nalaman, habang panahon siya aasa at maghihintay sa pag-uwi ni papa na pinaniniwalaan niyang nasa trabaho lamang? Bakit hindi ko kaagad naisip iyon? Hindi kaya masyado ako naging overprotective to the point na ako na mismo ang nakakapanakit sa kaniya? Hindi ko na alam. Buong gabi, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Wari’y bugbog ang katawan at ang emosyon ko. Si Dalton ay nasa kwarto na at himbing na natutulog. Alam kong matindi ang kaniyang galit sa akin sa mga pagkakataong ito at hindi ko siya masisisi. Nang mabanggit ko sa kaniya na wala na rin si mama ay halos mawalan siya ng malay sa kakaiyak. Lubos ang pagkaawa ko sa kaniya at wala akong magawa kun’di humingi ng tawad. “Salamat talaga, Almyra, ha,” sambit ko habang pinupunasan ang pawis ni Dalton sa mukha. “Pasensya ka na, pati ikaw naaabala.” “Huwag mo na isipin iyon. Hello, nasa tabing bahay lang ako nakatira ‘no. Saka nangako tayo sa harap ng altar, sa hirap o kaginhawaan, sa sakit at kalusugan, pati sa kagandahan at kagagahan.” Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Sagot kita,” sambit niya pa. “Salamat,” tugon ko. “Basta kailangan lumayag ng ship ko ha,” ngisi niya. “Char.” Nang masiguradong komportable na ang kalagayan ni Dalton ay lumabas na kami ni Almyra. Malalim na ang gabi at para na kaming panda dahil mas malalim ang eyebags namin. “Wala ka talagang balak matulog?” tanong ni Almyra sa’kin. “Sa mga nangyari… hindi ko yata kaya matulog. Ang daming tumatakbo sa isip ko.” “Pero dapat nagb-beauty rest ka na para sa date niyo ni Airon bukas.” Doon ay biglang nagising ang diwa ko. “Hala, oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan, Linggo na pala bukas.” “Sira ka ba? Akala ko ba hindi ka nakakalimot? Pero anong plano mo?” tanong niya. “Paanong plano? Syempre tutuloy ako, nakakahiya naman sa kaniya kung paghihintayin ko siya sa wala.” “Kahit ganyan ang hitsura mo? Mukha kang pagod na donkey?” “Hindi na mahalaga iyon, basta maisara ko lang ang usapan namin na ‘to,” Kinabukasan ay maaga akong bumangon para maghanda sa pagkikita namin ni Air. Hindi kagaya nang una, tila hindi ako nasasabik ngayon. Pakiramdam ko ay napipilitan na lamang akong gawin ito. Inihabilin ko muna si Dalton kay Almyra dahil hanggang ngayon ay may tampo pa rin siya. Hindi ko naman siya masisi dahil alam kong malaki ang kasalanan ko. Nandito na ako, can’t wait to see you;) Nang mabasa ang message mula kay Airon, mula sa pagiging matamlay ay tila kusang gumuhit ang ngiti sa labi ko. “Paalis ka na?” Napalingon ako kay Almyra na nakatayo sa pintuan ng kwarto. Tumango ako. “Ganyan ang suot mo? Ano ka maniningil ng jueteng? Ano ba, Aeshia? Date ito, kailangan maganda ka. Pangmalakasan, bongga, ganoon!” “A-ano bang mali sa suot ko?” nagtatakang tanong ko. “Anong mali? Wala, utak mo may mali. Baliktad ata pagkakalagay. Hello, first date naka-jeans at white shirt ka? Aeshia Batumbakal, isdatchu?” “Ano ba dapat?” “Kaibigan, huwag mo masyado ipahalata na first timer ka sa date. Magsuot ka ng elegante.” “Elegante naman ‘to ah?” “Ewan ko sa’yo. Basta magbihis ka. Teka, hihiramin ko iyong sinuot ni tita Ester no’ng 1986 flores de mayo,” sambit niya at may pag-snap pa. “Sira ka ba? Flores de mayo ampotek. E’di nagmukha akong santo niño niyan?” “Ayaw mo iyon? Mapapaluhod si Airon, sasambahin ka mula ulo hanggang kuko. Char, basta ako bahala sa’yo.” “Ayaw ko, lunch lang iyon at mabilis lang, bakit ba kailangan pa magpaka-bongga?” “Hindi mo ba alam iyong first impressions last? Marecakes, ito na ang pagkakataon niyo makilala ang isa’t-isa, bakit mo pa sasayangin?” “Ayaw ko. Basta ayaw ko.” Ilang beses pa ako kinulit ni Almyra hanggang sa ako na ang sumuko. Napilit niya ako magsuot ng isang white and yellow dress pero hanggang doon na lang. Hindi na ako pumayag nang sinabi niyang dapat magsuot pa ako ng high heels at mga accessories. ‘Words and Aroma’, iyan iyong pangalan ng shop. Nasa pangalawang table ako. Makailang beses ko pang tinitigan ang pangalan ng shop ayon sa message ni Airon bago ko tuluyang itinulak ang glass door. Nang tumunog ang wind chimes sa ibabaw ng pintuan ay sabay-sabay na napalingon ang mga tao sa akin. Napayuko naman ako at bahagyang ngumiti. Why does simply entering feels so illegal? As I turned my gaze to the left, Airon’s face met my sight. He was smiling with his eyes which were dazzling with his white teeth. He stretched up his right arm and finally gave me a wave. Airon then started taking steps to me and he seemed to manipulate time as everything… just fell into slow motion and everything shows how impeccable he is… in complete effortlessness. “Great to see you,” he greeted me. Ngumiti ako at sa pagkakataong ito ay tila binitawan ko ang lahat. Inalis ko ang mga nasa isip ko at itinuon ang atensyon sa lalaking nasa harap ko. With my hand locked in his, he walked to the table where he was earlier and I followed. I sat in front of him and there were two menus on the table. My face immediately flashed confusion as I saw one of those doesn’t offer foods but just titles. “Have lunch of your choice.” He smiled. “Plus, a book you can enjoy now and for life.” “W-what do you mean?” tanong ko. “When someone takes your order, you can ask for a book among these.” He showed me the list. “Para habang naghihintay, you can read.” “Cool,” bulong ko. “Yep, that’s why I love this place.” “Pero paano tayo makakapag-usap if we are both reading? ‘Di ba sabi mo kaya tayo nag-lunch ay to get to know each other more?” He chuckled. “Actually, this place ay para sa mga gusto mag-me time. As you may notice tayo lang ang magkasama, they’re all alone.” “Bakit dito tayo pumunta?” “Kasi gusto ko ipakilala sa’yo itong shop. My second home. Also, para kapag nag-me time ka rito, ako maaalala mo.” He chuckled again. “Wow.” I softly laughed. “You’ll keep the book naman kapag umalis na tayo. Kasama iyan sa expenses,” nakangising bulong niya. Makalipas ang ilang sandali ay iniabot na sa amin ng isang staff ang napili naming libro. “The Untold Anecdote of Philippe Andrews?” tanong ni Air nang mabasa ang pamagat ng napili kong libro. “Bakit iyan ang pinili mo? Maraming romance stories ang nasa choices ah.” “Nah, hindi naman ako fan ng romance. Saka may nabasa na ako dati na kaunting tungkol kay Philippe Andrews and I find it interesting.” “Really? I don’t even know him. Sino ba si Philippe Andrews?” tanong pa ulit ni Air. “Historian,” sagot ko. “So mahilig ka sa history?” “Not actually. Sumikat si Philippe Andrews noong 1800’s dahil sa theory niya na hindi impossible ang witchcraft and sorcery.” I smiled. “Wow, ang lakas maka-magical world.” He giggled. “Yeah, his evidences were undeniably authentic and believable. Sayang lang kasi hindi ako gaano nakapag-aral about him.” “Nahiya naman ako, tambay sa libraries pero never heard or read of Philippe Andrews,” nakangising sabi na naman ni Air. “Ano iyang sa’yo?” tanong ko sabay turo sa librong hawak niya. “Hezekiah: The First Prophecy Survivor, Volume Three.” Sandaling napaisip ako. “H-hindi ba Hezekiah ang second name mo?” “Yup, that’s why naging interested agad ako the first time I saw the title of the book. Kakatapos ko lang ng volume two before nagstart ang week long photoshoot at ngayon lang ulit ako nagkaroon ng time para bumalik dito,” paliwanag niya. “So anong k’wento? Bakit volume three na pero ‘first prophecy survivor’ pa rin ang nakalagay?” tanong ko na puno ng kuryosidad. “Seryoso? Hindi mo alam?” Umiling ako. “Well, there’s someone kasi sa European myths named Hezekiah and according sa prophecy, nakatakda siyang mamatay before he even find the love of his life. Then the belief started in some portions of Europe na once a person is named Hezekiah, he is meant to die, unmarried.” “And?” “Well, when mama gave birth and gave me the name Hezekiah, wala siyang idea about that belief. But then, nalaman niya ang tungkol doon, and she started believing as well His eyes wrinkled with his forehead as he shyly laughed. “Was it even real? The prophecy thing, it appears a bit vague. Sorry ha, pero belief lang siya. Were there evidences to prove na totoo nga ang nasa prophecy?” “Well, ang sabi kasi, since 18th century there’s not a man named Hezekiah survived death—” “Wait, wait, wait. Ano ba ang nakasulat sa so called prophecy na iyan? I mean, what’s the prophecy itself?” “Kapag ang isang tao raw ay pinangalanang Hezekiah, nakatakda siya mamatay at the age of 25,” “25? Ang random naman?” “Hezekiah, on a myth, was the 25th king of their palace. He was hailed at the age of 25 and he had 25 wives. The night before he turns 26, he died for he had the unlucky 25 belief,” he further explained. “Ang complicated naman niyan, how could you believe sa mga gan’yan e wala namang guaranteed origin?” “It’s literally a long story. I am not even halfway through. Kung gusto mo, ibibigay ko sa’yo iyong librong natapos ko so you could understand it yourself.” “Sure,” mabilis na sagot ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong naging intresado tungkol doon. We then left the shop soon as we finished lunch. We had fun as much as we knew each other more. An hour felt like I’ve been with him for a lifetime. He’s irresistible and all. His smile, his laughs, his voice—everything about him. He just knows how to make me shiver inside and out. We were walking alongside the road. We weren’t holding each other’s hands and there are no contacts at all. Yet I can feel a sort of electricity going and rumbling through my system. Why… do I feel something like this? I want to scream, badly. My nerves are not letting me feel calm. It is not the people around us, nor what is happening but just the presence of the man I am walking with and his majesty. I just found myself still walking with Airon. Now, on a hallway—a really long one. Neat white walls everywhere and people doing what the norm is inside a hospital. I started to wonder why but I remained silent. I didn’t bother asking Airon. After several minutes of walking, we stopped in front of a door, room 218. Tumingin si Airon sa akin at binigyan ako ng isang ngiti na agad ko ring sinuklian. He then twisted the doorknob and we entered. Inside, we’ve seen a woman on late forties lying on a hospital bed. She was beaming and greeting with huge welcoming aura. Airon then walked nearer and held her hand. “Ma.” His voice softened. “Kaawaan ka ng Diyos,” sambit ng babae nang magmano si Air. Naupo naman si Air sa isang upuan sa tabi at sinenyasan akong maaari kong upuan ang bakanteng katabing hospital bed. Sa halip na umupo ay minabuti kong magmano rin muna sa mama niya. Iniabot naman ng mama niya ang kamay niya ngunit hindi siya nagsasalita. Nakatitig lamang siya sa akin at wari’y kinakabisado ang bawat detalye ng mukha ko. Nang makaupo sa katabing kama ay bahagyang nakayuko ako at nakangiti. “Ma, si Aeshia po. Siya po iyong makeup artist last photoshoot—” “Na palagi mong bukambibig umaga hanggang gabi,” pagputol ng mama ni Air sa sasabihin niya. “Ma, naman,” napapangiting sabi ni Air. Napansin ko ang biglang pamumula ng tainga niya na mabilis niyang kinamot pakun’wari. “K-kayo ha,” buong gulat akong napatigil sa inusal ko. Out of nowhere ay biglang nagsalita ang walang prenong bibig ko. Sabay na napatingin silang dalawa. Kapwa nabura ang ekpresyon nila. “P-pinag-uusapan niyo ako,” pagtuloy ko at ramdam ko ang biglang kahihiyan. Sandaling hindi nagreact silang dalawa. “H-hehehe,” awkward na ngisi ko. Shuta, saksakin niyo na lang ako. Sagad sa buto na ang kahihiyang ito. “C-corny ba?” Napatakip naman ako ng bibig at napapikit. Watdadamz, Aeshia? Anong pinagsasabi mo? Baka isipin nilang dalawa, jologs ka at jejemon. Pagmulat ko ay nakita kong sandaling nagtinginan si Air at mama niya. Nang walang anu-ano’y sumabog ang tawa nilang dalawa. Wut da akchwal fak? Tumatawa ba sila dahil sa so called joke ko o dahil sa kagagahan ko? Sana matunaw na lang ako bigla. Nang tumigil sila sa pagtawa ay saka nagsalita ang mama ni Air. “Maganda ka, hija. Nakakatawa rin.” She smiled genuinely. “Slight.” Tumawa muli siya. “Syempre mas nakakatawa ka, Ma,” sabi naman ni Air na sinundan ng tawa niya. “H-he…hehe,” hindi ko alam ang sasabihin. Mukha akong bangag na kamote at hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako after ng mga nangyari. We all suddenly stopped. Silence filled the room. I gulped. Airon cleared his throat and his mom looked at us one after another. “So… to formally let you know each other,” Airon said breaking the ice. “Ma, she’s Aeshia. Aeshia, she’s my mom, my bestest friend, my everything,” “Nice to meet you po.” I beamed and acted normal. Everything then went on nicely. Nagkaroon kami ng panahon para mag-usap tungkol sa mga bagay-bagay. I enjoyed the mother and son vibes from them. They really are both authentic in all aspects. Two hours have passed ‘til Airon decided to leave. He thought he’d been having my time too much so he wanted to bring me home. 3PM, naglalakad na kami palabas ng hospital. Kapwa may ngiti sa labi namin ni Airon at hindi maitatangging nasulit namin ang bawat sandali ng araw na ito. “Bakit pala naka-confine si tita?” She wanted me to call her tita, para raw pang-bagets. I badly wanted to ask that question kanina ngunit naisip kong parang insensitive if I’ll do so. “Nasobrahan lang sa pagod. In a matter of days makakalabas na rin siya,” sagot niya at hindi tumingin sa akin. “Nasobrahan sa pagod? E bakit kailangan ipa-hospital?” tanong ko pa ulit. He slightly laughed. “S-sorry ha, masyado na ba ako mausisa? Anak kasi ako ni Marites.” Bahagyang lumakas ang tawa niya. “Bumuka ang mga tahi niya. Ang kulit kasi, sabi ko ‘wag na kumilos sa bahay, naglaba pa rin,” paliwanag niya. “Tahi?” “Yea,” “Saan?” “Sa tiyan,” he said straight. “Bagong panganak ba mama mo?” biro ko para pagaanin ang usapan. “She just had undergone operation months ago.” “Operation saan?” “Sa liver. She had cirrhosis and huge portion of her liver was damaged by that time.” Tumingin siya sa akin saka huminto. “I remember, that was the worst and the craziest downfall I had. I almost lost my mind kakahanap ng donor.” I wasn’t able to speak. He then continued walking. “But at least okay na,” he said. “Gladly nakahanap ka ng donor.” “It wasn’t me who found one,” seryosong sabi niya. “Uh, o-okay? Pero luckily may nakahanap.” “Ain’t so glad and lucky.” He scoffed. “Bakit naman?” “It was my dad who found the donor. My father who forsaked us for so long. After he told the doctor assigned that he has found a healthy liver to donate, he left immediately after being lost for twenty years…” His face turned serious. “…without any word.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD