Ang resort nina Raphael ay malapit lang sa dagat. Mga ilang metro lang ang layo nito sa aming tinuluyan. " Ang bagal mo namang kumilos! Para kang isang babae!" nababagot na sambit sa akin ni Raphael. " Kung tulungan mo kaya akong buhatin itong pinahanda mo!?" inis kong sumbat sa kanya. " May hawak na akong gitara kaya ikaw na ang bahala sa mga iyan!" sagot niya at lumabas na sa bahay. Ako naman ay nakatingin lang sa mga gamit na pinapadala niya. Mga ihawan, coller na may laman ng ice at alak, isang tent, mga kahoy at marami pang iba. Napailing na lang ako at kinuha ang ilang gamit. babalikan ko na lang ang iba pa mamaya. Nang makarating ako sa dagat ay nakita ko si Raphael na nakaupo sa buhangin. Nilapitan ko siya at ibinaba ang mga gamit na aking karga. " Balikan ko lang ang m

