Emerald's point of view Napasimangot ako ng hindi na ako pinapansin ng anak ni Ninong kaya ang manok nalang niya ng nilaro-laro ko mabuti nalang at sumama ito sa amin. Nakarating kami sa Isla ng hating gabi na at sobrang lamig. Ang anak ni Ninong ay nakasimangot parin. "Oo nga pala ano po ang pangalan ninyo?" Magalang na tanong ko dahil parang konting pagkakamali ko lang ay ibabaon na ako. "Dark." Masungit na sagot niya na hila na ang aking malate. Ni hindi man lang niya ako inalalayan na bumaba. Pagbaba ko ay nakita ako ang magandang mga ilaw na may mga sensor. Tuwang-tuwa akong tumakbo para unahan si Dark sa mga ilaw. Narinig ko ang mahina niyang pagmura. "Madapa ka!" Sigaw na niya pero hindi ko pinansin, bukod kasi sa ang ganda ng pakiramdam na nililipad ng hangin ang buhok ko ay m

