Chapter 1
"Marcooooo! Ano baaa?! Kinuha mo na naman yung Term Paper ko! Palagi na lang ba ako ang taga salo sayo? Palatak ng dalagang si Jewel sa kaibigan habang inaayos ang mga school papers sa lamesa ng bahay nila.
"Grabe ka naman sister, parang di mo naman ako kapatid.. Turan ni Marco sa kaibigan habang nakaupo sa sofa ng sala nila Jewel at nakatingin ang nangungusap at nagpapaawang mga mata sa dalaga.
Ewan niya pero sa tuwing ginagamitan siya ng ganitong charm ng kaibigan nag papaubaya na lang siya. Siguro nga dahil parang magkapatid na ang turingan nila, dahil simula pagkabata magkakilala na sila. Sabay silang lumaki sa bayan ng Cardona sa Rizal.
"O siya! sige na, sige na gagawa na lang ulit ako ng para sa akin. Pwede ka na sumama kila Carl para magbasketball. Pero tandaan mo hindi ka ligtas sa pag rereview natin bukas.
"Yeeeees! Ang bait talaga ng sister ko! Pa yakap nga! Sabay tayo at lapit sa dalagang busy sa mga inaayos na journals at projects. Nakatalikod ito sa kanya at bigla niya itong niyakap na may pang gigigil. Ganun na talaga ang endearment ng binata sa dalaga tuwing napagbibigyan ito ng huli sa mga bagay na gusto niya.
"Ano ba Marco! Ang gulo-gulo mo talaga ang dami ko pang aayusin, umalis ka na nga kung aalis ka! Hindi naman mapigilan ni Jewel ang mag galit galitan dahil kung hindi siya bibitawan nito ay baka tuluyan na siyang manlambot sa pagkakatayo niya.
"Eto naman naglalambing lang di ka na nasanay sa akin, sabay kiliti sa tagiliran nito.
"Marcoooo! Sabay harap sa binata ng may matalim na tingin. O sige na aalis na nga ang sungit talaga ng sister ko na to'. Pasalamat ka kahit masungit ka tinuturing pa rin kitang kapatid. Kaya walang sino man ang pwedeng manakit at umagrabyado sayo dahil ako ang makakabangga nila. Sabay taas ng braso netong may muscles na dahil sa pagiging athletic nito.
Yan ang dahilan kung bakit kailangang ingatan ni Jewel ang damdamin niya para sa binata, dahil kapatid ang turing nito sa kanya. Kung sana ay kaibigan lang... baka sakali pwede pang... iniling ni Jewel ang ulo upang mabura ang iniisip at tinignan na lang ang kaibigang patalon talon habang may hawak na bola at papalabas na ng bahay nila.
"Haaaay Marco siguro nga hanggang kaibigan lang ako sayo ang malungkot na turan ni Jewel ng makaalis na ang binata.
Malambing, maalaga, protective, gentleman at higit sa lahat super close sa mga magulang niya. Hindi pa kasama ang mga physical features nito. Matangkad ito sa height na 6'1, medyo may pagka moreno, matangos na ilong, manipis at mapulang labi, mapungay na mata, katamtamang laki ng katawan at ang 6 pack netong abs na lalong nag papalakas ng s*x appeal ng lalaki.
"Jewel tama na nga yang imahinasyon mo! Iniimagine mo na naman si Marco, saway niya sa utak niya.