Emerald's point of view Tatlong araw na bed rest ako, hindi ko na pinayagan pa si Dark na tumabi sa akin dahil sobrang libog niya. Sa ika-apat na araw ay medyo okay na ang aking pakiramdam kaya maaga na akong nagising. Tulog pa sina Dark at ang manok niya sa sala kaya dahan-dahan lang ang paglakad ko papunta sa kusina para magpa-init ng aking gatas. Mula nang alam ng care taker ng bahay na nandito kami ni Dark ay araw-araw na siyang nandito para ipag luto kami. Hindi pa man ako gutom kaya mag gatas na muna ako. Habang uminom ako ng gatas ay naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Dark. Parang batang isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" "Medyo okay na." "Pwede na ba akong tumabi sa kama babe? ang sakit na ng katawan ko na natutulog sa sofa." "Pwede pero

