Darren "Love, I miss you. Nandito pa ako sa taping. D'yan ulit ako matutulog mamaya." "Okay, love. Ikaw ang bahala," aniya. Malungkot ang tono ng kaniyang boses. Parang pagod ito o may dinadamdam. "May problema ba, love? Are you okay?" nag-aalalang tanong ko. "Wala, love. Pagod lang ako. Sige na. Antayin na lang kita mamaya. I love you." "Okay. I love you too, love." "Hey, Darren," biglang sumulpot si Andrea sa likod ko ng matapos kong tawagan si Ayumi. "Gusto mo bang sumama mamaya sa'min nina Clark? Birthday niya ngayon. May pa-house party siya mamayang gabi." Ang tinutukoy niya ay isa sa mga co-star namin sa pelikula. "I'm sorry. Hindi ako makakasama," tipid kong sagot. "Why?" usisa ni Andrea. "May pupuntahan akong importante." "Really?" napairap siya. "O baka dahil pupuntah

