“IKAW na muna ang bahala sa ibang meetings ko Makoy, okay?” aniya habang kausap niya ang kaniyang sekretarya. Tumango naman ang binata at umagapay sa paglalakad niya palabas ng conference room. Finally, after his meeting na tumagal ng halos dalawang oras, natapos na rin sila. Kanina pa siya atat na umalis sa kaniyang opisina para umuwi na sa kaniyang bahay... ngunit hindi niya naman magawang umalis hanggat hindi pa natatapos ang trabaho niya. Panigurado siyang matagal-tagal din bago siya makabalik sa kaniyang trabaho kaya siniguro muna niyang matapos ang mga dapat matapos na trabaho sa kaniyang opisina bago siya umalis. “Kinausap ko na si Sebas, siya ang titingin dito sa inyo habang wala pa ako.” “Don’t worry po sir. Maaasahan n’yo po ako sa trabaho ko.” “I know Makoy. I know.” Aniya

