Chapter 14: Promise me

1803 Words
Chapter 14 Gareth's I'm inside of my car when I saw a familiar face from afar. Hindi ko lang napag sino kasi nga malayo at natatabingan pa yung muka niya nung mahabang buhok niya. Parang kilala ko siya? Kaso, hindi, wala na nga siya di ba? Nasa parking area ako ng mall at hinihintay na matapos yung paglalamyerda ng mga magulang ko, katatanda na nagde-date pa. Hindi pala dinala ni Dad yung kotse niya kaya nagpapasundo sa akin ngayon. Sakto naman na papauwi na ako galing opisina kaya sinundo ko na lang din sila. Pero bakit parang ang tagal naman nila, ang sabi ay pababa na daw sila. Tiningnan ko ulit yung babaeng sumakay ng itim na kotse. Pinaandar na nito yung sasakyan niya. Napailing na lang ako nung maisip na baka si Phannie iyon, pero bang tanga ko naman kung sasang ayunan ko iyon dahil mukang wala na siyang balak pang umuwi ng Pilipinas. Maya-maya ay nakita ko ng papalabas ng establishimento sila Daddy. Ng makalapit sila sa kotse ko ay agad na sumakay yung dalawa sa passenger seat. Ginawa pa akong driver? Napa iling na lang aka sa mga ito. "How's your work, Gareth?" tanong ni Dad. "Ayos naman po" kiming sagot ko sa ama. "Kailan mo kami bibigyan ng apo?" singit naman ni Mommy. Ano ba iyan, apo na naman? Bakit ba parang favorite topic na ni Mommy iyan? Na pepressure ako kahit hindi naman dapat. "Kapag thirty-five na ako, Mommy" walang ganang sagot ko dito. At saka ko na pinaandar yung kotse. "Barabas ka! Sana buhay pa kami ng Daddy mo nun! Naiinggit tuloy ako sa baby kanina, ang cute-cute talaga ni Baby Grapes. Kung magkaka apo ako gusto ko ng ganuon kaganda." Sino namang baby iyon? Mukang may mag-inang na torture na naman si Mommy kanina, ngayon pa lang ay naaawa na ako dahil ang daldal pa naman nito. "Sino naman iyon Mom?" I asked out of curiosity. "Yung naka share namin sa table kanina, grabe napaka cute nung mag-inang iyon, sayang nga lang at mukang may asawa na. Pero wala naman akong napansin an wedding ring kanina" "Maganda ba yung nanay?" Napangisi ako nung makitang ang sama ng tingin ni Mommy sa akin habang si Dad ay natatawa na lang. Did I said something wrong? I am really curios and heck but she's the one who started it. "Magtigil ka nga Gareth! Kahit sobrang ganda ni Shayphan at hindi kayo pupwede nun dahil may baby na siya!" Bigla kong naapakan yung preno ng kotse ko at saka napalingon kay Mommy na mukang muntik ng atakihin sa dibdib dahil sa ginawa ko, pero wala naman siyang sakit sa puso kaya di ako masyado nag aalala. "GARETH! Papatayin mo ba kami ng ama mo? Wala pa kaming apo aba‼" Nag aalala itong luimingon sa likuran sa pag aakalang may kasunuran kaming sasakya. Good thing at wala naman. Itinabi ko na lang sa gilid ng daan yung kotse at ng makuntento na ay saka ko hinarap ulit sila mommy at daddy na mukang nahihiwagaan sa ikinikilos ko. Pero kasi wala pa akong nakikilala na nag ngangalang SHAYPHAN bukod sa babaeng iyon way back in college days. "Paki describe nga yung hitsura nung Shayphan na sinasabi niyo mommy." Bakit ba parang ang bilis ng heart beat ng puso ko? "Gareth? Are you nuts? Ano bang pinag sasabi mo? Bakit ba ganyan ka maka pag react? Pero para matahimik ka lang, ahmm.. maganda si Shayphan maputi, matangkad, sexy, at medyo singkit. Masyado ka talagang playboy at kahit sino na lang na babae tinatanong mo. Buti sana kung siniseryoso mo eh di sana may asawa ka na ngayon." "M-medyo singkit? Y-yung baby na dala-dala niya... Anak ba niya iyon?" Napakunot noo naman si Mommy at saka marahang tumango-tango.  Dahil duon ay mas lalong lumakas ang kutob ko, at naalala ko din na maaaring si Shayphan nga ang nakita ko na sumakay sa kotse kanina! "A-ano pong h-hitsura nung b-baby?" Nahihirapan kong tanong kay mom, nagbibikig din yung lalamunan ko habang pilit kong kinakalma yung sarili ko mula sa pagragasa ng kakaibang pakiramdam sa dibdib ko. I can't fathom if this is excitement or fear. "C-cute, parang sa iyo din yung mata chocolate brown,  tapos magkahawig nga kayo nung baby tapo-" Saglit na natigilan si Mommy at saka napatitig sa akin ng mariin habang si Daddy naman ay napapailing-iling. "Mag drive ka na pauwe Gareth at mag-uusap tayo pag dating sa bahay." Kalmadong sabi ni Daddy na siyang sinunod ko naman habang si Mommy ay himalang natahimik. Pagka parada ko pa lang ng kotse sa loob ng gate ay hinatak na ako kaagad ni Mommy at pasalampak akong pinaupo sa sofa habang tila pulis na tinititigan ako ng mariin. "Umamin ka nga anak, mag kaka a-apo naba ako?" Napa buntong hininga na lang ako at saka napipilitang ikinuwento dito ang nangyari nuon, sobrang nagulat din si Mommy ng ipagtapat ko dito na na try ko din mag intake ng drugs that time. Pero mukang napalitan din ng over joy yung galit niya sa ginawa ko ng sabihin ko na maaaring si Shayphan nga ang naka kuwentuhan niya kanina at malaki ang tendency na anak ko yung baby Grapes na kinaiinggitan niya kanina pa. "Did you hear that Hon? Mag kakapo na tayo!" Excited na niyakap ni mommy si daddy. Napailing na lang ako at saka napasandal sa sofa. Parang bigla akong nanghina ng maalala na malaki ang galit sa akin ni Phannie, nahihiya din akong katagpuin silang mag-ina lalo pa at ako pa mismo ang nag sabing ipalaglag niya ang bata. Napasabunot na lang ako sa buhok ko at saka iritableng umakyat sa taas papunta sa kuwarto ko. Kailangan ko pang mag-isip ng paraan kung paanong makikita sila Phannie. SHAYPHAN'S Kasalukuyan akong nagluluto ng pagkain para sa dinner ng may biglang nag doorbell mula sa labas ng pintuan ng condo ko. Iniwan ko muna si Grapes sa living room habang nakadapa at naglalaro sa makapal na comforter at foam na inilatag ko dun sa lapag. Pagbukas ko ng pinto ay isang nakasusulasok na tili ni Piichie ang agad na sumalubong sa akin, at si  loka pinugpog pa ako ng yakap at halik. Natatawa na lang tuloy ako sa reaction niya. "Totoo ba ito? Talaga bang nandito ka na bestfriend? Baka portrait ka lang pala kasi eh.." ang exaggerated na turan ni Piichie habang papasok kami sa sala. "Don't worry hindi ako portrait, totoo din ako" "Pero infairness bang ganda mo lalo ngayon, hiyang pala sa iyo ang maging mommy? And speaking of being a mom! Where is your little sisiw?" Little sisiw talaga? Itinuro ko si Grapes at ng makita naman ito ni Piichie ay nagmamdali niya itong tinabihan at saka pinakatitigang maige. Tama daw bang iwan ako at ipagpalit sa little sisiw na iyon ayon sa kanya? "OMG friend! Kamuka talaga ni Gareth your love itong batang ito!" mukangb nagulat si Grapes sa ginawang pagsigaw ni Piichie kaya umiyak ito. Binuhat naman niya si Grapes at skaa tinap yung likod para tumahimik, eh kaso ayaw pa rin talaga. Mukang mag ha-hyperventillate na sa pagkataranta si Piichie pero kewls, iniwan ko siya sa sala at may niluluto pa ako. "Phannie! Yung sisiw mo ayaw ata sa akin!" sigaw nanaman ni Piichie mula sa sala. Pero di ko na siya pinansin. Nagtaka lang ako kasi makalias ang ilang minute ay himalang tumigil na sa pag-iyak si Grapes at may naririnig na akong nagtatawanan. Sumilip ako mula sa kusina para makita kung anon a ang nangyayari. Pero di ko inaasahan na kaya pala tumigil na sa pag-iyak yung baby ko ay dahil dumating din pala si Carl ng di ko alam. At ngayon nga ay tatlo na silang nakasalampak sa lapag. "How's my baby huh?" narinig kong tanong ni Carl kay Grapes. "Dah-dah..dah-dah" "Aysows, ang tinik mo talaga Carl at ikaw na pala ang ama niyan. Pero infairness again, bagay kayong dalawa na maging mag-ama" komento naman ni Piichie dito kapag kuwan. "Bagay talaga kami! Di ba baby ko?" pinugpog pa ng halik ni Carl sa muka si Grapes na din a mapaigil sa kakatawa. Mukang na miss si loko ahh.. Parang hangin lang na dagling naglaho yung ngiti ko ng maisip n asana ay maransana din ni Grapes na mayakap ng tunay na ama niya. At sana, hindi niya ipinagkaila si baby. Tumalikod ako at sumandal sa pade at saka duon tahimik na umiyak. Kahit mag dadalawang taon na masakit pa din. Lalo na sa tuwing naaalala ko kung paano niya ako dinown nung mga oras na iyon. Samantalang siya lang naman ang kailangan ko, kailangan ng anak namin. Pinahid ko yung mga martir kong luha at saka ko na ipinag patuloy ang pagluluto. Dapat naka move-on na ako sa kanya, kasi nga wala naman siyang paklialam sa amin, pero bakit hanggang ngayon parang ayaw pa rin siyang kalimutan ng puso at isip ko? "Phannie? May problema ba?" Napalingon ako sag awing pintuan ng kusina para lang makita si Carl na nakatayo duon. Puno ng pag-aalala ang muka nito. "Huh? B-bakit?" "Umiiyak ka ba?" "Ako? Di ahh.." "Hobby mo na ba talaga ang umiyak tuwing mag-iisa ka. Alam mo Phannie, kung may problema ka sabihin mo lang sa akin at handa naman akong makatulong" nilapitan na ako ni Carl at saka niya marahang hinawi yung mga makukulit na hibla ng buhok ko na nakatabing sa muka ko. "H-hindi ko naman kailangan ng tulong ninuman. Dahil walang makakatulong sa akin sa problema kong ito" parang nasaktan naman si Carl sa tinuran ko. Na guilty tuloy ako. "T-tungkol nanaman kay Gareth? Tama ako di ba?" Napahawak na lang ako sa noo ko at saka nag umpisa nanamang pumatak yung mga luha ko. Pinilit kong kagatin yung labi ko para iimpit yung hikbi ko. "B-bakit magkakaiba ang mga lalaki? At bakit may mga lalaking hindi marunong magapaka responsable? Di ba nila alam na hindi naman ako o kami ang naaapektuhan dito kundi yung mga bata? Si Grapes" "Hindi naman kailangan ni Grapes si Gareth" napatingin ako kay Carl dahil sa tono ng pananalita nito, galit ba siya? " Narito naman ako Phannie para sa inyong dalawang mag-ina. At ako na nga ang kinikilalang ama ni Baby Grapes di ba? Hindi niya kailangan ang hayup na iyon" "N-nahihiya na t-talaga ako sa iyo Carl, hindi mo naman kami kargo o responsibilidad pero ikaw palagi ang katuwang ko sa lahat ng bagay. P-paano ba kita mababayaran sa lahat ng ito?" ani ko sa nahihirapang tono. "Just promise me that you will never let that bastard to touch our baby. At, at sapat na yung mangako ka lang na hindi mo ako iiwan" Napatango na lang ako at saka yumakap dito ng mahigpit na mahigpit. Naramdaman ko pa na hinalikan niya yung ulo ko at saka gumanti ng yakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD