Darren "God, I miss you every single day. I can't wait to see you, love," ani ko kay Ayumi sa kabilang linya. Dammit. Para na akong mababaliw sa pagka-miss sa kaniya. Nami-miss ko siya sa bawat minutong lumilipas. Sa bawat araw na hindi ko siya nakikita, nayayakap, at nahahagkan ay gumuguhit sa'king mukha ang lungkot. How I wish she's here with me. It's f*cking killing me. "I miss you too, love. Mag-iingat ka diyan palagi. Huwag kang magpapalipas ng gutom diyan. I love you," aniya sa malambing na tinig. Ilang buwan na kasi akong nasa shooting ng bago kong pelikula with my leading lady Elissa Yuen dito sa US. God. I miss my baby so much. Araw-araw ay nasa isip ko siya. I can't wait to hug and kiss her again. Nang makabalik ako sa bansa ay si Ayumi ang pinakauna kong gustong makita.

