Chapter 16: Smile

2238 Words
Chapter 16 Carl's  Kanina pa ako dito sa condo ni Phannie, binisita ko lang silang mag-ina. Nag luluto ata sa kusina si Phannie kaya naman kami lang ni baby Grapes ang nadito sa kuwarto. Katabi ko siyang nakahiga sa kama habang nilalaro niya yung ribbon ng suot niyang damit. Sabi ko naman kay Phannie wag masyadong pagsusuotin si baby Grapes ng damit na maraming lace dahil kinakain lang ng batang ito yung dulo niyon. Kaso matigas talaga yung ulo ng babaeng iyon at palagi pa ding ipinapasuot sa baby namin yung mga ganuong klase ng damit. Baby namin? Nakakatuwa lang isipin na ako yung tinatawag niyang 'Dah-DAh' sa tuwing masisilayan niya ako at hindi si Gareth. Na ako yung palagi niyang hinahabol sa tuwing aalis na ako, at hindi pa din si Gareth. Ganito pala kasaya ang mga karoon ng anak? How come that having a child of my own didn't sink in my mind before? Kung alam ko lang na ganito pala eh di sana nakasama na sa priority ang pagkakaroon ng anak. Pero iisang babae lang ang gusto kong maging ina ng mga anak ko. I only want Phannie, wala ng iba pa. Pero Masaya na ako sa pagiging tatay-tatayan ng batang ito. Ganuon ko kamahal si Phannie na handa pa akong akuin si Grapes na siyang matagal ko na din namang pangarap. Naghihintay lang ako ng tamang tiyempo at pagkakataon. Para tuluyan na silang dalawa mapasa akin sa legal na paraan. "Dah.. Dah..." Nakatingin pala sa akin si baby, tapos nakangiti pa siya. She is eyeing me with awe. "Yes baby, daddy's here." Bulong ko sa bata. "Hmmm.." puro ganun lang yung sinasabi ni baby Grapes na tila nakikipag usap sa akin. Natatawa na lang ako habang ginagaya din ang sinasabi nito. "Carl, anong pinag-uusapan niyo ng anak ko?" Basag ng boses na iyon sa pakikipag harutan ko kay Grapes. Napalingon ako sa pintuan ng kuwarto, nakatayo duon si Phannie habang suot-suot pa niya yung apron na ginagamit niya sa pagluluto. Ang ganda lang niya talaga kahit pawisan pa siya. Nakapusod yung mahaba niya buhok habang nakataas naman sa magkabilang balikat yung manggas ng damit niya. Naka yapak lang din siya at naka walking short. Bakit ba kahit may anak na eh, napaka ganda pa din niya? Mukang hindi na kukupas si Phannie sa paningin ko. "Hey Carl! Mukang lumilipad nanaman iyang utak mo!" natatawang lumapit sa amin ni baby Grapes si Phannie at saka tumabi sa akin. Hinawi pa niya yung mga makukulit na hibla ng buhok ko na nakatabing sa noo ko. Ipinaikot ko naman sa bewang niya yung mga kamay ko at saka ko siya niyakap ng mahigpit na mas ikinatawa niya. Ang kulit lang ng isang ito talaga. "Ang weird mo ata ngayon Carl?" "Huh? Matagal na akong weird, ngayon mo lang napansin?" "Opo, kawawa naman si baby Grapes may Daddy na weird." Tapos humagalpak na naman siya ng tawa, pero tila naman hinaplos yung puso ko sa sinabi niya. Na ako nga yung ama ni Grapes at hindi si Gareth. Ako lang "Hindi iyan, mas magiging happy pa nga si Grapes dahil may cool siyang Daddy" "Talaga lang huh?" Tumango ako at saka ko siya hinapit pang papalapit sa akin. Nakakaintindi namang mas hinigpitan pa din ni Phannie yung pagkakayakap din sa akin. Ang intimate lang ng puwesto namin. Pero anong magagawa ko, ang mga ganitong bagay ang nagpapasaya sa akin. Yung mayakap ko lang siya sapat na. "Kamusta na yung resort mo, Phannie?" duon lang ako tiningnan ni Phannie at saka ngumiti sa akin ng matamis. "Very successful pa din gaya ng dati." "Ang yabang. Pero bilib ako sa iyo na nakaya mong maging successful despite of wgat happened." "Hey! That's true, okay? Tho, hindi naman mangyayari ito kung hindi dahil sa tulong ng mga taong patuloy na tumutukong at nakasubaybay sa aming mag-ina." "But you did it most of your own." Tinitigan ko na lang yung mga mata niya at saka pa ako napalunok ng masilayan ko yung mapupula niyang labi, ang ganda lang talaga niya lalo na sa malapitan. Naakit tuloy ako na tawirin pa yung nakapagitan na space sa aming dalawa. Pero may kaba sa dibdib ko, kaba na hindi na yat mawawala pa kapag si Phannie ang kaharap ko. Marahan kong inilapit dito yung muka ko para sana halikan siya ng bigla namang umiyak si baby Grapes sa likod ko. Napabalikwas tuloy kaming dalawa at saka nag-unahan na tingnan kung anong problema nito, pero mukang nabagot lang ata dahil walang kumakausap sa kanya dahil pagkakita niya kay Phannie ay tumawa na ulit siya. Great timing, baby... Shayphan's POV Mag-isa nanaman ako sa condo ko, kaaalis lang kasi ni Carl. Paano tumawag yung secretary niya para sabihin na may nakaantabay pa pala itong isang meeting sa isa sa mga kliyente niya at kailangan daw na makausap siya niyon. Nakakatuwa na palagi kaming inuuna ng binata sa lahat ng bagay ngunit nakaka guilty din kalaunan. Nagiging sagabal kami sa mga trabaho nito. Mag aala's-dose pa lang din pa naman ng tanghali. Sayang yung niluto ko. Para sa aming dalawa pa naman sana iyon kung di lang siya umalis. Pero naisip ko din na baka hindi rin kumain ng tanghalian si Cral kaya siguro ay mas maganda kung dalhan ko na lang siya ng pagkain sa opisina niya. Masyado itong nagmamadaling umalis kanina kaya hindi na ako nakapag prepare ng lunch for him na dadalhin niya. Malamang na matutuwa iyon kapag nakita kaming mag-ina sa opisina. Nagmamadaling tumayo na ako mula sa pagkakaupo at saka naghanda ng dadalhin. Binihisan ko na din si Grapes at sabay pa kaming dalawa naligo. Nang matapos ay isang maong na short na lang ang sinuot ko at isang grey na tee-shirt na fit sa katawan ko. Tanging yung wedge shoes ko naman na white ang pangsapin ko sa paa. Habang si baby Grapes naman ay sinuotan ko na lang ng violet na tee-shirt na nakapaloob naman sa yellow na maong na short din. Naka two tail din yung curly niyang buhok habang isang pink na boots ang nakasuot sa paa niya. Natutuwa talaga akong ayusan ng damit yung baby ko. Mabuti na lang naging girl si Grapes dahil mas nag eenjoy akong alagaan siya pero kung naging lalaki din naman siya ay okay lang din, pero thankful talaga ako. Pagkasakay sa kotse ay pinaandar ko na yun ng marahan lang dahil nga may baby akong kasama. Medyo malayo-layo din yung office ni Carl kaya inabot din siguro kami ng mga thirty minutes ng anak ko sa biyahe bago nakarating sa paroroonan namin. Binuhat ko si baby Grapes habang hawak-hawak ko din sa kabilang kamay ko yung paper bag na kinalalagyan ng pagkain na luto ko para kay Carl. Dumiretso ako ng pasok sa building at lumapit sa lobby para sana tanungin kung saan ang office ni Carl pati kung anong oras matatapos yung meeting niya. Paglapit ko sa babae na naka assign sa looby desk ay nginitian ko siya ng ubod ng tamis at saka itinanong dito ang pakay ko. Pero sa halip na sabihin sa akin kung nasaan yung office ni Carl ay nginitian lang niya ako ng plastic at saka sinabing busy daw ito bawal din maistorbo. "G-ganun ba? P-pero puwede kayang makausap ko si Carl bago ako umalis? May ibibigay lang ako sa kaniya." "Sorry Ma'am but sir Carl Monte Carlo is currently inside of his conference room and it seems that he didn't want to be disturb by anyone at this moment" Hindi na nakangiting sabi nung receptionist. Ano bang problema ng babaeng ito? Napansin ko din na parang ang pangit ng tingin na ibinibigay niya  sa suot ko. Naaiiritang hinugot ko yung cellphone ko sa bag at saka ko kinontak si Carl. Mga ilang ring muna ang nakalipas bago niya sagutin yung tawag ko. Medyo umiinit na din yung ulo ko at nangangalay na ako sa pagbuhat sa baby ko na umuungot na sa pagkakakarga ko. "Hello, Phannie? What's that?" "Andito kami ni Grapes sa ibaba ng opisina mo, pinag dalhan na din kita ng pagkain para sa lunch. Ayaw akong papasukin ng receptionist mo eh, can you call her?" "Really? Okay, okay.. Pabababain ko na lang yung secretary ko diyan para samahan ka papunta sa office ko" "Thank's." Naputol na nag tawag pagkasbai ko niyon. Naupo muna kaming mag-ina sa isa sa mga couch na nagkalat sa lobby. Kinandong ko yung anak ko habang inililibot ko naman yung mga mata ko sa buong building. Ang sosyal lang talaga ng design ng lugar na ito mula sa sahig hanggang sa mga kagamitan. Hindi maipagakakailang mayaman talaga sila Carl. Ngayon lang ako nakapunta dito simula nung umuwi kami ng bansa. Pero napuntahan ko na dati ito nung college kami at ang Daddy pa ni Carl ang nag mamanage nito noon. Isinandal ko yung ulo ko sa sandalan at saka nahahapong ipinikit ko yung mga mata ko. Medyo nahilo ata ako sa pag da-drive kanina. Gareth's POV Papasok pa lang ako sa Monte Carlo architectural company ay napansin ko na kaagad yung babaeng may bitbit na sanggol. Napangiti ako kasi dahil nakatalikod sa akin yung nanay nung bata pero yung baby ang nakaharap sa gawi ko. Nakatingin sa akin yung baby na ang ganda-ganda lang naman, pero nagulat ako nung itinaas nung baby yung kamay niya na para bang gusto niya akong abutin at saka ngumiti ng ubod ng tamis. Napahinto tuloy ako mula sa paglalakad at saka ngumiti din dun sa bata. Pero naupo na din sila ng nanay niya kaya naman nawala na sa paningin ko yung bata. Napabuntong hininga tuloy ako at saka na lang pumasok sa elevator para pumunta naman sa pinaka last floor nitong establisyemento. Tinawagan ako ni Daddy kanina para ipaalam na nasa Monte Carlo firm siya para kausapin yung CEO ng kumpanya. May bago kasi kaming pinalanong gawing mini city sa isang isolated province at kailangan namin ng tulong mula sa kumpanyang ito. Ilang minuto pa ya narating ko na din yung last  floor na nagsisilbing opisina ng CEO nito. Pinapaasok naman ako ng secretary papunta sa conference room. Pagkapasok ko ay napasulyap ako sa lalaking kausap ni Daddy, at laking gulat ko ng makilala ito. If I'm not mistaken ay siya yung lalaking nakita kong palaging kasa-kasama ni Phannie nuong college days namin. Tumayo yung lalaki na nagpakilala bilang si Carl Monte Carlo at kahit sa batang edad ay siya na pala ang CEO dito. Kahanga-hanga. "Meet my son Carl, that is Gareth Glenn Sandoval. Siya ang panganay sa tatlo kong anak at ang susunod na mamamahala ng kumpanya ko" pagpapakilala naman sa akin ng Daddy ko sa lalaking kaharap ko. "It's nice to meet you Gareth." He is not smiling and he is too formal. "The pleasure is mine, mr. Monte Carlo" Ngumiti lang siya sa  akin at saka niya ako iginiya paupo sa tabi ni Daddy.  Mahigit ilang minuto lang siguro ang ginugol namin sa loob ng room na ito para sa pagpaplano at salamat naman dahil naging maganda ang resulta ng pakikipag kita namin kay Carl. Papalabas na kami ni Dad ng opisina niya ng maisip ko na baka alam ng lalaking ito kung nasaan si Phannie dahil close nga silang dalawa hindi ba? Pero inunahan ako ng hiya at takot magtanong kaya parang naumid na naman ang dila ko at sa halip ay nauna na lang ako pumunta sa harap ng elevator. Nagtatakang napasunod na lang din  sa akin si Daddy. Nag aabang akong bumukas ang elevator ng maramdaman ko yung kamay ni Dad na nakapatong sa balikat ko. "Is there a problem Gareth?" "W-wala po" Pagsisinungaling ko na lang dito. Ayokong malaman nito kung gaano ako naging katanga sa buhay. "Kilala kita kaya alam ko ang tumatakbo sa isipan mo." Napa buntong hininga ako at saka naiinis na ginulo yung buhok ko. Bakit ba kasi nanghihina akong harapin o hanapin man lang si Phannie? Dahil ba sa katotohanang inabanduna ko silang dalawang mag ina noon? Dahil naging duwag ako? "Tingin niyo po ba naging maayos naman ang lagay nila Phannie at ng anak ko, Daddy?" wala sa loob na naibulalas ko dahil na rin siguro sa sobrang guilt. Mukang nakakaintindi namang tumango si Daddy at saka namulsa sa tabi ko. "Malusog ang batang nakita namin sa mall ng Mommy mo, Gareth. Maganda rin ang ina, at mukang masaya sila" "Tingin niyo po, matatanggap pa ba nila ako?" "Nasa sa iyo na ang pagpapasya niyan. Kung gagawin mo ang tama, siguro oo. Pero kung sa mali ka susuporta ay malamang na hindi" "Siguro nga po---'' parang slowmo na sabay kami ni Daddy na napatingin sa kabubukas lang na elevator. At humantad sa harap namin ang babaneg kanina pa tumatakbo sa isip ko. Gustong sumabog ng puso ko sa biglaang pagkikita naming dalawa. Napa tunganga ako ng mamataan si Phannie na kanina lang ay tumatakbo sa isipan ko. ''P-Phannie?" pabulong na sabi ko ng dire-diretso lang na lumabas ng elevator habang nakasunod naman dito yung secretary ni Carl na nag-assist sa akin kanina. Nakasunod lang ako ng tingin sa likod niya. Hindi ba niya ako napansin o nakilala? Pero mukang masyadong okupado yung isip niya dahil ni hindi nga rin niya napansin si Daddy. Nakahabol pa rin ako ng tingin sa kanya at parang gusto kong mapaiyak sa tuwa ng makilala yung batang buhat-buhat niya. Yun din yung batang nakangiti sa akin sa lobby kanina, sigurado ako dun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD