Chapter Seven

2651 Words
WARNING: This chapter contains some sensitive parts not suitable for readers who had traumatuzing past. You have the will to skip the latter part. “I love you.” Ilang beses nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang mga salitang iyon. Tila nag-zoom out lahat at tanging mukha ni Air ang nakikita ko. And he’s probably in the same situation. Hindi maalis ang titig niya sa mga mata ko at sobrang genuine ng ngiti sa labi niya. “Kyaaaaaahhhhh!!!!!” Nagising lamang ang diwa ko sa mahaba at matinis na tili ni Almyra. “Tinotoo nila!!!” “Sinasabi ko na nga ba,” sambit ni Gerald at umiiling-iling pa. “Huli kayo.” Doon ay bigla siyang nag-smirk na ikinagulat ko. Nagsimula silang magtawanan at kantiyawan kami ni Air. “Ha?” naguguluhang tanong ni Air sabay bitaw sa beywang ko. “Hakdog ni Pedro, halaman ni Marites,” sagot ni Gerald. “Ano raw?” tanong ni Air sa’kin. “’D-di ko alam,” wala sa sariling sagot ko. “’Di ba photoshoot ‘to, hindi video shoot?” natatawang sambit ni Almyra. “Masyadong cinareer ang pagiging bride at groom!” sigaw ng isang staff na sinundan ng tawa nila. “Wait, wha—w-we were just doing our job,” nauutal na depensa ni Air. Tawa lamang ang isinagot ng mga kasama namin. Si Air naman ay hindi ko mawari kung naiinis o natutuwa. “Well, at least you are now married.” Napalingon kami sa pinagmulan ng tinig. “M-ma’am Fritz,” bati ko at mabilis na inayos ang suot ko. Ayaw ko naman mag-mukhang basahan ‘yong mamahaling gown na suot ko. “Good job, Airon,” nakangiting usal pa niya. “Thanks, ma’am,” sagot ni Air. “You may now kiss the bride.” Umugong naman ang mga panggigigil ng mga kasamahan naming staff. “Ma’am naman,” sambit ni Air habang kumakamot sa ulo. “Joke lang, but to be honest, you really do look like an intimate couple there.” Napangiti naman ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong ma-flatter e wala naman akong ginawa kun’di tumayo na parang kawayan. “Gerald, hand me a copy of their video tomorrow,” nakangiting sabi ni ma’am Fritz. “P-para saan po?” takhang tanong naman ni Gerald. “Vinideo niyo talaga?” gulat na tanong ni Air. “Wala, just gotta do something,” sagot ni ma’am Fritz kay Gerald na tila hindi narinig si Air. Magsasalita na sana ako nang biglang dumating si Sir Louie na dala ang mga gamit ni ma’am Fritz. “Okay na po lahat, ma’am. Tumawag na rin si Sir at nandiyan na raw siya sa parking lot.” “I have to go, guys. I’m really sorry. Pack up na rin kayo para makapagpahinga na kayo. You’ve done well today, especially you Airon and Aeshia.” Ngumiti naman ako sa kaniya. Nagpaalam na siya at hindi pa man nakakalayo ay bigla siyang lumingon muli sa amin. “Oh, I forgot to tell you. I’ll throw a party next Saturday, everyone will be there, bawal hindi pumunta, iyon na ang pinakatreat ko sa inyo.” Matapos sabihin iyon ay umalis na siya at naiwan kaming lahat. “Hindi niyo ba narinig? Pack up na!” sigaw ni Sir Louie at tumawa. “Finally! Makakauwi nang maaga, mahaba-habang bebe time.” Nagtawanan naman ang mga kasama namin. “Bebe time, baka balyena time,” bulong naman ni Gerald sa’kin. Siniko ko siyang mahina at napatakip siya ng bibig. “Ayaw niyo pa umuwi? E’di don’t.” “Hep hep hep, anong uuwi? Sinong uuwi? Wala!” Napalingon kami kay Almyra na sumigaw mula sa likod ni Sir Louie. “Bumili muna kayo ng mahaba, mataba at matigas na ice candy ko.” Umugong ang malakas na tawanan. Ang gaga, kaya pala biglang nawala, kinuha ‘yong panindang ice candy. “Masarap iyan ha, siguraduhin mo lang,” biro ng isang crew. “Mas masarap pa sa inaakala mo,” sagot naman ni Almyra habang hirap na hirap buhatin ang malaking ice box. “Tulungan na kita, Almyra,” sambit ni Gerald at lumapit kay Almyra. “Fine, sige mapilit ka e,” saad naman niya. Napansin ko namang napangiti si Gerald. “Oh, fall in line. Kalma, isa-isa lang. ‘Wag magkagulo, baka mag-stampede. Lahat mabibigyan ng makatas na ice candy ni queen Almyra,” sambit niya at tumawa. Nagsimula namang lumapit ang mga kasamahan namin at bumili kay Almyra. “Siyete pesos isa, tatlo bente,” Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod na nangyari, ang alam ko lamang ay paulit-ulit kong narinig ang ingay ng boses ni Almyra. “Oh, Ate Letti, bukas ulit ha.” Ngayon ay narito na kami sa labas ng bahay ni ate Letti, ‘yong kalapit bahay namin na pinakikisuyuan ni Almyra na makilagay ng ice candy sa freezer. “Oo na, Almyra. Naka-reserve na nga itong bahagi ng freezer para sa ice candy mo,” sambit ni ate Letti at bahagyang tumawa. “Awit sa’yo, ate Letti, mabuhay ka. Salamat po ulit ha,” sagot ni Almrya at binitbit na ang malaking ice box. “Ang galing mo pala magpatigas, ate Letti,” pahabol niya pa at ngumisi. Nagsimula na kami lumakad pauwi at natutuwa ako na medyo maaga kami ngayon makakauwi kumpara sa mga normal na araw. Hindi pa man kami nakakarating sa bahay ay nakita na namin si Dalton kasama ang ilan niyang kalaro. Tumatagaktak ang pawis at hingal na hingal mula sa pagtakbo. Nang sandaling matanaw kami ni Dalton ay agad siyang nag-cross fingers saka tumakbo papalapit sa amin. Pinahid niya ang kaniyang pawis saka yumakap sa akin. “Ate!!!” masiglang bati niya nang may malawak na ngiti. Niyakap ko siya pabalik saka naramdamang basang-basa ang likod niya ng pawis. “Oh, basang-basa na ang likod mo, magpalit ka muna ng damit. Bumalik ka na lang kaagad,” sambit ko. “Pero ate, maaagaw nila base namin kapag umuwi ako,” sagot naman niya. “E’di magpaalam ka muna sa kanila. Magpalit ka muna at baka matuyuan ka ng pawis. Sige ka, magkakasakit ka, lalo kang hindi makakapaglaro.” “Ate, mamaya na lang po, tatapusin lang namin ‘to,” pagpupumilit niya. “Oh siya, sige. Basta umuwi ka kaagad ha.” Tumango naman siya sa akin saka patakbong bumalik sa paglalaro. Napangiti ako, nakatutuwang makita ang kapatid ko. Walang muwang sa mundo at tila walang iniisip na kung anong bagay. Kung minsan ang sarap na lang maging bata, malaya. Si tingin ko, ito ang pinakamagandang bahagi ng ating buhay. Napakaraming maaari nating gawin, at napakarami rin namang hindi. Ito ‘yong panahon na na-take for granted natin. Masyado tayong nagmadali lumaki, kaya nang mapagtanto nating hindi na tayo bata, nagsisi tayo kasi ang dami nang nasayang. “Ako ay may kaibigan Mata niya’y hugis puso Inla-inla-inlababo~” Nagising ang diwa ko sa pasigaw na kanta ni Almyra. Ngayon ay narito kami sa kusina ng bahay at ako’y naghahanda ng iluluto. “In love na in love? Grabe talaga ang nagagawa ng pag-ibig,” natatawang sabi ni Almyra. “Huh? Anong pinagsasabi mo?” nagtatakang tanong ko. “Huwag na mag-deny, inlababo ka na, maliwanag pa sa sikat ng araw,” tawa niya pa habang pa-kilig-kilig. “Sira ka talaga, ano bang in love sinasabi mo?” “Hindi ka in love?” “Hindi,” diretsong sagot ko. “Sure na?” “H-hindi nga.” “Sure na sure na sure?” pang-aasar niya pa. “Ewan ko sa’yo.” “Eh, ba’t mo isinalang ang kawali sa rice cooker?” natatawang tanong ni Almyra. Doon ay saka ko lamang napansin na pilit ko palang ipinapatong ang kawali sa rice cooker. Hindi ko maintindihan, lumulutang ang isip ko. Ang alam ko lang ay hindi ko makalimutan ang nangyari kanina sa photoshoot. Hindi pa rin maawat sa pagtawa si Almyra. Pinagpatuloy niya pa ang pang-aasar at kumakanta pa. Nang makapaghapunan ay umuwi na si Almyra. Kasalukuyang naghuhugas ako ng plato nang tumunog ang phone ko. “Dalton! Dalton, may tumatawag ata, pakisagot naman,” pagtawag ko sa kaniya. “Opo, ate.” Narinig kong sinagot niya ang tawag at binanggit niyang kasalukuyan pa akong naghuhugas ng plato. Nang maibaba naman ang tawag ay bumalik na rin siya sa kaninang ginagawa. Nang matapos ako maghugas ng plato ay tiningnan ko kung sino ang tumawag. Nakita kong si Attorney iyon at may kakaiba akong pakiramdam sa dahilan ng pagtawag niya. Lumabas ako ng bahay at ini-dial ang kaniyang number. “Oh, Attorney, b-bakit po kayo tumawag kanina?” tanong ko nang sagutin niya ang tawag. “Pwede ba tayo magkita bukas? May kailangan akong ipakita sa’yo.” “T-tungkol po ba ito sa kaso ni papa?” “Oo, at sa tingin ko ay malaking pagbabago ang magiging epekto nito.” Biglang kumalabog ang dibdib ko. “Uh, a-ano pong ibig niyong sabihin?” tanong ko habang iniisip kung ano ang posibleng sasabihin niya bukas. “Basta bukas, 9am, sa dati kong apartment sa kalye Madrigal. Hindi na natin ito pwede patagalin dahil sa Huwebes na ang final hearing,” “Copy, Attorney. I’ll be there.” “If that’s the thing, I’ll drop this call then,” sambit niya. “Okay, Attorney, salamat po.” Nang maputol ang tawag ay napahawak ako sa dibdib ko. Wala akong idea kung ano ang sinasabi niyang mahalagang bagay but one thing is for sure, it’ll be tough for me. Afterall, ako ang nasa gitna ng lahat. Kinabukasan, maaga pa akong nagtungo sa apartment ni Attorney. Sinalubong niya naman ako at seryosong pinapasok. Nang masiguradong walang ibang tao kundi kaming dalawa ay inilapag niya ang isang laptop sa aking harapan. “Look at this,” he started. “Anong nakikita mo?” Bumigat ang pakiramdam ko. “A CCTV footage,” diretsong sagot ko. “Footage of exactly what?” Seryoso siya at walang emosyon. “Of my dad’s death.” Napahinto ako. Gustong lumabas ng emosyon ko ngunit pinilit kong pigilan. “I, uh, remember that.” “Of course, you do, but there’s something you have to see.” He then closed the footage and clicked on the next one. “Pansinin mo iyong time kung kailan iyan naganap.” Mariing tiningnan ko ang CCTV footage sa harap ko. Nanginginig man, pilit kong itinuon ang isip ko. “8:08,” mahinang sambit ko. “And that CCTV is located at?” “M. Roxas street.” Wala akong ma-absorb sa mga nagaganap. Pilit kong tinatahi ang ibinibigay niyang ideya ngunit hindi ko mabuo. “At ang M. Roxas street ay ang opposite street ng—” “C. Aquino,” sagot ko bago pa man niya matapos ang kaniyang sasabihin. “The CCTV was facing west. Ibig sabihin, hindi nakikita sa CCTV ng M. Roxas ang C. Aquino. While the CCTV at C. Aquino faces east, meaning it has the same situation,” paliwanag niya naman. Mabagal akong tumango. Unti-unti kong naintindihan ngunit hindi pa rin malinaw lahat. “Tama, kung galing ako sa M. Roxas, it’ll be a straight line kung sa C. Aquino ako pupunta. And yes, two CCTV’s are facing on opposite sides,” pagsang-ayon ko. “And these two streets meet at?” “A. Bonifacio corner, those three streets’ intersection.” “And the only CCTV that gets to see the intersection is at A. Bonifacio street, right?” Tumango ako. “And A. Bonifacio is where my father died,” I whispered. “Exactly,” tipid na sagot ni Attorney. Tumayo ang mga balahibo ko kasabay ng pagbilis ng t***k ng puso ko. Ramdam ko na rin ang panginginig ko sa ‘di ko maisip na dahilan. “Now take a look at this,” he called my attention. “This happened exactly 8:08 same night your father died. Just several minutes before you were able to see him dying because of two stabs and multiple physical injuries. As you may have stated before, you heard him shout and call for help, right?” Tumango ako. “However, do you ever recall hearing gunshots that night?” “I-I don’t. I—I’m not sure,” I stuttered. “Look at this,” he then played the video. Doon ay nakita ko ang dalawang lalaki. Kapwa nakasuot ng helmet at mask kaya hindi ko makita ang mukha. Ilang sandali silang magkausap habang ang isang lalaki ay nakasakay sa motor at ang isa nama’y nakatayo sa gilid. Napansin kong may tinatanaw sila sa direksyon paharap sa CCTV, ibig sabihin ay patungo sa intersection ng M. Roxas at A. Bonifacio corner. Maang lamang akong nakapanood hanggang sa mapansin kong bumunot ng baril ang isa sa kanila. Itinutok sa silangang direksyon at saka dali-daling nagmaneho pakanluran. Doon lamang natapos ang video. “Now here’s another one. This one’s from the C. Aquino street.” He played the video at hanggang matapos ito ay walang kahit na anong naganap. Walang dumaan na kahit na sino at walang makikita. Bandang huli ay nakita ang pagdaan ko. “W-what was that for?” naguguluhang tanong ko. “You’ll know sooner. For now, watch this one. Ito ang huli at pinakamahalagang video na nakuha ko,” sagot niya. “Iyan ‘yong kanina. Sa A. Bonifacio, and papa’s death.” “Exactly.” “But I watched it a hundred times before the first hearing.” He smirked. “Not that quite, Aeshia.” Sa mga ngiti niya ay lalo akong naguluhan. “Watch more closely and you’ll understand,” he uttered. Pinanood kong muli ang footage. Masakit mang makita nang paulit-ulit ang pagkamatay ni papa ay alam kong kailangan kong gawin iyon. Pinanood kong muli ang p*******t ng dalawang lalaki, pagsaksak at pambubugbog. Pati ang pagdating ko nang huli na ang lahat. Nang matapos ay hindi ko pa rin maunawaan ang ibig niyang sabihin. “So, what have you noticed?” “Walang bago, the same video I saw before. What do you want me to notice then?” sagot ko. “Alam nating corrupted ang first part ng footage sa hindi matukoy na dahilan. Hindi natin alam kung nasaksak na ba agad ang tatay mo sa simula ng video kaya siya nakabagsak sa sahig o may iba pang dahilan.” “P-pero paano nga natin malalaman?” natatarantang tanong ko. “The time, Aeshia. Exact time everything happened.” I raised my eyebrows. “The two men in the first video, they had their guns out at 8:14. That exact same time is when your father fell down on the ground. And the footage from C. Aquino, it shows that you appeared minutes after the gunshot,” he pointed out. “And the two men who stabbed him?” “The footage started at 8:15, so as we saw, your father has already been on the ground. Question is, was he really stabbed or not?” “Certainly, I saw them. They had knives. Binubugbog nila si papa, kitang-kita ng mga mata ko.” “We can’t just stick with that idea, Aeshia. We need proofs.” “But we can prove it again in the court, gamitin natin iyong sakit ko. Totoo naman na nakita ko at totoong may sakit ako, ano pang problema roon?” “Second hearing is not a joke, Aeshia. This is where the battle really begins. Kaya kung gusto mong manalo, hindi ka pwedeng humarap na iyan lang ang dala mo,” paliwanag pa ni Attorney. “W-what do we need then?” “Don’t think of it, I already asked for an autopsy report sa hospital where he was brought that night.” “And when can we have it?” I asked, thrilled. “That’s our problem, it will be on Friday, the day after the second hearing.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD