Kamahalan's point of view Kung wala lang sigurong kasama ang Prince na ito ay baka tinuluyan ko na. Kaninang sinundo niya ang anak ko ay dumeretso siya sa akin. Nagulat ako sa tanong niya kung alam ko ba na sinasaktan ng Prince ang anak ko. Sinabi ko na hindi dahil matagal nang hindi magkasama ang dalawa at hindi ko alam kung paano nalaman ng Prince na iyon na pauwi na ang aking anak. Nakita ni Natan ang braso ng anak ko na namumula kanina at halata pa ang mga daliri. Kung may magagawa lang ako ay ayoko din talagang ipakasal ang anak ko sa Prince na ito. Walang naman siyang malay at ang mga tauhan niya ay nasa labas kaya pinag susuntok ko ang kanyang sikmura hanggang sa mapagod ako. Iniwan ko na siya dahil sigurado na bukas pa ito magigising. Pumunta na ako sa aming kwarto at nadatnan

