Galit na galit si don Teodoro nang makabalik ito sa mansyon. Pinag mumura niya ang mga taohan dahil palpak ang mga ito at mali mali ang mga impormasyong binigay nang kanilang informant. Dumiretso ito sa kaniyang opisina sa bahay. Nang malaman ni donya Stella na dumating na ang asawa ay agad niya itong pinuntahan. Nadatnan niyang umiinom ito ng alak at pinapakalma ang sarili. Sa hitsura palang nito ay alam n'yang hindi naging tagumpay ang kanilang lakad. "Mukhang hindi naging maganda ang lakad n'yo hon... Anong nangyari?" tanong ni donya Stella sa asawa. "Mga walang silbi ang mga taohang pinaghanap ko kay Georgina!..mali ang tip na binigay kaya wala kaming taong nadatnan sa lugar na sinabi. Mga bobo at mga walang kwenta! Nag sayang lang ako ng oras sa pagsama sa kanila.." Galit na an

