Chapter 33 Gareth's Medyo hapon na ng mapapayag ko yung parents ko na pauwiin na si Grapes kay Phanni. Kahit medyo nagtatampo yung matatanda ay agad din naman silang pumayag basta mangangako akong dadalasan ang pagkuha sa apo nila. Pagkapark ko ng kotse sa parking space sa condo ni Phannie ay agad ko ng kinarga yung anak ko at saka dumiretso sa tapat ng elevator. Sakto namang pababa ang destinasyon niyon at mahigit isang floor na lang din ang pagitan nun sa ground floor. Pagkabukas ng elevator ay mas nasorpresa pa ako ng makita si Wacky. He is one of my closest friend at isa rin sa mga hindi pa nakakaalam na may anak na ako. Mahigit dalawang buwan na rin siguro simula ng huli akong makihang-out sa tropa kaya malamang na gaya ko ay nagulat din ito. "Gareth?! Dude! How are you?" Nagula

