Chapter 34 Gareth's Kanina pa ako nag do-doorbell pero wala pa ring nagbubukas ng pintuan ng unit ni Phannie. Nasaan naman kaya yung isang iyon? Sabi niya pagdating ng hapon nandito na siya at handang salubungin kami ng anak namin. Pero ilang minuto na akong panay ang katok at pindot sa doorbell wala pa ding nagbubukas ng pintuan. Napasulyap ako kay Grapes na mukang nakatulog ata sa braso ko habang paakyat kami dito sa floor ng bahay nila. Medyo nainis pa ako kay Phannie dahil kung umuwi lang siya ng maaga ay malamang na nasa maayos ng higaan ngayon yung anak ko. Hindi pa rin ba ito nakakabalik mula sa pag bisita kay Carl? Napa iling ako dahil sa selis na nabuhay sa dibdib ko. I tried to call her cell phone but no one is answering. Hindi ko man ginusto pero unti-unti na akong nag-aala

