Emerald's Point of View Hindi ko aakalain na kaya akong barilin ng hayop na Prince na ito. Napasigaw ako sa sobrang sakit dahil parang natamaan din ang buto ng aking hita. Sa lapit ng pagbaril niya sa hita ko ay tumagos ang bala at nadamay ang isa ko pang hita kaya ang bala ay nasa kabilang hita ko. Sobrang sakit ang aking nararamdaman at napasigaw ako ng biglang buhatin ako ng tauhan ng Prince. Humingi ako ng tulong kay Dark, kahit na magkakamukha sila ay hindi na ako nalito dahil alam ko ang kanyang damit na suot. Sumakay na kami sa chopper at agad na tinalian ang aking magkabilaan na hita ng isa sa kambal ni Dark. "How you feeling? don't close your eyes Emerald." Sabi nito habang naka tutok ang baril sa kanya. Napayakap ako sa isa pang kambal ni Dark dahil nanlalamig na ang aking k

