Ayumi Mahimbing na natutulog sa aking tabi si Darren. Pagod na pagod ito dahil galing pa siya sa taping ng bago niyang pelikula kaninang madaling araw. Gustong-gusto niya akong makita kaya naman dito na siya dumiretso after ng shooting. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha na gahibla lamang ang pagitan sa aking mukha. Nakayakap ang isa niyang braso sa'king bewang. Malalim ang kaniyang paghinga dala ng sobrang pagod at puyat. Hindi ko napigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang gwapong mukha ng aking boyfriend. Napakaperpekto ng Adonis na ito. Oh My God. He's so gorgeous. Ang lalaking pinapangarap ng maraming kababaihan ay mahimbing na natutulog ngayon sa aking malambot na kama katabi ko. Ang bango-bango niya pa. Lalaking-lalaki ang amoy. Nag-init ang aking pisngi ng maalala ang nangya

