" Ano na ngayon ang gagawin mo, Kiko? " tanong sa akin ni Alfred matapos kong ikwento sa kanya ang usapan namin ni Raphael sa mini garden ng Hospital. " Sa totoo lang ay hindi ko alam, Alfred. Ayaw ko naman na isipin niya na sinasamantala ko siya kaya hindi ko tinanggap ang alok niya, " sabi kons akanya. Inalok ako noon ni Raphael na tumulong daw sa mga bayarin ni papa sa Hospital pero tumanggi ako. Pinilit niya ako pero hindi ako nagpapilit hanggang sa sumuko siya. " Wala naman sigurong masama kung tatanggapin mo iyon, hindi ba? " tanong ni Alfred sa akin. " Wala nga pero ano na lang ang sadabihin ng ibang tao? Alam mo naman naman na may pakpak ang mga balita at mabilis pa kaysa sa kidlat kung kumalat, hindi ba? " sagot ko sa kanya. " Sabagay, king ano ang nabalotaan ng ibang ta

