Chapter Eight

2364 Words
CHAPTER EIGHT Hanggang sa makauwi ako ay hindi ko mapigilang isipin ang napag-usapan namin ni Attorney. Malinaw sa akin ang lahat ng nangyari nang gabing iyon. 8:17, napansin ko ang oras sa phone ko dahil nagtext si Martyn. Ilang poste na lamang bago ang intersection ng tatlong street ay nakarinig ako ng mga pagsigaw, at kay papa iyon. Wala pang isang minuto ay nadatnan ko sa A. Bonifacio street ang dalawang lalaki na binubugbog si papa. Umalis ang mga iyon at napansin ko ang dalawang saksak sa bandang tagiliran at tiyan. Bahagyang natagalan ang pagdating ng ambulansiya kaya hindi na umabot si papa sa hospital. Malinaw sa akin lahat, kung paano hindi kami na-prioritize dahil hindi kami makapagbigay ng kasiguraduhan ng pagbabayad. Natanggap ko na ang lahat. Ang hindi ko maisip ay kung bakit nila ginawa iyon. Tungkol naman sa nakita sa footage mula M. Roxas, wala ako kahit katiting na idea sa dahilan ng pagbaril nila kay papa. Maaring nagkamali lamang sila, maari ring intensyonal. Ang sigurado ko lamang ay walang sinuman ang naging kaalit ni papa. Isa pa sa malaking problema ko aa ngayon ay ang autopsy report. Mula nang mamatay si papa ay hindi ako nabigyan ng pagkakataon malaman ang dahilan ng pagkamatay niya. Buong panahon ay pinaniniwalaan kong dahil iyon sa saksak. Malaki ang maitutulong ng autopsy report sa magiging takbo ng kaso, ngunit paano na kung darating ito ay isang araw pa matapos ang ikalawang pagdinig? Hindi ko na alam. “Oh… My… Ghad…” Napalingon ako sa pinagmulan ng boses. Si Almyra, nakahawak sa mga mata niya at nakapikit. “Iniwan na tayo ni Aeshia. Mga kababayan, iniwan na po tayo ni Aeshia. Fly high aking marecakes,” tuloy niya pa at kunwaring umiiyak. “Pinagsasabi mo?” nagtatakang tanong ko. “Oh my ghad, t-totoo ba ito? Nararamdaman ko ang presensiya niya. Narinig niyo iyon? May nararamdaman akong kakaiba. Aeshia, kung naririnig mo man kami, pakigalaw ang baso.” “Ewan ko sa’yo, hindi kita sasamahan kay ate Letti mamaya,” sambit ko. “Joke lang, ikaw naman hindi mabiro. Bakit ba kasi kanina ka pa nakatulala? Ano, hindi pa rin makamove on kay Airon?” “Huh? Airon? Anong—” “Hep hep hep, shh ka muna. Alam kong tapos na ang photoshoot at tapos na rin ang koneksyon natin sa kanila, pero huwag kang malungkot, kaibigan kong harot,” putol niya sa akin. “Teka nga, ano ba talagang sinasabi mo?” “Miss mo si Airon, nakikita ko sa mata mo,” diretsong sabi niya na ikinagulat ko. “Syempre nalulungkot din ako, lulubog na ba ang ship ko?” “Sira ka, hindi. Walang namamagitan sa amin ni Air. Saka may iniisip lang talaga ako ngayon.” “Si Air?” Siniko ko siya. “Hindi nga. Sa Thursday na kasi ang pangalawang hearing para sa kaso ni papa,” paliwanag ko. “Alam ko, pero bakit parang stressed ka? Mag-stresstabs ka kaya? Char.” “Kanina, nang nagkita kami ni Attorney Shim, may pinanood kaming CCTV footage.” “Ang taray ng pangalan ng abogado mo ha, chinese yarn?” “Gaga, Australian siya. Kaya ng minsan tinatawag siyang Aussie boy kahit nasa korte. Ang conyo niya minsan.” “Landiin ko kaya? Chariz. Pero ano nga ‘yong footage na sinasabi mo?” “Ng pagkamatay ni papa,” sagot ko. “Hindi ba napanood mo na iyon nang napakaraming beses?” “Hindi, Almyra, iba ngayon. May isa pa kaming nakitang footage ng naganap sa kabilang street eksaktong oras na iyon.” “Anong nangyari?” “May dalawang lalaki, naglabas ng baril saka umalis.” “Woah, ang ibig mong sabihin iyon ang ikinamatay ni tito?” gulat na tanong ni Almyra. “Watdadamz!” “Parang ganoon,” sagot ko. “Pero parang hindi,” mabilis ko anman pagbawi sa unang pahayag ko. “Huh?” “Wala akong narinig na putok ng baril that night, kahit ilang metro pa ang layo ko, dapat narinig ko iyon. At saka nakita kong malinaw na may dalawang saksak si papa, iyon din ang nabanggit ng doctor nang gabing iyon.” “Bakit hindi kayo magpa-autocorrect?” “Huh? Autocorrect?” “Charot, basta iyong sa bangkay para malaman ang dahilan ng pagkamatay.” Kumamot siya sa ulo. “Boba, autopsy,” sagot ko. “Iyon nga, naunahan mo lang ako,” tawa ni Almyra. “Inaasikaso na iyon ni Attorney, kaso sa Biyernes pa darating ang resulta.” “Shocks, paano iyan?” “Hindi ko rin alam. Kaya hanggang ngayon nawawala ako sa sarili, gusto kong matapos na ang lahat. Gusto ko na ng hustisya.” “Anong plano niyo?” “Wala. Wala pa kaming plano, at all. Kaya natatakot na talaga ako.” Nagbuntong hininga ako. “Hayaan mo, sasamahan ka namin ni Dalton.” “Dalton? Anong—hindi niya pwede malaman na patay na si papa.” “Oh, oo nga pala, e’di ako na lang. Pero,Aeshia, hindi mo maitatago sa kaniya iyan habang buhay,” ani Almyra at isang buntong hininga na naman ang naisagot ko. “Alam ko.” “Eh, anong balak mo?” “Bahala na, itago ko na lang the longest time possible.” Maya-maya pa ay tumayo si Almyra saka naghugas ng kamay. Sa tagal na namin nag-uusap ay hindi na namin namalayan na natapos na kami sa paggawa ng ice candy. Inilagay niya na sa isang ice box lahat at pumunta kina ate Letti. “Oh, ayan ate Letti, fifty-six and half iyan,” sambit ni Almyra at iniabot kay Ate Letti ang icebox. Tumawa si ate Letti. “Bakit naman may pasobra pang kalahati?” “May pasobra dahil special child ka!” natatawang sabi ni Almyra. “Charot, peace.” “Oh, siya sige na. Ako na ang bahala magpatigas nito.” “Sige po, ate Letti. Ipasok mo na at nang tumigas na. Patigas well,” sambit pa ni Almyra na ikinatawa naming tatlo. “Salamat po ulit!” Nang naglalakad na kami pauwi ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Tiningnan ko ito at nakitang may message mula sa isang unknown number. I’m missing you:’( Sandali akong napaisip kung kanino maaring manggaling iyon. “Tapos alam mo ba, ang hot talaga niya no’ng naka-plain white shirt lang siya and black pants. Grabe, like omg daddy,” dinig kong pagk-kwento ni Almyra ngunit hindi ko siya pinapansin. Nag-vibrate muli ang phone ko. Aeshia? Mas lalo pa akong napaisip. “Kaya nga nagulat ako no’ng kinuha niya iyong ice box na dala ko. Pwede pala iyon? Isang bakla magiging gentleman para sa diyosang katulad ko.” Can I call you? Tintigan ko pa ang phone ko. Hindi ko magawang mag-reply dahil hindi ko naman kilala. Bukod pa ro’n, wala na akong load balance. Silence means yes;) Nang mabasa iyon ay literal na napatigil ako sa paglalakad. Who could this texter be? Bakit gusto niya akong tawagan? Bigla akong nakaramdam ng kaba. “Oh my ghad, I’m so pretty talaga. Nahihiya na minsan si—Hoy, Aeshia, kasama ba talaga kita o nasa ibang planeta na ang isip mo? Pakigalaw naman ang baso kung buhay ka p—” Hindi na natapos ni Almyra ang sasabihin niya nang biglang tumunog ang phone ko. Napahinto kaming dalawa at napatakip soya sa kaniyang bibig. “Oh my frog, sino iyan?” “Hindi ko alam,” sagot ko. “Sagutin mo bilis tapos iyak ka, baka si Kuya Will.” “Tanga, hindi naman ako sumasali ro’n,” buwelta ko sa kaniya. “Sagutin mo na kasi, ang pangit ng ringtone mo.” Mabilis kong sinagot ang tawag ngunit hindi agad ako nagsalita. Maang kong inabangan ang nasa kabilang linya hanggang sa magsalita ito, “Aeshia?” Literal na natigilan ako at biglang napalunok nang marinig ang boses… ni Air. Sa sobrang taranta ko ay binaba kong bigla ang tawag at napahawak ako sa dibdib kong sobrang lakas ng kabog. “Oh my hamburger, kilig na kilig ka ata?” nang-aasar na sabi ni Almyra. Doon ay saka ko lamang napansin na nakangiti ako, at hindi ko mapigilan iyon. Hawak kong kahigpit ang phone ko at kulang na lang ay magpapadyak ako sa saya. “You lift my feet of the ground,” pasigaw na kanta ni Almyra na halos mawasak ang lalamunan. “You spin me around, you make me crazier, crazier crazier.” Nagpatuloy kami sa paglalakad pauwi at hindi tumitigil sa pagkanta si Almyra. Kahit chorus lang ang alam niya ay pulit-ulit lamang siya. Ako naman ay hindi nagsasalita hanggang sa may pumasok sa mumunting kaisipan ko. “Paano nga pala nalaman ni Air ang number ko?” takhang tanong ko. Hindi nagsalita si Almyra saka ngumisi. “Ako yata nagbigay?” nakangisi niyang sabi. “Hehe, ayaw ko lang naman lumubog ang ship ko, peace.” Nang makauwi ay inasikaso ko si Dalton saka nagsimulang magluto. Kasalukuyang nagluluto ako nang biglang tumunog ang phone ko. Tapos na ang photoshoot. Remember when I asked you go out? Nang mabasa iyon ay literal na napahinto ako sa ginagawa ko. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol doon. Kinakabahan akong nagreply, Yeah Walang isang minuto ay nakareceive uli ako ng reply. Fast hand ka po? So, kailan ka free? Ikaw bahala Saturday bukas, okay lang sa’yo? May raket ako sa bukas. Sa Linggo, okay lang sa’yo? Sure. I’m all set Haha I-capslock mo tawa mo, para ‘di halatang napipilitan ka lang magreply Hindi ko na na-replyan si Air nang bigla akong makaramdam ng kung anong kakaiba. Para akong nasasabik na hindi maipaliwanag. Bakit napapangiti ako at hindi ko mapigilan? Kinabukasan ay magkasama kami ni Almyra na nagtinda ng ice candy niya. Siya ang tagadala ng ice box at ako ang kahera. Best in math ata ‘to. “Oh, totoy hinay-hinay sa pagdila ng ice candy, napaghahalataan,” sambit ni Almyra sa isang bata. Natawa naman ako at hinampas si Almyra. “Ate, ikaw nagbayad ka na ba? Seven pesos isa iyan, tatlo twenty-five. Kaya kung ako sa’yo tatlo na bilihin mo, makakatipid ka.” Bahagyang napaisip iyong matandang ale. “Sige nga, anim para kwarenta,” sagot naman ng ale. Tumawa si Almyra. “Oh, uto-uto si ate Yoly,” bulong ni Almyra sa akin at tumawa. “Sige, ate, iplastik ko na ha.” Nang maibigay kay ate Yoly ang ice candy ay umalis na ito. Akmang paalis na kami ay biglang huminto si Almyra. “Watdadamz, don’t tell me nautakan ako ni ate Yoly?” Tumawa ako. Ang bagal talaga ng proseso ng utak nito. “Shuta, dakilang mandarambong talaga iyong putok batok na iyon,” inis na sabi ni Almyra. “May araw ka rin, Yoly.” Tawa lamang ang naisagot ko sa kaniya at nagpatuloy kami sa pagtitinda. Nang maubos ang ice candy ay naghiwalay na kami ni Almyra. Nagtungo siya sa karinderya ni aling Milagros samantalang ako ay sa bahay ng dati kong teacher. Rumaket ako bilang taga-plantsa ng damit kapalit ng bayad. Kasalukuyang isinasabit ko ang huling damit na ni-plantsa ko nang lumapit si ma’am Leilanie sa akin. “Nakakatuwang nagagamit mo ang naituro ko sa inyo noon sa Home Economics,” nakangiting usal nito. Funny ka po, ma’am? Hindi naman kayo nagtuturo dati. Puro kayo lecture tapos test, ni hindi nagdiscuss. Hehe charot. “Oo naman po ma’am, hindi ko po kakalimutan mga natutunan ko mula sa inyo,” sagot ko. Kung may sweldo lang ang pagiging plastik baka nalulunod na ako sa pera. “Nakakalungkot lamang at hindi ka nakapagtapos, Aeshia. Natatandaan ko ay napakahusay mo noon.” “Kanina po natutuwa kayo, ngayon nakakalungkot. Ang dami niyo naman pong emosyon,” bulong ko. “Uh, ano iyon? Paumanhin at may edad na si ma’am, humihina na ang pandinig,” sambit niya. “Uh, ang sabi ko po ay kahit po umeedad na kayo ay hindi po kumukupas ang inyong kagandahan,” palusot ko at kunwari pang ngumiti. “Mambobola ka talaga, Aeshia,” biro ni ma’am at tinapik ang braso ko. “Hindi ka na nagbago, sipsip ka pa rin.” Ilang sandali pa akong nakipagplastikan kay ma’am Leilanie saka umalis nang matanggap ko na ang bayad. Nang pauwi ay nakita ko si Almyra na hinihintay ako sa isang tindahan. “Tara na,” pagtawag ko sa kaniya. “Teka naman, mare. Upo muna tayo, pili ka ng gusto mo, libre kita.” “Ay wow, galante. Nakadelihensiya ata sa sugar daddy.” “Bilisan mo na, may nagtip lang,” sagot naman ni Almyra. “Tip? Karinderya? Dishwasher ka ‘di ba?” “Ang linis ko raw maghugas ng plato, sa sobrang linis, lasang sabon,” sambit niya na ikinatawa ko. “Sira ka talaga,” natatawa pa ring sabi ko. “Bilisan mo na, pumili ka na para makaalis na tayo.” “Sige, soft drinks na lang.” Nang makuha ang soft drinks ay umalis na kami at naglakad pauwi. Habang nasa daan ay panay ang kwento ni Almyra ng mga nangyari sa buhay niya animo’y ang tagal namin hindi nagkita. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay sumama pa rin siya at hindi tumitigil sa pagsasalita. “Anyway, kumusta na pala kayo ni Air? Kailan ang kasal?” tanong ni Almyra at tumawa. “Shuta ka,” tawa ko rin. “Mama mo kasal.” “Hindi nga, nabanggit kasi niya sa’kin na may date daw kayo. Kailan iyon? Sama ako ha.” “Gaga ka ba, date? Hindi iyon date. Saka kung date man iyon, ba’t sasama ka?” “Sorry na, ito lang kasi ako,” saad ni Almyra at nagpout. “Sa Linggo,” sagot ko sa naunang tanong niya. “Linggo? ‘Di ba dapat nagdadasal ka na no’n ng sampung rosaryo para manalo sa kaso? Charot.” “Hindi na kailangan, kumpiyansa akong mananalo kami. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ni papa.” “That’s my ghorl!!!” sigaw ni Aeshia at pumalakpak pa. Kapwa naman kami natigilan at nanlumo ako nang biglang may magsalita mula sa pintuan. “A-ate? Patay na po si papa?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD