"BALITA KO NAPASUBO KA KANINA Z?" Bulong sa kanyang kaibigan na si Ren. Ito ang unang nakasunod sa kanila ni Raven at ang sabi ay tulog pa ang iba. Tumango siya, "Yes, atsaka na sampal ko rin." Natawa niyang ani sa kaibigan. Mangha naman itong napatingin sa kanya, “Wow, ngayon ko lang napansin na palaban ka pala. Or siguro nakilala lang kitang walang kaaway na umaaligid.” Natatawa nitong ani sa kanya. Napabuntong hininga naman siya, she felt guilty sa nangyari kanina pero alam naman niya na deserve din yon ng kapatid niya para matigil na, mahabang Oras na kasi ang naabala nito sa mga taong gusto ng mapayapa kaya nga nag bakasyon o di kaya'y pumunta sa resort para makapagpahinga at mag enjoy tapos masaksihan lang nila ang eskandalo na wala namang saysay. “Ikaw talaga, kumain kana ba?”

