Chapter 20: Beat of Heart

1092 Words
Chapter 20 Gareth's Kasalukuyan akong naka upo sa verandah at pinapanuod ang papagabing paglubog ng araw. Isinasayaw ng malamig na hangin ang damit at buhok ko. Amoy na amoy naman ang maalat-alat na simoy ng hangin na nanggagaling sa dagat. Tila hinahangin din sa dalampasigan ang isip ko at pulos si Phannie at ang anak lang namin ang laman niyon ng biglang tumunog yung ring tone ng cellphone ko. Nakita ko yung name ni Mommy. Naka ilang buntong hininga muna ako bago nababagot na sumandal sa upuan at sinagot ang tawag. "Hello Mommy?" "Where are you Gareth?! Saang lupalop ka na naman ba ng bansa nag suot na bata ka? Kanina pa kita hinahanap at pinapahanap. Ngayon mo lang talaga naisip buhayin iyang cellphone mo? Ano pang silbi niyan kung ganyan lang din naman pala ang gagawin mo diyan?" Walang prenong sita kaagad ng ina ng sagutin ang tawag. Napa ngiwi ako at napa ngiti na lang kapag kuwan. Wala naman akong maidadahilan na maganda kaya mas mabuti pang manahimik na lang. Mas maayos pa yun. "Mom calm down. I'm just here in Palawan okay? Remember yung rest house ko dun? Well, andito ako ngayon. I decided to take a break from my hectic schedule. I hope you won't mind. I need this to calm my nerves. I'm so stressed recently." Napa hugot ng hininga si mommy sa kabilang linya. Tila hindi nito inaasahan ang isinagot ko. Lalo pa at napakalayo ng Palawan sa Manila. "And what are you doing there? Kilala kita Gareth! I know that there is something going on that's why you've been isolating yourself in that rest house of yours." "Mommy naman, nagpapahinga lang talaga ako masaydo na kasi akong burn out sa trabaho. Don't worry I can take care myself here." Natatawa kong inabot ang lata ng alak at sumimsim duon. "Mag-isa lang ako dito. Kaunting pahinga lang talaga ang habol ko, mommy." "I'm not worried about you, you're too old for that already! Oh god, I saw your daughter a while ago here in the hospital exactly where your cousin Jacko is working. May sakit ata yung anak mo Gareth, at nag aalala ako! I've been meaning to call you but your phone was off the whole day. Gusto ko ding lapitan si Shayphan pero wala akong lakas ng loob. Gareth, baka may problema. You should check on them." "What?!" Maang kong pilit na prinoseso ang sinabi ng ina. "Are you sure na si Phannie at ang anak ko iyon?" Tila nagsalimbayan ang kabog ng puso ko sa dibdib. "I am hundred percent sure. Come home now, son. Dalawin mo sila. Kamustahin mo ang apo namin sa iyo. We're worried, Gareth. Baka mapano ang bata, She's too young to get hospitalized." Dama ko ang pag-aalala sa tono ng boses ng ina. Pero triple niyon ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam na mag-alala ng sobra sa anak. Na magagawa kong maramdaman ito sa puso ko. Gusto kong liparin ngayon ang Manila makalapit lang sa mag-ina ko. Kung maari lang sana ay ginawa ko na. Kung kaya ko lang... "I'll go home now, mom. Ask Jacko to look after ny daughter and give us an update from time to time. Tatawagan ko din siya pagkatapos ko makipag coordinate sa chopper. Thank you for informing me, mom. Thank you..." May kung anong sumusuntok sa puso ko sa pag-aalala. At gusto kong manghina sa tuwing naiisip ang magandang mukha ng anak na maaaring umiiyak ngayon dahil nasasaktan. I called my pilot that day. At ilang oras lang ay lulan na ako ng chopper habang panay ang kausap ko kay Jacko. Tinatanong ko ang kalagayan ng bata at gulat na gulat ito ng sabihin ko ang dahilan kung bakit ako ganito mag react ng dahil lang sa baby. Dahil hindi lang siya isang sanggol, anak ko si Grapes. Pasimple akong bumubuntong hininga para mailabas ang pangamba sa dibdib ko. Assurance naman ni Jacko ang pinanghahawakan ko lalo na ng sabihin niyang siya na ang bahala at kakilala naman niya ang doctor na may hawak ng files ng bata. The two hour ride was the longest hour of my life. Hindi ko maisip kung anong posibilidad ng pagkaka hispital ng bata. She's just a baby, for pete's sake. Pagkalapag ko ng Manila ay agad kong diniretso ang hospital na pinapasukan ng pinsan. Nagkita kami sa lobby at bakas pa din ang pagkagulat sa mukha nito at napapailing pa. "Is she alright, Jacko?" Naka pamewang kong tanong habang ito naman ay iniisa-isa ang hawak na papel. "Fever and rashes cause of Philippines hot weather. Normal lang iyon sapagkat sanay sa malamig na klima ito. You don't have to worry anything, she will be fine." Seryoso at walang emosyon nitong sagot. Kunot noo kong pinakatitigan ito. "Is that true? Oh goodness, parang llabas na ang puso ko sa sobrang kaba. Akala ko kung napaano na ang anak ko. Thank you for this information, Jacko." "Naagapan naman dahil nadala kaagad ng magulang dito." Ibinaba nito sa counter lobby ang hawak na papel at saka ako pinaka titigang maigi. He even sighed before he open his mouth. "Anak mo talaga ang batang iyon?" My lips form in a grim line. "Yeah..." Tumango-tango ito bilang sagot. "Do you want me to accompany you to her private room? I checked on her fifteen minutes ago, nanduon ang ina at may kasamang lalaki sa loob. I thought ther are the parents, nalaman ko lang ng tawagan mo ako. Kung ano man itong pinasok mo, malaking gulo ito Gareth. Kaya mo na bang panindigan?" Kunot noo kong pinanuod ang nagtatanong na mata ni Jacko. "Kaya ko. Kung mapag bibigyan lang ako ng pagkakataon. Unfortunately, she hates me. Wala ako ni kapiranggit na karapatang mag demand ngayon. Kaya kahit parang sasabog na ang puso ko sa sobrang pag-aalala ay nandito pa din ako sa harapan mo hanggang ngayon. Gusto ko munang masiguro na hindi kami magkakagulo sa oras na makipag kita ako kay Phannie at dalawin ko si Grapes. This is not the right time for confrontation." "I understand, but you can call me whenever you need someone to support you. I'm just in my office, twenty-four hours na akong naka duty I need to rest. By the way, your daughter is at the second floor, room two-four-three."  Jacko tapped my shoulder and left me standing at the middle of the looby. I sighed a lot of times before I decide to overcome my dear. Si Grapes ang pinaka mahalaga sa ngayon. Siya lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD