Chapter 15
Gareth's
Nawawala na naman ako sa focus, lately kasi ay puro si Phannie na lang ang pumapasok sa utak ko. Maski yung mga agenda ko nakakalimutan ko na nga din. Kagaya na lang ngayon, di ko napansin yung oras at nakalimutan ko na may meeting pa pala ako, pero pina-cancel ko na lang din yun at pina move for tomorrow. Napa sandal na lang ako sa swivel chair ko at saka ko pinagulong gulong sa daliri ko yung ballpen na kanina ko pa pinag lalaruan sa kawalan ng magawa.
Pero biglang napako yung focus ko sa pintuan ng may bigla na lang nagbukas niyon at may pumasok na babaeng wala man lang paa-paalam muna. I knotted my forehead as I focused my attention with this girl walking swiftly in front of me.
"Sir Gareth, pinigilan ko naman po siya pero ayaw pong paawat" nag pa-panic na turan sa akin ng secretary ko na mukang namumuti na sa kaba. Tumango na lang ako at saka sinabihan itong isara na lang ang pintuan paglabas niya.
Ibinalik ko yung atensyon ko sa babaeng ito na bang sama ng tingin sa akin. Maganda siya, pero parang ang yabang ng aura. Nakaka turn off.
"What can I do for you Miss-?" ibinitin ko talaga yung huling salita ko.
"I am Mhadie San Juan. I am here for a very personal reason."
Inabot nya yung kamay niya para makipag shake hands. Sa halip na tanggapin ay ipinaling ko lang yung ulo ko para matitigang maigi ang babaeng ito. Patuloy ko pa ding pinag lalaruan yung ballpen ko. Mukang napansin naman ni Mhadie na wala akong balak tanggapin ang pakikipag shake hands niya kaya ibinaba na lang niya yung kamay niya at saka namaywang sa harap ko.
"Anong atraso ko sa iyo, Miss Mhadie?" Seryoso kong tanong sa babae. One thing I hated the most is when someone trying to disturb me in the middle of my work. And that's what she just did right now.
"Sa akin wala. Pero sa kakilala ko meron. At lahat kami ay naaapektuhan ang buhay dahil sa ginagawa niya!"
"Anong kinalaman ko sa problema ng 'kakilala' mo?" I sighed. This is going nowhere and I started to get bored.
"Does a name Shaine ring a bell?"
SHAINE?
FUCK ME! si Shaine na ex ko ba nag tinutukoy ng babaeng ito? Gusto kong matawa sa sinabi ng babae.
Pero imbes ay napaismid na lang ako at saka napakamot sa batok, nawawalan talaga ako ng gana makipag usap kapag ganito na ang topic lalo na kapag siya ang topic. It's been years now, ano pa at nanggugulo na naman ang dalaga?
"Yeah.." simpleng sagot ko dito na para bang walang kagana-gana. Ipinatong ko ang siko ko sa table ko at saka ipinatong ang baba sa likod ng palad.
"Shaine is using your name as an excuse. Tinakasan niya ang kasal nila ng kaibigan ko. And now, she's saying that she is not yet ready to get married because she's still not yet over you. She even told us that you two are together." Mukhang masyado siyang nadala sa sinabi niya dahil naipukpok pa niya yung dalawang kamay niya sa table ko.
"So, ikakasal na pala sana siya? Congratulations with her, please send my wishes to your friend. And I am sorry for what happened. Pero hindi ko mahanap ang dahilan para puntahan mo pa ako at pag aksayahan ng oras."
"I am only here to find proof." Mhadie smirked eventually. "She's a liar. Gawain na niya ito noon pa man, hindi ba? And now she is making excuses in your behalf. I can't wait to face her, para maipamukha ko sa kaniya ang ginagawa niya sa kaibigan ko."
"Are we not done yet?"
Napataas yung kilay ni Mhadie at saka ako tinitigan ng masama.
"She did something terrible to you as well, am I right? Kaya ganito ka na lang kawalan ng interesante sa sinasabi ko. Kung ako ikaw, sisimulan ko ng ipahanap ang babae. She is using your name and she is ruining it."
Tumango-tango ako ng marahan. "Yes, she hurt me before. But I am already done with her antics, ayoko ng ma associate pang muli kay Shaine. She's a nightmare that I don't want to experience again."
"I understand, mister Sebastian. I am only here to see if she's telling the truth. But base on your reaction, she's still the same nightmare that you knew before. I don't want to waste your time anymore. I should get going now." Isang ngisi ang namutawi sa labi nito. "Nice meeting you by the way. I realized that one thing is true for what Shaine mentioned. That you're as cold as ice."
I clenched my teeth as I tried to calm myself. Ayoko ng hinuhusgahan, at hindi ko rin maiwasang mag-isip ng kakaiba.
"Miss Mhaddie San Juan, if I still remember napatawad ko na ang kaibigang sinasabi mo nuon pa. At ang nakapag tataka lang ay alam kong alam naman na niya iyon bago pa man kami mag hiwalay ng landas, hindi kaya ginagawa lang niya akong excuse para hindi matuloy ang kasal niya sa kaibigan mo dahil hindi naman niya talaga mahal ito?"
Mukang gulat na gulat ito sa sinabi ko at medyo napaurong pa siya, pero ng maka recover ay napangisi siya at saka napatingin sa akin ng sobrang sama.
"Maybe you're right. But knowing that girl, she's not an easy one."
"Wala na kaming nakaraan at ayoko ng balikan pa iyon, paki sara na lang nung pinto pagka alis mo Miss San Juan." I said and smiled sweetly at her.
She just shook her head and walked away from me. Pakiramdam ko ay para na naman akong sinasakal, napahilamos din ako sa palad ko sa sobrang inis. Ano bang nangyayari at nagbabalikan na naman ang mga babae sa nakaraan ko? Naging ganuon ba ako kasama nuon para maranasan ang mga ganitong bagay?
"Relax Gareth, you can do this." Nanghihinang pampalakas loob ko na lang sa sarili ko dahil may anak pa akong dapat hanapin at panagutan.
"Grapes?" wala sa loob na naibulas ko na lang yung pangalan ng batang ikine-kwento ni Mommy sa akin na diumano ay kamukang-kamuka ko maging sa pagngiti at pagtawa.
Nasasabik na akong makita at mahawakan siya. Pero iyon ay kung hindi pa din ako huli.
Shayphan's
Mula sa ginagawa kong pag se-surf sa internet ay nabaling ang atensyon ko sa baby ko na bigla na lang tumawa mag-isa. Ano na naman kayang nakita nun? O baka naman may nakaisip lang sa cute kong anak kaya ganun.
Napangiti na lang ako at saka ako nag log in sa f*******: ko.
May iilang notifications din akong nakita at karamihan dun ay sa mga dati kong classmate nung college, puro comment mula sa picture ng baby ko. Kahapon ko lang kasi inupload dito yung mga pictures namin ni baby Grapes mula nung ipanganak ko siya sa ibang bansa hanggang sa pag-uwi namin dito nung nakaraang araw.
Ang cute daw ng baby ko, tapos nose ko lang daw ata ang nakuha niya sa akin. Napatitig tuloy ako sa picture naming dalawa ni Grapes. Nakahiga siya nun sa kama tapos ako naka kiss sa lips niya.
"Oo nga nuh? Nose ko lang ang nakuha mo baby ko"
Mag la-log out n sana ako ng may mahagip ang mga mata ko sa pinaka dulo ng sandamakmak na coment mula sa mga pictures namin. Mula sa nagngangalang 'EVE' nagmula yung comment at nakalagay dun na kamuka daw ni Gareth yung anak ko. Nababahalang dinelete ko kaagad yung comment niya dahil baka may iba pang makabasa nun at saka ko pinatay yung computer ko.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at saka lumapit sa anak ko.
Nakatitig sa akin si Grapes, pero hindi siya nakangiti.
Humiga na lang ako sa tabi niya at saka ito niyakap ng mahigpit. Selfish man para sa tingin ng iba ngunit ayokong ipaalam kay Gareth ang tungkol sa anak ko, gusto ko ako lang ang magulang niya at akin lang siya.
"Sorry baby, pero nandiyan naman si Daddy Carl para maging daddy mo. We don't both need your real father, kung paanong hindi rin niya tayo kinailangan nuon"
"Mah.. mah.."
"Yes baby, mommy's always right"
Dun lang ulit ngumiti yung anak ko.