Chapter 17: Moral support

1576 Words
Chapter 17 Shayphan's Ilang minuto pa ang nakalipas bago may isang babaeng mga nasa mid-thirties ata ang bigla na lang lumapit sa kinauupuan namin ng anak ko at nagpakilala siya bilang personal secretary daw ni Carl. "Sorry, Maam kung medyo natagalan po ako sa pagsundo sa inyo. May client po kasing dumating sa office ni Sir Carl kaya napilitan po muna akong ihatid sila sa conference room." "It's okay. I understand, nasaan nga pala si Carl?" "He is currently inside of the conference room, Maam. Pero patapos na din naman yung meeting." "Aahh, okay" nakangiting baling ko sa secretary ni Carl na ngumiti din sa akin. Binuhat ko na si Grapes at saka yung paper bag, mukang napansin naman ng secretary ni Carl na medyo nahihirapan ako kaya sya na yung nag prisintang magdala nung paper bag na ikinatuwa ko pa ng sobra. Pasakay na kami sa elevator ng magsimula namang mag-ungot si Grapes. "Baby, saglit na lang.. Malapit na tayo kay Daddy Carl" pero makulit ang anak ko, nagugutom na naman ito malamang. Naiwan ko pa naman yung formula milk niya sa kotse. Siguro pwede naman ako magpa breast feed sa office ni Carl tutal wala pa naman din siya. "Anak niyo?" tanong nung secretary. Tumango ako bilang sagot at saka ngumiti. "Ang cute naman, ilang taon na?" "One and a half." Masaya kong sagot at saka ko sinulyapan si Grapes. "Anak ninyo ni Sir Carl?" Medyo kuryoso nitong tanong. Umiling-iling ako at saka nagpaliwanag dito, " Anak ko lang po ito, pero dahil best friend ko si Carl ay siya yung tumatayo bilang father ni Grapes. Wala na po kasi yung biological dad nya" "Ganun ba? Napakabait na bata talaga ni Carl, at sa sitwasyon mo ay ni hindi ka niya nagawang iwanan. At sa halip ay tumayo pa siyang ama ng baby mo" naka smile pa ding sabi ni nito. "Tama po kayo, mabait talaga si Carl" "Pero ang akala ko talaga anak din niya iyan, may mga picture kasi siya ng baby sa desk niya at palagi niyang sinasabi na cute daw sa personal yung anak niya. But he is right after all, your daughter is really cute" "Thank you." Buong galang kong sagot dito. "Dah..dah.." Napabaling ulit yung tingin ko sa anak ko kasi naglilikot na talaga siya at namumula na yung nose niya, ibig sabihin ay any moment iiyak na siya. Inihele ko na lang siya sa braso ko para hindi siya umiyak pero humihikbi-hikbi pa din siya. Mabuti na lang ay bigla ng nag open yung elevator kaya naman nagmamadaling lumabas na kami duon para ma pa-breast feed ko na si Grapes na malapit ng mag alburoto. "Hintayin niyo na lang po si Sir Carl sa loob ng office niya." Binuksan nung secretary yung pintuan nung office ni Carl at nalula pa ako sa karangyaan ng opisina nito. Anak mayaman talaga. Naka ngiti kong usal sa isip. Pagpasok ko ay umupo kaagad ako sa couch na nakita ko sa sulok at duon ay ikinalong ko si Grapes at pina dede. Kawawa naman yung baby ko, para kasing uhaw na uhaw talaga siya. Isinandal ko na lang muna yung ulo ko sa headrest at saka mahinang kumanta. Ganito kasi palagi yung ginagawa ko sa tuwing pinapainom ko ng milk si baby.!Habang kinakanta ko ng mahina yung twinkle-twinkle little star, ay iginagala ko yung mga mata ko sa kabuuhan ng opisina pero mas na focus yung attention ko sa labas ng buildin. Kitang-kita kasi mula sa kinauupuan ko yung high-way sa ibaba. The floor to ceiling glass window is giving me an access to view this beauty. "Look baby, there's a lot of car." Pinaupo ko na si Grapes sa hita ko kasi mukang busog na siya, inayos ko na din yung damit ko at saka nag focus kay Grapes. Ipinakita ko sa kanya yung mga kotse sa ibaba, tapos siya pumalakpak pa at saka nag papadyak habang tila inaabot yung mga sasakyan. "Do you want to have your own car, Baby?" Maligaya kong tanong sa anak na natutuwa sa mga nag aandarang sasakyan. Bigla akong napapitlag ng marinig yung baritonong boses ni Carl sa likuran ng kinauupuan ko. Automatic naman na napalingon din si Grapes ng makilala siguro yung boses nito. "Kanina ka pa ba diyan, Carl?" Tanong ko sa binata ng nakangiti. "No, kapapasok ko lang. I'm sorry kung napag hinatay ko kayo. May inasikaso pa kasi ako" Pagkasabi niyon ay lumapit siya sa akin at saka binuhat si baby Grapes na mas lalo atang naging hypher. "That's okay, by the way, nagdala nga pala ako ng lunch mo. Bigla ka na lang kasing umalis kanina, naisip ko na baka hindi ka pa nanananghaliaan. I hope you don't mind that we barge in here on your office without any consent." "Wow, sakto di pa ako kumakain. Hulog ka talaga ng langit Phannie" Lumapit sa akin si Carl at saka ako hinalikan sa pisngi.  Gareth's Basta basta ko na lang inihagis sa kama ko yung polo na kahuhubad ko lang. Kaninang tanghali pa ako hindi mapakali simula nung makita ko sa opisina ni Carl si Phannie. Gusto kong sapakin ang sarili ko nanhindi man lang ako nakagalaw at nakapag react ng makita ko ang mag ina. Para akong nanlamig. Ganito na ba ako kaduwag ngayon? Parang ewan lang na nakasunod lang ako ng tingin sa mag-ina ko habang si Daddy naman ay tila hindi alam ang gagawin sa akin at sa halip ay inaya na lang akong umuwi. Walang lakas na nag paanod na lang ako at saka dumiresto ng pasok sa kuwarto ko pagdating sa bahay. Hanggang ngayon ay nangigigil pa din ako sa kaalamanan na si Carl pala ang tumatayong ama ng anak ko ngayon. Aksidenteng narinig ko kasing nag salita yung secretary ni Carl habang naglalakad papunta sa table niya. At nauliningan ko na napaka swerte daw ni Carl sa pagkakaroon ng mukang mabait na fiancé at cute na anak. "That's my godamn daughter! And not him!" nanghihinang napaupo na lang ako sa kama ko at saka napasapo sa ulo. Hindi lang kasi ako makapaniwala na may iba pa lang tumatayong ama yung anak ko. Nasasaktan na nahihirapan ako, di ko alam kung anong iisipin at mararamdaman. Nahihiya at nanliliit din ako. Habang parang nauupos yung kakapiranggot na pag asa ko na makasama  at maagaw pa yung mag ina ko. Biglang nalipat sa pintuan ng kuwarto ko yung atensyon ko kasi bigla na lang pumasok si Mommy dun habang kipkip yung laptop niya na pink. "Look Gareth of what I found!" excited na tumabi sa akin si Mommy habang ipinapakita sa akin yung screen ng laptop niya. Nakita ko na naka open yung social media account niya. Pero naagaw yung atensyon ko nung album ng isang bata. Pulos picyure ang nanduon at ditelyadong naka post ang bawat larawan nito mula ng ipanganak hanggang sa maliliit nitong milestone. "Na search ko yung account ni Shayphan, ang galing ko di ba? And look, this girl is really beautiful, napaka perfect walang-wala yung ex mong walang modo na si Shaine." "Mommy, ano na naman ba iyan? Huwag mo nga silang ipag kumpara. Magkaibang tao silang dalawa kaya magkaiba din ang personality nila." "And so? Affected ka pa din ba? Muka namang hindi na kaya okay na din iyan" "Mommy!" pero imbes na manahimik ay umismid lang sa akin si Mommy at saka may pinag pipindot sa keyboard ng laptop. Then, biglang lumaki isa-isa yung mga pictures ng anak ko. Parang may kamay na humaplos sa dibdib ko ng masilayan yung unang picture na nandun. Ultrasound result kasi niya yun nung six months old pa lang siya sa tiyan ni Phannie. Pinindot ni Mommy yung next, lumabas naman yung picture nila ni Phannie habang nakahiga yung mag-ina sa hospital bed at naka patong si Grapes sa dibdib niya. "She's still pretty inspite the fact that she's just given birth to your daughter Gareth" patukoy ni Mommy kay Phannie na may pilit na ngiti sa labi habang nakatingin sa camera. Mukang pagod na pagod din siya. Na guilty ako kasi dapat ako ung nasa tabi niya nung mga panahon na iyon. At hindi ibang lalaki. Ako din sana yung magpuputol ng pusod ni Grapes, kasi yun yung pinaka importanteng role na ginagampanan ng mga tatay sa bagong silang nilang anak. Yung next photo naman ni Grapes ay nakahiga siya sa kama habang naka diaper lang at tila hinahabol yung camera. Nakangiti din siya at kitang kita yung gilagid niya na may isa pa lang ngiping bagong tubo. Ilang buwan na kaya siya dito? "Napaka ganda talaga ng apo ko Gareth, excited na akong mahawakan siya" Medyo makahulugang sabi ni Mommy na diretso pa din ang tingin sa monitor. Mas lalong nadagdagan yung guilt feeling na nadadama ko. "Ako din po.." Nasasaktang sagot ko kay Mommy. Nahihirapan na akong magtago ng nararamdaman, sawang-sawa na ako na sinasarili ang lahat. Nilingon ako ni Mommy at saka ako kinabig payakap. Pakiramdam ko ay saglit na gumaan yung pakiramdam ko sa simpleng yakap na iyon. Pero maya-maya pa ay hayan na naman yung mga problema ko, mabuti na lang at may napaka understanding akong parents kaya di ako masyado na pe-pressure ng sobra-sobra. "Mas magiging Masaya ako Gareth, kapag nakita ko ng karga-karga mo ang batang yan. Yung bubuuhin mo na yung pamilya niyo at magiging Masaya na kayo habang buhay" Napapikit na lang ako at saka marahang tumango-tango. Heto yung kailangan ko ngayon, moral support..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD