" Wala ka bang mga kamay at ako ang taga balat mo ng dalandan? " tanong ko sa lalaking nakahiga sa isang hospital bed. " Masakit pa ang katawan ko dahil sa nangyari kaya ikaw na muna ang bahala sa akin. Kung gusto mo pagsamantalahan mo pa ako, hindi ako sisigaw! " sabi naman niya . " Kung dagdagan ko kaya iyang sugat mo sa tagiliran? Makakapagsalita ka pa kaya ng ganya? " pagbabanta ko sa kanya. " Alam mo, ikaw? Halatang wala ka pang karanasan sa mga romantic ideas o kung ano man ang tawag nila sa romance! " sabi niya sa akin. " Ano bang pakialam mo? Sa wala akong panahon sa mga ganyan, eh! " sabi ko sa kanya na kinangisi niya. " Bakit hindi mo subukan? Bakit hindi natin subukan para masaya? " sabi niya sa akin na sinundan pa niya ng pagkindat. Napailing na lang ako

