NAKATITIG LANG Si Raven sa babae na mahimbing ang tulog, nawalan ito ng malay noong matapos ang tawag sa selpon. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin, kanina pa tawag ng tawag ang ina-inahan nito upang makipagkita sa kanya at sa babae. Mahabang oras na'rin ang na delay kaya't kailangan niyang maghanap ng paraan. Agad siyang napatingin sa pinto ng may sunod sunod na katok doon. Bumuga siya ng hangin bago naglakad patungo doon at nakita ang tatlong babae. “Si Z?” agad na tanong ng babaeng nagngangalang Renna. "Tulog."Aniya at naglakad pabalik kung saan ang babae. Sumunod naman ang mga ito. “May problema ba?” Tanong ni Ren sa kanya. Bumuga ulit siya ng hangin at tinignan ang tatlong babae, isa nalang ang maaari niyang gawin ang mamili sa tatlo kung sino ang magpanggap bilang si Ms.Die

