"Talaga? Bakit ka raw niya doon dinala? Ano ang mga ginawa niyo doon sa resort nila?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Alfred matapos kong sabihin sa kanya kung saan ako nanggaling noong weekend. "Sa tingin ko ay dinala niya ako doon para may mautusan lang. Wala naman kaming ibang ginawa kundi ang manatili sa ka ilang mansyon doon, ipagluto siya at samahan siya sa camping at maligo sa dagat. Ewan ko ba sa kanya! Para siyang isang bata na nakawala sa isang hawla,"sagot ko sa kanya. Napatango na lang si Alfred sa aking mga sinabi. Parang may iniisip siyang iba na hindi niya masabi kaya napatanong ako sa kanya kung ano ang kanyang iniisip. Tumingin siya sa akin," Wala naman, may naiisip lang ako na imposible, "sagot niya sa akin. Napaisip naman ako sa kanyang sinabi. " Ano naman iyon? "

