Chapter 13
Shayphan's
Five o’clock na ata ng madaling araw lumapag yung eroplano na sinasakyan namin nila Carl at ng baby ko na himbing na himbing pa ring natutulog sa bisig ni Carl. Pauwi kami ngayon sa condo ko dati, at alam kong magiging komportable naman kaming mag-ina dun dahil palagi kong pinapalinis yun at buwan buwan din ako kung magpadala ng bayad sa nag lilinis niyon.
Mga seven na ng umaga kami nakarating sa condo. Gising na din si baby at sinabihan ko na din si Carl na umuwi muna sa kanila para asikasuhin naman niya ang sarili niya at ako na ang bahala sa sarili namin. Pero nangako naman ito na babalik ulit kinabukasan para makasama ulit kami.
Napaka sweet talaga ng isang iyon, to the point na parang sobra-sobra na at medyo nakakahiya na din. Eh kaso mapilit talaga ang isang iyon, anong magagawa ko?
Inihiga ko muna si baby sa kama at saka ko muling binalikan yung mga gamit namin para maiayos na din. Karamihan kasi sa mga gamit at damit na dala-dala ko ay puro kay Grapes kaunti lang yung dinala ko na para sa akin kasi alam ko namang makakabili pa rin ako ng ilang gamit sa mall.
Pinabayaan ko munang maglaro ng maglaro sa kama ko si baby habang itinutupi ko yung mga damit niya. Natawa pa nga ako nung makitang nadala ko din pala yung blue t-shirt niya na first gift ni mommy kay baby. May naka print dun na baby boy, nagkamali kasi yung hula niya na lalaki ang magiging gender ng baby ko.
Pero pinapasuot ko pa din naman kay baby yun kasi bagay na bagay naman sa kanya at minsan pa nga napagkakamalian itong lalaki kapag suot-suot yun.
“Mah..mah-mah..”
Napalingon ako sa kama. Nakakatawa lang kasi nagsasalita mag-isa si baby Grapes tapos tumatawa-tawa pa siya habang nag papadyak ng paa. Ang kulit lang.
Siguro kailangan ko din munang ipasyal si baby para makabili ako ng crib at stroller para sa kanya. Hindi kasi natutulog sa kama si baby kailangan sa crib lang talaga at balak ko din sanang mag stay ng ilang araw sa resort next week kaya kakailanganin ko talaga ng stroller para dito.
Itinaktak ko yung laman ng bag na pinaglalagyan ng mga damit ni Grapes. Humugot na lang ako dun ng isang bestida na pink na may ruffles sa kuwelyo at sa dulo ng palda ng bestida. Kinuha ko din yung shoes niya na pink din na may malaking ribbon sa harap.
Inilapag ko sa kama yung mga damit at saka ko binuhat yung anak ko para naman paliguan. Pagdating sa banyo ay namroblema nanaman ako kung saan siya papaliguan, di pwede sa bathtub masyadong malaki at madulas dun. Lumabas na lang ulit ako papunta naman sa kusina. Ipinatong ko siya sa lababo at duon pinaliguan. Tuwang-tuwa naman ito habang nag papasag sa tubigan.
Ng matapos ay inayusan ko na din ito, sinuotan ng diaper at saka pinaliguan ng powder sa dibdib at likod. Nung matapos ay nag palit na ako ng damit at saka nag ayos, kaunting foundation at lipstick lang ang inilagay ko.
Hindi ko na inabala pang magpasama kay Carl papunta ng mall dahil may kotse naman ako. Pagdating sa mall ay medyo crowded ng kaunti kasi nga weekend ngayon. Sa department store muna kami pumunta ng baby ko para maghanap ng crib.
Isang light blue crib na may net ang napili ko para kay Grapes. Ang cute kasi parang sa mga pang princess yung style. Masyado din itong malaki kaya makakagapang-gapang pa ito duon. After that sa mga damitan naman, may nakita akong tee-shirt na may drwing na grapes tapos ay nakasulat sa likod na ‘VIOLET IS THE NEW BLACK’ Ang cute…
Nakakatuwa talaga mamili ng gamit ng mga baby, nakaka libang masyado.
Di ko na tuloy naalala yung oras kung hindi pa umungot si baby na parang nagugutom na. Pumasok muna kami sa isang restaurant na nadaanan namin at duon ko siya pinainum ng milk habang ako naman ay sapat na ang isang pasta at juice. Di pa kasi ako gutom masyado.
Na focus lang ang buong attention ko sa pagpapa inom ng gatas kay Grapes kaya di ko na nagalaw yung pagkain ko. Hindi pa ata mapupuknat yung utak at paningin ko sa anak ko kung hindi ko lang narinig yung matandang babae na nagsalita sa tabi ko.
“Excuse me miss, may nakaupo ba sa table niyo? Medyo crowded na kasi dito kaya naubusan na kami ng mauupuan” friendly na tanong ng babae.
Umiling naman ako at sinabihan silang maupo na lang sa table namin, pang apatan kasi yung round table at nakakahiya kung paaalisin ko sila. Yup, as in sila. Kasama pala kasi nung babae yung asawa niya. Kahit may edad na ang sweet pa din nilang tingnan.
“Anak mo?” tanong sa akin nung ginang habang hinihintay malamang yung order nila.
Tumango ako at saka ngumiti habang inaalis na yung bottle milk ni Grapes na nakapasak pa din sa bibig niya, busog na ata kaya naglilikot na.
“Ang bata mo naman ata, hija. Pero ang ganda ng anak mo. Mana sa ina” Napa ngiti ako sa kumento nito.
Pero napailing na lang ako kasi alam kong hindi totoo na kamuka ko si Grapes, si Gareth kasi talaga ang kamuka niya. At kahit anong panloloko ang gawin ko sa sarili ko na kamukha ko ang anak ko ay walang saysay. Why but Gareth's genes is screaming on my daughter's face.
“Ilang buwan na iyan?” patuloy na tanong nung ginang habang yung asawa naman niya nakatitig lang kay Grapes habang nakangiti.
“Mag se-seven na po next week”
“Aww.. alam mo bang ang sarap-sarap talaga alagaan ang batang nasa lima hanggang isang taong gulang pa lang? nakakagigil kasi sila. At in fairness, kahawig ng baby mo yung anak kong panganay when he was one year-old”
“Talaga po? Babae po ba yung anak ninyo?”
“Aw, no. He’s a boy, and kaka-twenty three pa lang niya. Haay, bakit kaya kapag malalaki na ang mga anak nagiging pasaway na? kaya naku, habang bata pa iyang anak mo ay sulitin mo na dahil paglumaki na iyan mahihirapan ka na” at saka pa siya tumawa.
Natawa na lang din ako. Totoo naman kasi iyon, kapag lumalaki na kasi ay nagiging independent na ang mga bata. Kaya nga talagang nilulubos ko ang pagmamahal ko kay baby.
“Dah-dah..dah-dah” napasulyap kami kay baby Grapes kasi salita siya ng salita ng ganun habang pumapalakpak pa, nakatingin siya sa gawi ng asawa ng babae. Tapos yung lalaki naman na ipinakilala ng asawa niya na si sir Breth ay nakangiti lang kay baby.
“Mukang natutuwa sa iyo yung baby, honey” sabi ni maam Grace sa asawa nito. Grace nga pala yung name niya.
“Ganyan kalakas ang appeal ko sa mga bata” sabi nito na ikinatawa na lang namin.
Dumating na yung order nung mag-asawa pero kahit kumakain ay hindi pa rin talaga nag papaawat sa pag ku-kwento si Maam Grace. Hanggang sa mapako na yung kuwentuhan namin sag anak niya. Lalo na daw dun sa panganay na anak niya na masyado na daw napakalaki ng ipinagbago simula ng grumaduate sa kolehiyo.
Na curious naman ako kasi ayon sa kuwento niya naver na daw niyang nakitaan ng babae yung anak niyang iyon, napaisip pa nga ako na baka bading kaya ganun. Pero sabi naman niya baka daw na trauma na sa babae. Parang ako lang pala iyon, na trauma na sa lalaking ka relasyon. Pero matyagang inalis ni Carl ang takot ko sa bagay na iyon. Napa ngiti ako ng maisip ang binata.
Patuloy lang kami sa kuwentuhan hanggang sa nagulat pa nga ako na si sir Breth pala yung president ng isang sikat na architechtural firm sa buong bansa. Pero hindi siya mukang presidente sa hitsura niya ngayon, napaka down-to-earth kasi nilang mag-asawa. Tapos yung mga anak na pala nila ngayon ang nag mamanage niyon.
Ang yaman, bongga!
Nang medyo napipikit na si Grapes ay nagpaalam na din ako sa dalawa na mauuna na kami kasi medyo napagod din kami sa flight kararating nga lang kasi namin tapos dumiretso na kaagad kami sa mall. Bago umalis ay hinalikan pa muna ni maam Grace sa pisngi si baby at saka nag wave.
Napaka friendly talaga ng mga Pilipino, masasayahin pa. Kaya nga nalungkot talaga ako ng iwan ko ang bansang ito nuon.