Sa mga ilang linggong lumipas, tahimik ang paninirahan nila Rio at George. Wala silang napansin na mga kahina hinala at umaaligid sa lugar, wala dinh bina-balita ang kanilang mga kaibigan kaya kampanti silang hindi sila matutunton. Kahit papaano ay hini nahirapang mag adjust ang dalaga sa kanilang simpleng pamumuhay sa tabing dagat, hindi ito nag re-reklamo at kahit anong lutoin ni Rio ay kinakain nito. Masaya sila sa kanilang pananatili dito. Tuwing umaga ay nanghuhuli ng isda si Rio sa dagat at ang kaniyang mga nahuli ay kanilang pagkain na sa buong maghapon. Iniiwasan kasi nilang pumonta sa bayan at baka may makakilala pa sa kanila. Nagustohan nila ang preskong paligid at simpleng buhay at silang dalawa lang ang magkasama. Natuto nadin sa mga gawaing bahay si George. Alam na niya k

